Freaking Daniel

49 2 0
                                    

(EPISODE 1)

"Bebang? Nakung babaeta ka! Nagsiliparan na lahat ng ibon pero ikaw ayan at nakatago pa diyan sa lungga mo."

Napasimangot lang ako sa lakas ng boses ni Kuya Baks. Sapilitang bumangon ako at dumiretso sa banyo para maligo. Kailangan kong maabutan si ate Kuys para hindi ako makapag-commute. Kailangan kong magtipid ng pera lalo na't binabarat ako ngayon ni kuya baks sa allowance ko. Tss!

Kasalanan to nina Alice at Cherry eh. Kung hindi lang talaga ako nahuli ni kuya baks na umiinom ng alak sa Saphire (isang bar) baka malaki parin ang allowance na binibigay nya sakin ngayon. Kaya lang ayun nga, natrouble ako nung birthday ni Joanna. Pinilit kasi ako ni Alice at Cherry na uminom.

Sobra pa akong nabigla nung nakita ko si Kuya Baks sa Saphire. I know na he often bar-hop with his staffs and the with the models that he is taking care of but I didn't expect they'll be there that very night. I mean pang-teenagers ang Saphire. Tsaka mas gusto nung si kuya baks sa sosyal na bar. Yun bang mga mayayaman mostly ang nagpupupunta. But that night, damn. I was busted!

Tsaka si ate kuys hindi rin natuwa nang malamang uminom ako. Simula kasi nang sumikabilang-buhay si mama at papa sina Kuya baks at ate kuys na ang tumayong mga magulang namin ni Bunso na si Blake. Napaka-overprotective nila samin.

And oh, kuya baks kasi bakla si kuya. Tapos ate kuys kasi tomboy si ate. So far straight na babae naman ako at straight din na lalaki si Blake. Minsan nga lang inaasar ako ng mga kaibigan ko na baka maging tomboy ako gaya ni ate kuys kasi I rarely dress up. Tsaka cold-bloode daw ako.

But whatever they say, I know better than they do.

"Bebang? Plano mo bang ubusin ang tubig ng Slime Village?!" Sigaw ni kuya baks sa labas ng banyo.

Tss!

Hindi ko sya pinansin at nagmamadali nalang akong naligo. Mabilis din akong nagbihis saka ako tuluyang lumabas ng kwarto. Eksaktong paglabas ko ay lumabas din ng kwarto nya si ate kuys.

Malawak ko syang nginitian habang napailing-iling lang sya sakin na para bang alam nya na kung ano ang pakay ko.

"Si Blake ayun at nakaalis na samantalang ikaw ayan at hindi pa nasusuklay ang buhok mo." Ani ate kuys at sinukbit na ang kanyang DSLR camera.

Pinili kong wag nang sumagot at tinali nalang ang buhok kong hindi pa nga napapasadahan ng nasusuklay.

Tinulungan ko si ate kuys na bitbitin ang mga gamit nya para alam nyo na, magpa-goodvibes. Makikisakay nga ako sa kotse nya diba? Hahaha.

"Ayan, naglalambing ka lang naman kapag may kailangan ka eh."

"Ate kuys ah! Di yan totoo. Sadyang malambing lang talaga ako." Sabi ko saka ko sya hinalikan sa pisngi at agad akong sumakay ng kotse nya na minana nya pa kay daddy.

Afford nya naman ang bumili ng bago kaya lang may sintemental value para sa kanya ang kotse na to kaya hindi nya mapalitan. Tsaka tinulungan nya si kuya baks na bilhin ang gusto nitong kotse which is really quite expensive.

Sya nga pala, licensed photographer itong ate kuys ko. Yung si ate baks naman fashion designer at event coordinator. Si bunso ay highschool student habang ako naman ay graduating na ng college.

May mga constant changes sa buhay namin nang mamatay sina mama at papa. Dati kasi what we want we get, with no sweat. May mga maids din kami noon but it doesn't mean na hindi kami tumutulong sa gawaing bahay.

Pero kahit wala na si mama at papa hindi naman kami naghihirap. Bukod kasi sa malaking pera na iniwan ng mga magulang namin, masikap din si kuya baks at ate kuys. Tsaka sobrang mahal nila kami ni bunso.

More Than YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon