Chapter 4 - Stacey Padilla

988 19 0
                                    

 

I hate this. This moment na school is about to start again. Ugh. Alam mo yung feeling na ganun? Nakakainis lang. Bitin na bitin ako sa vacay namin. Pssh. Ayoko pang pumasok lalo na't first year college na ko. New environment. New everything. Pero sa totoo lang tinatamad lang ako, mas gusto ko pang humilata sa bahay at maglaro ng sims at kumain!

I went to Brenton High and I just graduated 2 months ago. Most of my friends flew abroad na to study there. While ako, dito pa rin. Sa Brenton University ako magcocollege. And as you can see, same school lang as my high school. The main reason why I'm still here is that, my parents are the owner of this exclusive school. Yes we're rich, and BH & BU are only exclusive for rich people. Maliban sa school marami pang ibang business ang parents ko. But ang pinakagusto ko ay ang Yatch Club. Dun ang favorite hanging place namin ng mga kaibigan ko.

You know, kahit na sobrang yaman namin, low profile lang ako. Hindi ako spoiled brat, at hindi ako nagmamaliit ng mga taong mababa samin. Bata pa lang ako ganun na pangaral sakin ng mga magulang ko. Everything in this world should be fair. Just that may mga tao talagang pinanganak na fortunate katulad ko.

Oh by the way, my name's Stacey Padilla. I'm almost 17 and I'm of Filipino-American-Taiwanese descent. Ang dami noh? Pero dito na ako pinanganak at lumaki sa Pilipinas. More on Filipino ancestry kami, nahaluan lang ng ibang dugo dahil.. nako ayoko na iexplain. I hate history. Haha.

Anyway, only child lang ako which is a good thing cos I don't want my parents divided attention. Lagi silang may time sakin kahit na busy sila sa work. Ganun nila ako ka-love J Okay lang sakin na walang kapatid since I have my cousins naman na I grew up with na parang mga kapatid ko na rin. Kapit bahay lang naming sila. Si kuya Kody, ate Tracey and Adrian. Kami ni Adrian ang magkaage while kuya Kody and ate Tracey are both 21, they are fraternal twins. Sobrang close namin sa isa't isa. Anak sila ng only sibling ni Papa, si uncle Tom.

We all went to France during summer vacay to have an oh-so-awesome vacation and to visit ate Tracey. Kasi 2 years ago, pumunta sya ng France para i-pursue nya ang dream nya as a fashion designer. So fab noh? And since napakasupportive nila uncle Tom, they let her go.

Matagal na naming balak magbakasyon sa France pero this summer lang natuloy due to busy schedules. May pasok nga si Ate Tracey by that time pero she tried to spend her time with us after school and of course during weekend. Umattend pa kame ng isang event sa school nila which is isa sya sa mga designers ng mga couture na sinuot ng mga models. Ate Tracey's very creative and smart. She's perfect for me. I look up to her so much and I wanna be like her. Independent, creative, smart, amazing.. perfect! J

Sobrang saya ng bakasyon namin, ayoko na ngang umalis dun eh. Gusto ko nga sa Eiffel Tower na tumira kung pwede lang haha. But because of the enrollment, kelangan na naming bumalik. One week nalang before magstart ang school days. Kaya nga I hate it eh. Dahil sobrang enjoy ako sa France. One day, dun din ako magaaral just like Ate Tracey.

So here I am, nakapila sa Registrar's Office for my papers to be processed para maging officially enrolled. Actually pwede nga hindi na ko pumila dito since kami naman may ari ng school na toh. But I don't wanna take advantage of my family's influence. I'm that humble.

I'm with my bestfriend, Rence. When I said most of my friends leave to study abroad. Well, Rence is the only exception. He's stuck here with me. First, co-owner ng parents ko ang parents nya dito sa school. Secondly, hindi nya kaya ako kayang iwan noh. And thirdly, hindi rin ako papayag na umalis sya haha.

Rence is the epitome of the word "SAYANG". Wanna know why? Cos he's gay. Isang gwapong bakla, kaya nga sayang eh. Crush ko kaya sya nung una ko pa lang syang nakita nung first year high school kami. Pero nung nalaman kong boyfriend nya yung isa ko pang crush sa kabilang section. Dun na natapos ang kahumalingan ko sa kanilang dalawa. At naging ultimate best friend na kami since then, dahil sakin sya unang umamin kung ano talaga sya nung inamin ko sa kanyang crush ko sya. So ironic haha. Dahil sakin at sa influence na rin ng pamilya namin walang nangahas mam-bully sa kanya when he came out of his closet. Hindi rin nagtagal nagbreak din sila ni Crush # 2 kasi hindi tanggap ng pamilya nila ang isang bakla kaya ayun pinadala sa America kaya super broken hearted ni Rence nung time na yun. Ako ang nagpasaya ang nagcomfort sa kanya during his sorrow moment. Kaya simula nun, naging inseparable na kami. Lagi nga kaming napagkakamalang magsyota. Haha :D

Haba naman ng pila. Daming student, yung iba dito kilala ko na, nagssmile lang sila sakin.

"Best magkakape ako, you like?" tinanong ko si Rence na naglalaro ng Candy Crush sa tabi ko.

"Ayoko best" maikling sagot nya. Adik talaga sa candy crush, halos di ako pinapansin nito kanina pa ah.

"K, then" sabi ko sabay tayo palabas ng registrar office.

When Love and Hate Collide (girlxgirl) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon