Chapter 7 - Friend Request Sent

784 18 2
                                    

Stacey's POV

>MY ROOM<

Nasa kwarto na kami ni Rence, naupo na ko agad sa queen sized bed ko at sumandal sa headboard habang nasa lap yung laptop ko. At si Rence kinuha yung ipad mini ko at dumapa patalikod sakin. Napansin kong inopen nya yung candy crush, adik talaga tong baklang to sa CC.

"Oy beks, i-level up mo naman ako dyan. 1 week na ata akong stuck sa level 115" sabi ko habang inaantay magopen ung lappy ko.

"Sure teh" simpleng sagot ni baklush.

Pag-open ng laptop ko, nilog in ko agad yung IG ko. Dami naman notifs. Wow, parang last time lang 556 lang followers ko, ngayon nasa 765 na. Iba na talaga pag famous hehe. Konting browse then I logged in my twitter and I tweeted..

Officially enrolled! @renceyyy post tweet.

Dickhead. Post tweet.

Then nabored na ko kaya naglog in na ko sa facebook.

Username: goddesstacey

Password: **********

Just like my other account, bumungad agad sakin ang maraming notifs. Hinayaan ko lang silang lahat. I just keep on browsing. Nakita ko yung new upload photos ni Kuya Kody sa Davao. Bigla ko tuloy silang namiss! Halos magtutwo weeks na sila dun kase from france dun na sila dumeretso. Ni-like ko lang yung album then nagcomment ako. I miss you guys! Pasalubong ko ah! :)

I just keep on browsing until..

Lance "LD" Delevingne changed his profile picture

Welcome home baby girl! :) - yan yung nakalagay na caption sa pp.

Nakaakbay sya dun sa girl na nakabangga ko which is kapatid nya and then may luggage sa tabi ni kuya Lance. Obvious din sa background na nasa airport sila that time. So ibig sabihin kadarating lang pala dito nung kapatid nya. Kaya pala I wasn't aware na may malditang syang kapatid. Parehas silang nakawide grin. Napansin kong yun ung similarities nilang dalawa, yung smiles nila. Mas mukang may foreign blood yung kapatid ni kuya Lance kesa sa kanya. May pagkamoreno kasi si kuya Lance. Anyway, ang dami na agad likes nung picture in less than 30 mins 145 likes na agad. May mga comment din, halos puro lalaki yung nagcomment..

Guy 1: Ganda naman ng chic mo pre!

Guy 2: Pare, pakilala mo naman kami sa chic mo!

Guy 3: Napakachicboy mo talaga LD!

Lance: Mga ulol! Hindi ko chic yan, kapatid ko yan!

Guy 2: Talaga pre? Kaya naman pala maganda eh! Pakilala mo naman ako.

Lance: Gagu! Ni anino ng kapatid ko di mo makikilala haha

Lauren: Awww kuya! Love you! :* - and that one comment captured my attention. So, Lauren pala pangalan nya. Okay. Who cares. I was about to scroll down ng maramdaman kong umupo sa tabi ko si Rence at nakiusisa sa fb ko.

"Baby girl?!!!!!!" pasigaw na patiling sabi ni Rence.

"Sino yan? Girlfriend ba ni papa LD yan, at kelangan nakaakbay pa talaga. Sino ba yang babaeng yan! Nako kakalbuhin ko yan pag nakita ko yan" nagngingitngit na sabi ni Rence.

"OA teh?! Makareact ka dyan, girlfriend ka ba? Di nga kayo friends eh" pangaasar ko kay Rence.

"Tse!! Sino ba kasi yan?" nagcrossed arm pa ang bakla.

"Sya yun. Yung sinasabi kong nakabangga ko kanina which means sya yung kapatid ni Kuya Lance" sabi ko habang nakatingin sa laptop ko.

Napahinga naman ng malalim si Rence na akala mo nabunutan ng tinik. Napaka OA talaga minsan ng baklang toh.

When Love and Hate Collide (girlxgirl) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon