Drew
Haaay, it's nice to be back! Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Na-miss ko ang pinas!
Mahigit isang taon din akong nawala. Pumikit ako at sa pagpikit ko ay naalala ko ang nakaraan.
"Lexa!" Tawag ko kay Lexa na nakita ko sa mall kasama ang bestfriend niyang si Cassey at dalawang lalaki.
"Drew," bati nya sakin matapos niya akong lingunin.
"Pauwi ka na ba? Sabay ka na sakin." Alok ko sakanya.
"Uhm, hindi pa eh, may lakad pa kami." Sagot niya sabay lingon sa mga kasama. "Mga kaibigan ko nga pala, si Cassey, kilala mo naman na siya. Si Marcus, boyfriend niya. Ito naman si Adrian, office mate namin ni Cassey. Si Drew, kaibigan ko." Pakilala niya samin.
Nginitian ko ang mga ito at kinamayan.
"Why don't you join us nalang Drew?" Alok sakin ni Cassey.
"Ha? Naku, wag na. Lakad niyo yan eh." Nakangiting tanggi ko. "Akala ko lang pauwi na si Lexa kaya nilapitan ko para isabay na sana."
"No, I insist." Pamimilit ni Cassey.
"Oo nga, sumama ka na. The more, the merrier nga di ba?" Sabi naman ni Marcus. "Tamang tama, kung malasing si Lexie, ikaw na mag-uwi." Biro pa nito.
"Ahh, so anong silbi niyo? Balak niyo akong iwan pag nalasing ako?" Natatawang biro ni Lexa.
"Syempre hindi. Pero si Drew kapit-bahay mo lang, saka kilala siya nila Tita." Sagot naman ni Cassey. "Sige na, sumama ka na." Baling niya sakin.
"Okay then." Nakangiti kong sagot.
"Guys, mauna na ako sainyo, something came up, sorry." Sabi ni Adrian na katatapos lang makipag-usap sa phone. "Nice meeting you, Drew." Baling niya sakin na tinanguan ko naman.
Nang mawala si Adrian sa paningin namin ay lumabas narin kami ng mall. Sasakyan ko na ang ginamit namin dahil sasakyan pala ni Adrian ang gamit nila dapat.
Nagpunta kami sa isang club at uminom. Masaya ang naging gabi namin dahil masayang kasama ang mag-boyfriend na Cassey at Marcus, parehong makulit. Hindi ako masyadong uminom dahil magmamaneho ako. Si Lexa naman ay konti lang din ang nainom at medyo nahilo na.
Nang magkayayaan ng umuwi ay inalok ko ang dalawa na ihatid narin pero tumanggi sila. Nagpaalam kami sakanila at inalalayan ko na si Lexa sa sasakyan.
Hindi naman siya lasing, medyo tipsy lang. Nakatulog siya sa biyahe at hindi ko maiwasang titigan siya nang makahinto na kami sa tapat ng gate nila.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit para akong namamagneto? Di naman ako dating ganito sakanya. Palagi lang kaming nag-bibiruan at nag-aasaran. Siguro na-miss ko lang siya. Mula kasi nang magka-girlfriend ako, di na kami nagkaka-usap.
At kahit na nung nagkahiwalay kami ng girlfriend ko ay di na naibalik yung dating closeness namin. Iniiwasan niya ba ako? Hindi naman siguro, baka busy lang siya masyado.
Hinawi ko ang buhok na bumagsak sa mukha niya at hinaplos ang pisngi niya. Naalimpungatan siya at nagdilat ng mata. Agad ko namang binawi ang kamay ko.
"N-nandito na tayo sainyo."
"Sorry, nakatulog pala ako." Nahihiyang sabi nya na nginitian ko lang.
Bumaba ako ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto.
"S-salamat," mahinang sabi niya at bahagyang ngumiti. "Good night Drew. Salamat sa paghatid." Dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
My Runaway Crush
RomanceLexa and Drew love story. This story contains words and scenes that are not suitable for young readers. Read at your own risk. Thank you. Enjoy reading!