Chapter 2: THE TRIO

35 1 0
                                    

Copyright 2018.

Author's Note: Hi guys! You can listen to the song on top. It's All I want by Kodaline. Para mas ma-feel niyo yung tragic love story na pinagdaanan ni Elly. It's located in UNO's first POV! ♡

-

Did this Valedictorian Jerk... started a war?!?!?

"I guess you don't know how to respect other people's opinion, don't you?" "Oh em, she answered back, did she?" "Ang lakas ng loob niyang sagutin si Marco, naghahanap ba siya ng kahihiyan?" "Hay, goodluck, girl. Welcome to hell." "5 seconds, guys. Baradong barado si newbie."
Grabe?!?! Umakyat na ata lahat ng dugo ko sa ulo ko! Hindi ata alam ng Valedictorian Jerk na 'to na palaban ako! Hindi ako magpapatalo sayo noh! Ano ba kasing problema neto!

"Of course, I'm educated enough to know how to respect other people's opinion. Unless it's senseless and has no point at all." Sabay ngiti. Yung nakakaasar na ngiti. "Woah!!!!" "Wala ka daw sense, newbie HAHAHA!" "Shut up ka nalang, Marco yan eh!" Hiyawan ng mga kaklase ko.

"Kailan pa naging senseless at pointless ang pagbibigay ng opinion?" Tanong ko habang nakahawak na sa magkabilang beywang ko. Iniinis talaga ko ng Jerk na 'to!

"Um, a while ago? When you introduced yourself." At nagtawanan naman lahat ng kaklase ko. Maliban nalang kanila Maureen at Reese na inaawat na ko.

"Ms. San Jose, paano mo nasabing hindi nasusukat ng IQ level ang isang tao? Maaari mo bang mas bigyan pa ng diin ang iyong mga sinabi?" Tanong sakin ni Sir Dimaraonon. Nararamdaman ko naman sakanya na gusto niya lang ako tulungan na ipagtanggol ang sarili ko base sa ngiting ibinigay niya.

"Puso sir. Dahil hindi kailanman masusukat ng IQ level na 'yan kung anong kayang gawin at ibigay ng puso ng isang tao." Pumalakpak naman si Maureen at Reese. At ilan kong kaklase at tumango rin na mukhang nagustuhan ang sinagot ko sa aming guro.

"So, you turned this act into a dramatic one, Amazona. Let me ask you a simple question. Kapag nasagot mo 'to, They can declare you as the winner." Confident na sabi ng Valedictorian Jerk na yun habang hinihimas himas pa ang baba niya.

"Okay sige ba." Tugon ko habang nagbigay ng isang mabigat at malakas na paghinga.

Tinignan niya muna ko at nagbigay ng nakakalokong ngiti.

"What's the meaning of I.Q?"

*BELL RINGS*

"Hay nako, bakla. Hindi naman namin inakala na gaganyanin ka ni Marco. Hindi rin naman namin inakala ni Mau na hindi mo alam ang meaning ng IQ! Intelligence Quotient. Short for IQ! Okay? Tatandaan mo na forever yan ha! Nakakaloka ka!" Sabay lagay ng lip gloss. Papunta kaming cafeteria ngayon para kumain dahil lunch time na. Sa wakas!

"IQ measurement ko nga hindi ko alam, ibig sabihin pa kaya ng IQ?! Pinahiya ako ng Valedictorian Jerk na 'yun! Sa first day ha! sa first day! At hindi niyo naman kasi sinabi sakin na kailangan pa pala sabihin ang IQ measurement kapag nag introduce sa harap." KAINIS TALAGA! Nag peace sign naman si Reese dahil dun. Makakaganti rin ako sa Italiano na yun darating ang araw niya.

"Alam mo huwag mo nalang isipin kasi wala naman tayong magagawa nangyari na. Reresbakan natin 'yan sa tamang panahon bes." Cheer up ni Maureen sabay akbay sakin.

'Till I Met You Where stories live. Discover now