Chapter 3

4 0 0
                                    

Kurt's POV

-Sa Kotse

Kakatapos lang ng Photoshoot namin kaya pauwi na kami. Nang nasa tapat na kami ng bahay nauna nako bumaba. Direderetso paakyat ng hagdan..ng napansin ko nakabukas yung pinto ng kwarto ko.
Nakita ko si Chay nakatayo sa tapat ng drawer ko. Tinignan ko kung ano ung binalik nya sa drawer ko. Pagharap nya nagulat sya at nag-bow. At dali dali lumabas ng kwarto ko.

Sumalampak ako sa Kama dahil sobrang pagod ko. At dun na rin ako nakatulog. -.- zzzzz

Chay's POV

Kasalukuyan ako naghahanda ng hapunan para sa lima, inayos ko ang lamesa at nilagyan ng mga plato kutsara't tinidor. pagkatapos ay umakyat ako at pinuntahan mga kwarto nila. Una kong pinuntahan si Zack at Mark  kumatok ako at binuksan ang pinto. Nakita ko silang dalawa mahimbing na natutulog. Ginising ko na sila, ganun din sa kabilang kwarto nila Sam at Ken. Pumunta naman ako sa kwarto ni kurt kumatok ako at dahan dahan ko binuksan ang pinto, nakita ko sya nakaupo at nakatutok sa Computer , nakita ko naglalaro sya ng LOL. (Lol is layp daw xD)  tinawag ko sya "hm..Kurt kakain napo. Nahanda kona yung pagkain sa baba." Nilingon nya lang ako. "Sige wait lang tapusin ko lang to" sabi nya habang nakafocus sa paglalaro. "Hm..sige po. Mauna napo ako" umalis nako sa kwarto nya at bumaba papunta sa kusina. Nakita ko silang apat na nakaupo na tapat ng lamesa. "Nasan si kurt?" Tanong ni zack. "Naglalaro pa sya,pero pababa na yun" sagot ko sa kanya. "Tss..Naglo-Lol na naman yun." Sabi ni Mark "parang sya hindi ah." Pang aasar ni ken. "Hep hep, kumain na nga kayo jan" sabi ko habang natatawa. "Bat dika sumabay samin?" Tanong ni sam habang nagsasandok ng kanin. "Ahh mamaya na lang. ayoko sumabay nakakahiya eh." sabi ko. "Sus, pakipot ka--" hindi natuloy ang sasabihin ni ken dahil bigla nagsalita si zack "Oh jan na si kurt" Sabi nya habang nakatingin kay kurt. Napalingon naman ako. Napansin ko sakin sya nakatingin kaya napangiti na lang ako pero sya wala poker face lang -,- diretso lang sya sa upuan nya

Lah sya akala mo naman eh, Feeling pogi sabi ko sa isip ko xD

"Hoyy, Chay!" Napalundag ako ng tawagin ako at napatingin kay zack "kanina pa kita tinatawag, na sumabay kana." Bigla ako nakaramdam ng hiya  dahil sa kakamuni ko xD  "okey, sorry.." tanging na sabi ko lang. umupo ako kung saan katapat ko si kurt.

•kurt•  •sam• •Zack•
•Ako•  •Mark• •ken•

Habang kumakain kami tinitignan ko lang sila lima. bat ba ang popogi nyo? para kayong may lahing Vampira xD dikumukupas ang kapogian hahaha. Ang saya nila pagmasdan para talagang magkakapatid, napangiwi na lang ako dahil sa mga naiisip ko.  "Ano nginingiti mo jan?" Nagulat ako ng magsalita si kurt "ahh wala lang, bat masama ba?" sabi ko "tss..parang baliw" tangin sabi nya . "Ehh ano naman." Bulong ko. Tapos sya napairap at tinuloy ang pagkain.  Sungit talaga.

Pagkatapos kumain~

"Hay salamat nabusog din" sabi ni ken habang hawak hawak ang tyan. "Sarap talaga magluto ni chay" sabi naman ni mark. "Maraming salamat, dahil nagugustuhan nyo luto ko." Sabi ko na may ngiti. "Yaan nyo magluluto ako ng masarap na Ulam na Adobo" dagdag ko. Nagulat naman si zack "Adobo!? Talaga!?" Tuwang tuwa nyang sabi. "Oo bakit?" Tanong ko sa kanya "Ehh kasi Paborito ko kaya yun" sabi nya na di maalis ang tuwa. Pfft ang kyutt ni zack.
Nag si alisan na sila at pumunta ng sala para manood ng tv. At ako naman ay
Niligpit kona ang kinainan at hinugasan ang mga ito.

After ko gawin yun umalis nako sa kusina at pumunta sa Sala para makinood habang naglalakad ako napansin ko parang ang tahimik.. pagtingin ko nakita kung ano yung pinapanood nila pfft natatawa ako dahil sa palabas xD We are Bare bear ang pinapanood nila xD Napansin ko napatingin na silang lima dahil narin siguro napapalakas ang tawa ko.
"Ano tinatawa mo jan?" Tanong ni zack, ako naman napatigil na sa pagtawa. "Ahh wala lang..." sabi ko napigil na pigil sa tawa. "Natutuwa ka dahil sa pinapanood namin?" Tanong naman ni Sam. "Oo para kayong mga Bata, ang cute nyo tignan" sabi ko na nakangiti. "Ahh edi makinood karin" cold na sabi ni kurt. Umupo nako pagtapos magsalita ni kurt. Dun ako sa one sit umupo. Dahil si Zack,Sam at kurt nasa mahabang sofa si Mark at ken naman sa sahig.

Wala kami ginawa kundi manood lang tutal gabi narin tumingin ako sa Orasan 10:30pm na .habang nanonood kami diko maiwasan humikab dahil inaantok nako.. maya maya nakatulog nako sa upuan at dun nako nablockout -.- zzzz..
.
.

Zack's POV

Habang nanonood kami napansin ko kanina pa hikab ng hikab si chay at maya maya bigla na lang sya nakatulog.   Napangiti na lang ako. Bigla nagsalita si Mark at Ken na matutulog na daw sila. Si Sam naman pinatay na yung T.V si kurt naman tumayo tapos tumingin sya sa kinaroroonan ni chay. Tapos nag smirk at diretso na sya umakyat ng hagdan papunta sa kwarto nya.

Bali ako at si chay na lang ang Naiwan, tumayo ako para buhatin sya papunta sa kwarto nya di naman ako nabigatan sa pagbuhat sa kanya. Nang nasa kwarto na kami hiniga ko na sya sa kama nya at kinumutan. Bago ako umalis tinitigan ko muna ang mukha nya "ang cute mo matulog, Goodnight" sabi ko na nakangiti. At lumabas na sa kwarto nya.
Ako naman pumunta na sa kwarto, pagpasok ko nakita ko si mark tulog na. Kaya natulog narin ako -.- zzzzzzz
.
.
.
.

The 5 Prince and ME 💞Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz