"Okay.. Girls dito kayo. And guys, doon kayo sa kabila para walang gulo." malamya nyang sabi.
HAAAAY... Ang gwapo nya talaga.. Tsk! Kung straight lang to. Pramiss jojowain ko sya. Kaso mukhang pandidirihan lang ako neto eh. Tsk tanggap ko na. Oo na! >____<
"Nikki, Star, Angel, Tintin at Sara.. Dito kayo sakin. Isa pang babae.. Sinong gustong gumrupo sakin?"
O____O
"AKOO! Ako! Please.. Ako!" Sigaw ko. Natinginan naman lahat sakin. Napatakip ako ng bibig. Pero.. Sayang kasi... "Ako na lang please..." Napayuko ako.
"Wala? Ayaw nyo sa group ko?" Tanong nyang muli.
"Ako nga.." Mahina kong sabi.
Pero ni hindi man lang nya ako tinignan. Parang wala syang narinig. Mabuti pa yung mga classmates namin, tiningnan ako. Samantalang sya -___-
Nakakaiyak naman eh. TT___TT Bat ganun sya sakin?
"Ako na lang.." Sabi ni Sam.
"Sige.. Sige. Oryt kumpleto na kami." Masaya nyang sabi.
HMMPPT! Dali dali kong binitbit ang bag ko at lumabas ng classroom. Uuwi na ako. Masyado akong nadodown sa mga ginawa nya.
Pahid luha ang peg ko habang nakayukong naglalakad palabas ng school. Alam kong issue sa room namin ang ginawa ko. Kung sabagay alam naman ng lahat ang nararamdaman ko para kay Allen.
Wala naman akong karamay. They always find it weird. Weird daw ako dahil nagkakagusto ako sa bakla. Kaya wala ni isa ang sinubukang makipagkaibigan sakin.
Magkaklase na kami ni Allen since Elementary kami. Lalaki pa sya noon. Pero nagsimula akong magkagusto sa kanya nung High School. Kung kailan nagladlad sya. Sabagay, kung ako nga siguro ang ibang tao iisipin kong weird ako.
Never ko syang kinaibigan kasi nga may gusto ako sa kanya at ayokong tarayan nya ako. Kasi dadamdamin ko talaga yun.
"Marvie.. San punta mo teh?" Natigilan ako sa paglalakad. Tsk! Kilala ko yun. Yung baklang may makulit na kaklase ko di nung High School. Bestfriend ni Allen.
Binilisan ko pa ang lakad. Ayoko kasing makita nyang umiiyak ako. Kukulitin lang ako ng kukulitin nito hanggang sa mapaamin ako. Eeeh nakakahiya kaya ishare nuh! Sasabihin ko sa kanya na inlove ako sa isang bakla? Para sa isang beks na tulad nya.. Nakakadiri yun for sure. Kaya wag na! Bilis pa Marvie.. Bilisss....
"Hoyyy!" >____< pfft. Wala na. Nahawakan na ako sa braso. "Problemos teh? Hahaha"
Humarap ako sa kanya na nakakunot noo at nakacrossed arms. "Pwede ba Jb.."
Nawala naman ang ngiti sa labi nya ng makitang namumugto ang mata ko. "Hala.. Napano ka teh?" Tanong nito habang pilit tinitignan ang mukha ko.
"Wala..." Iniwas iwas ko naman yun. "Sige na Jb.. Uuwi na ako." Sabi ko habang naglakad ulit palayo.
Pero sinundan nya pa rin ako. Hanggang sa makalabas na kami ng school. Sinabayan nya ako kaya wala na akong nagawa.
"Ano ba kasing nangyari?" tanong nya at umangkla pa sakin. "Share mo yan teh.. Promise nakakapangit ang stress."
Tiningnan ko sya ng masama. "Jb.. Hindi mo rin naman ako maiintindihan. Kaya wag ka na ngang makulit. Please lang.."
Bumitaw sya. "Edi wag! Kaloka ka!! Ganyan ah.." sabi nya habang naglakad sa unahan ko at mataray na kumekembot pa.
Natatawa naman ako sa ginagawa nya. "Pfft... Ano ba!" Tuluyan na nga akong natawa. "Para kang.. Haha sira hahaha!"
Bumalik sya sa tabi ko at umagkla ulit. "Hahaha.. Loka ka! Iyak tawa. hahaha" sabi nya kaya hinila ko ng bahagya yung mahabang part ng buhok nya. "Araaay! Hahaha"
BINABASA MO ANG
But he's a GAY.. (One shots Gay-Girl Romance)
FanfictionDear gays, To all bisexuals and gays that still attracted with girls.. PLEASE READ THIS! It can truly help, haha. And to all no-chance gays, pls don't open it. It will feel you gross. lol