A/N: This story is a pure fan fiction. Naisip ko lang sya bigla dahil sa sinabi ni mama sakin kahapon. Haha, pero wag nyo itong paniniwalaan ah? Baka pagdudahan nyo na si Daddy Pogi pag nabasa niyo 'to e. Haha
ViceRylle Forever <3
--
"K-Karylle.. Mahal mo ba sya?" nagulat ang dalaga sa pagsulpot ni Vice sa likuran nya.
"A-Anong ibig mong sabihin? Syempre oo.. Mahal ko si Yael." sagot nito na naguguluhan.
Napasuntok naman sa pader ang binata. At hindi na nya napigilan ang sunud sunod na pagpatak ng luha nya. Naguguluhan pa rin si Karylle sa inaasal nito.
"Vice ano bang nangyayari sayo? Hindi kita maintindihan." sabi nya na nahihikbi na rin.
"Karylle! Mahal kita! Mahal na mahal kita! Hindi ko masabi sayo kasi kailangan ko magpanggap. Kailangan ko gawin 'to para sa career ko. K hirap na hirap na ako! Ang sakit sakit sa twing nakikita ko kayong magkasama! Gustung gusto kita kunin sa kanya. Pero wala akong karapatan!" sabi niya sa mataas na boses.
"Anong ibig mong sabihin na kailangan mo magpanggap? Vice diretsuhin mo 'ko. Mas lalo mo lang ako sinasaktan e.. Anong pagpapanggap?" sunud na sunod na ang pagpatak ng luha nito. Nasasaktan din sya kapag nakikita niyang nagkakaganito ang kaibigan.
--
"Baklush! Bruha ka! Mang aagaw! Sakin lang si papa Adonis. Kapal ng fez mo teh. Puro ka atik! wes namang beauty! Akira ang mahal niya, assumera ka lang bakla ka!" sinampal niya ang kausap na bakla sa palad na nakalagay sa pisngi nito. (sampal-bakla)
"Aaaahhh! (sakit sakitan) Mas bruha ka! Ang kay Darna, kay Darna!" sinampal din nito pabalik si Tutoy at ganun din ang ginawa nitong daya.
Mamatay matay sa kakatawa ang mga kaklase nila na pinapanuod lang ang ginagawa nilang dalawa.
"Uy! Ayan na si Ma'am!!" sigaw ng isa nilang kaklase. Agad namang bumaba ng upuan ang dalawa at umupo sa kanya kanya nilang pwesto.
"Class! Ang sabi ko.. Walang mag iingay pag alis ko diba? Anong nagyari dito?! Nagreklamo sakin yung teacher sa kabila! Sigawan daw kayo ng sigawan! Sino ang nagpasimula ng ingay ha?! Sino?!!" halos mabingi sila sa lakas ng boses ng adviser nila.
Hindi naman makasagot ang lahat. Ayaw nilang mapahamak ang kaklase nila.
"Ma'am.. Ako po." itinaas ni Jose Marie ang kanang kamay at nakayukong tumayo.
"Ikaw na naman Viceral?!! Kailan ka ba titino?! Sa guidance office dali!!" Naglakad na palabas ang guro. Nilingon nya muna ang mga kaklaseng malungkot na nakatingin din sa kanya.
--
"Ano bang problema mo ha Jose?!" mahinahong tanong ng guro.
"Wala naman po Ma'am.. Nagkatuwaan lang po kami, nagbabakla baklaan lang po." sagot nito.
"Bakla ka ba?" diretsong tanong ng guro nya.
Umiling naman sya. "Hindi po crush ko nga kayo ee.." pabulong nitong sagot at natatawa pa.
"Ano yun?" Napatingin naman siya sa adviser nila at umiling iling habang nakangiti.
Bumuntong hininga ito. "Alam mo Viceral, matalino kang estudyante. Inaasahan ko na ikaw ang magiging model ng mga kaklase mo. Ayoko ng maulit pa 'to ah?!" sabi nito.
Tumango tango naman siya.
Pinalabas na rin sya ng guro niya pagkatapos.
"Pre! Bat ka naman umamin agad?!" sinalubong sya ng dalawang niyang lalaking kaklase.
BINABASA MO ANG
But he's a GAY.. (One shots Gay-Girl Romance)
FanfictionDear gays, To all bisexuals and gays that still attracted with girls.. PLEASE READ THIS! It can truly help, haha. And to all no-chance gays, pls don't open it. It will feel you gross. lol