Truth or Dare

20 3 0
                                    











"Good morning Leighn" bati ng mga nakakasalubong ko pero di ko sinasagot.

"Good morning Lady Leighn, pansinin mo na ako oh" kita ko na lalaki ang nagsabi nun pero wala pa din. Isinalpak ko na lang ang earphone ko sa tenga ko.

Pagkapasok ko sa room maingay pa din sila. Iritan dito dahil sa kinikilig sa mga kasama nila. Nung pumasok na talaga ako saka sila tumahimik.

"Good morning President" bati ng ilan. Tinanguan ko lang sila ay dumiretso na sa upuan ko.

"Cold talaga ni president no? Pero bat ganon ang cool pa din"

"Ilan lang talaga kinakausap niyan kadalasan si Sheila lang talaga"

"Manhid din ata yan si President Leighn e."

Ilan lang yan sa mga bulungan nila. Hays oo nga pala, ako si Lara Leighn(Leyn) Mendez, 17 years old, I'm the president in our class, Class A, as well as the President of the SSG Club which leads the whole campus. Nainis ako ng may nagtanggal ng earplug ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang hayop na naman. Ano na naman ba kailangan nito.

"Patay nagalit ata si President."

"Humanda si Gomez wala yatang pakialam si president kahit hearthrob pa yan"

"Come with me Lara" hihilahin niya dapat ako sa braso ng bawiin ko ang braso ko. Isinalpak ko na naman ang earplug ko. Tinanggal na naman.

"Let's talk Lara" pilit niyang hinahawakan ang kamay ko para higitin. Tumayo na ako dahil sa inis.

"What the fuck do you want Gomez?" para siyang nanlumo sa sinabi ko sa kanya. "Don't you dare touch me" matigas na sabi ko ng subukan niya akong hawakan ulit. Naupo na lang ulit ako.

"I gave you enough time Lara, why don't you talk to me?" parang nagmamakaawa na tanong ng mayabang nato.

"LQ ata guys, sila ba?"
"Parang e pero hindi, malabo, si President pa"
"Posible din naman kaya ang ganda ni President, tas Pogi ni Aldwin"
"Malabo!"

Isinalpak ko na ang earplug ko ulit.  naramdaman ko naman na umalis na siya. Tumingin ako sa bintana ng maramdaman kong tutulo na ang luha ko. Naalala ko na naman lahat ng sinabi niya. Kung iniisip niyo na may past kami ni Aldwin well, Yes meron, we broke up 2 weeks ago because of everything he said to me, that I'm just nothing. Tapos ngayon kung makapanuyo siya parang minahal naman talaga niya ako.

Pumasok na si Ma'am so nagbalikan na sila sa kani-kanilang upuan, so ngayon katabi ko na ngayon si Aldwin, gaya ng dati di ako umimik. Masayahin naman ako dati e. Nakikisalamuha sa mga tao pero since that moment he said everything he want to say to me, I got lost. I don't what to do anymore, then I learned that I must go on. But nandito pa din talaga yung sakit e.

"That's all Class, you can take gour break"

Pagkasabi nun ni Ma'am tumayo ako at lumapit kay Shei ramdam ko ang tingin ni Aldwin sakin. Stop acting like really love me Aldwin, it hurts. Ng makalapit na ako kay Shei ay sinabi ko na ang gusto kong sabihin.

"Mauna ka na di ako kakain, pupunta ako sa locker and papahangin lang sa likod ng building" mahinang sabi ko sa kanya.

"Sure ka?" Tumango ako "sige pero kumain ka mamayang lunch ah" tumango ako at lumabas na.

Tumungo na ako sa dulo ng corridor at binuksan ang locker ko as usual may sulat na naman. Napangiti naman ako ng mapait at nawala din agad. He really knows my combinations until now. Binuksan ko yung sulat.

Truth Or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon