Chapter 1: Kapanahunan ng Edo

6 2 0
                                    


Noong 1790, panahon ng Edo Period sa Japan. Laganap ang krisis sa mga pagkain, kabuhayan at iba pang pangangailangan ng mga Shogun sa ibat ibang karatig pook.

Dahil dito nagkaroon ng mga madudugong digmaan sa pagitan ng mga pangkat. Kabilang na rito Choshu Clan at Owl Clan.

Ang Choshu Clan ay nanggaling sa Kyoto samantala ang Owl Clan ay sa Hokkaido. Sinugod ng Choshu Clan ang Hokkaido upang mangalap ng mga palay, hayop, mga punungkahoy, mga bulak at malinis na ilog. Bukod rito kilala ang mandirigmang si Makoto Yurei ng Choshu. Si Makoto Yurei ang kinikilalang pinakamagaling na samurai sa Tokyo. Nakakapatay siya ng mahigit isang daan mahigit sa labanan. Malaking takot ang naging reaksyon ng mga Samurai at Shogun ng Owl Clan ngunit kailangan nilang lumaban para sa kanilang bayan.

*bang* *boom* *shiiing* *vzzzt* *wapak* yan ang karaniwang naririnig sa labanan nila dahil sa sabay sabay na pagputok ng mga Kanyon, pagsabog ng mga bala nito, pagputok ng mga baril, hiwaan ng katawan, tunog ng mga nagbubungguang katana at mga suntok. Walang sumusuko sa dalawang panig. Nang biglang lumabas si Makoto, lahat ay napatingin sa kanya dahil sa angas at sa markadong hiwa sa kanyang mukha. Napansin ng Owl Clan na unti unti na silang natatalo. Hanggang sa may sumigaw ng "TENNO HEIKA BANZAI!!!". Sunod sunod na putukan ng mga baril at mga kanyon, mga hiyawan ng grupo at gilitan ng ulo. Walang nagpapatalo, kahit mga nabalian ng kamay, nagsisindi ng bomba gamit ang bibig at itatabi sa kanilang katawan para kung sinong lumapit ay magkakalasog lasog ang katawan. Ganun nga nangyari, ang iba ay ang mga puso at mga balunbalunan ay tumalsik. Ang mga dugo ay nagkalat, at ang mga bituka ay nasabit sa puno. Agad na tumakbo si Makoto upang lumaban. Sabay sabay ang mga kalaban na sumugod sa kanya. Dahil sa galit ni Makoto gumamit siya ng teknik na tinawag na Hiten Mitsurugi at ang taktikang Battojutsu. Habang tumatakbo. Sabay sabay niyang gilitan ng ulo, mga paa, kamay o kaya'y pinutulan ng daliri. Napatay niya ang 20 na sundalo na sumugod sa kanya. Itinaas ang bandila ng Emperador na simbolo ng pagkapanalo at pagsakop. Ngunit isang Shogun ang lumapit kay Makoto.

"HOY! IKAW PALA ANG SIKAT NA SI MAKOTO, na kilalang Hitokiri Battousai ng Choshu" ang wika ni Geisha na Shogun umano ng Owl Clan. "MAGTUTUOS TAYONG MULI"

Nang dahil sa sinabi ni Geisha. Ihinagis ni Makoto ang espada sa kanyang gilid. At umalis na parang bula.

Nawala ang isang magaling na Samurai sa Tokyo, hindi alam kung nasaan siya o kaya patay na siya. Ngunit malaki ang kanyang nagawa. Dahil kung wala siya, di magtatagumpay ang Choshu Clan sa kanilang pakay.

Abangan ang susunod na kabanata.

Chapter 2: Ang Pagbabalik

Medyo may pagkakapareho ng palabas na Rurouni Kenshin ngunit matutunghayan niyo na iba ang kwentong ito sa palabas na yun pero ang palabas na iyon ang nagbigay inspirasyon sa akin na gumawa ako ng ganitong kwento.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sakabato: Ang Kapalaran ng MandirigmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon