Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko habang nakatingin sa bahay kung saan ako nakatira mula ng magkaisip ako. Pinagkatiwalaan ko siya. Sinong hindi mag titiwala kung kapatid ng mama mo ang mismong nag sabi sa'yo kung ano ang gagawin.
Isang linggo lang ako nawala ubos na ang gamit sa buong bahay. Walang natira kundi ang bahay nalang. Okay lang naman sa akin ang maubos ang gamit o ano pa man sa bahay pero pag hindi mo na pag aari ito? ang sakit sakit. Kaya pala sobra sobrang pera ang binigay nila sa akin. Huli na pala yon.
Sana sa simula palang hindi na ako pumayag sa gusto nila. Kung hindi ko sana inuna ang kagustuhan kong makapag bakasyon para may maisip na ipinta hindi sana mangyayari ang lahat ng to. Hindi sana ako nawalan ng pera at bahay. Hindi sana ako na loko. Hindi sana ako mag papakahirap mag hanap ng matitirahan sa halagang limang daan nalang ang natira kong pera. Sure akong pati pera ni Mama sa bangko kinuha nila. Hindi ko maiwasang maalala kung paano at saan ito nagsimula.
"Honey, baka gusto mo munang mag bakasyon?" tanong sa akin ni tita. Ang kapatid ni Mama. Mag iisang linggo na akong nakakulong sa kwarto. Hindi ko matanggap nawala na si Mama. Ang Mama kong hindi nagkulang sa pagaalaga at ginawa niya ang lahat para maging ina't ama para sa akin. Hindi ko naramdamang wala akong tatay dahil sa umaapaw niyang pagmamahal. Tinignan ko ulit ang yakap yakap kong picture frame. Sunod sunod na pumatak nanaman ang mga luha ko. Umupo sa kama ko si tita at hinaplos niya ang buhok ko. Paulit ulit niyang binubulong ang katagang "magiging maayos rin ang lahat" kinuha niya yung picture frame na hawak ko at nilagay sa mesa. "Mag pahinga kana mag uusap tayo bukas" sabi niya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo at kinumutan.
Kinabukasan lumabas ako sa silid. Nakita ko si titang may kausap na lalaki. Hindi ko marining ang pinag uusapan nila dahil malayo ako sa kanila. Nakita kong nakangiti si tita sa lalaki.
Sumilip siya ng tingin sa kwarto. Saktong nakita niya akong nakatingin sa kanila. Lumapit siya sa akin. Ang dami niyang tinatanong. Bigla nalang siyang nag labas ng mga papeles at kailangan ko daw yon permahan para maayos na ang mga iniwan sa akin ni Mama. Hindi ko na naisipang basahin dahil may tiwala ako kila tita. Yong tiwalang yon pala ang sisira sa akin. Lagi siyang bumibisita sa amin--noong buhay pa si Mama. Makalipas ang isang buwan, na pilit niya akong magbakasyon. Alam ni titang mahilig akong mag pinta.
Kung saan saan ako naglibot. Sila na nagpagawa ng passport ko at mga kailangan. Lingid sa kaalaman ko kaya pala nila ako pinag bakasyon dahil ginagawa na nila ang masama nilang mga balak. Pagkalapag ko ng eroplano hindi ko matawagan si Tita. Ilang beses akong tumawag at nag text pero walang sumasagot.
Hindi ba naisip ni tita na nag aaral palang ako? Kung sinong mag paparal sa akin? kung saan ako kukuha ng pagkain? kung kaya ko bang walang masandalan sa pagkawala ni Mama?
Tangina. Puro pera lang nasa isip niya. Hindi na niya ako inisip. Pati bahay namin dinamay pa.
Kinuha ko yung susi sa bag. Buti nalang natago ko pa to. Pumasok ako sa loob. Yung mga gamit nakatalukbong ng tela. Pinasok ko yung mga gamit ko sa bahay. Pansamantala muna akong titira dito habang wala pang yung may ari.
Inilibot ko pa ng isang tingin ang buong bahay bago pumasok sa kwarto. I guess matagal tagal rin ang kailangan ko para makahiga ulit sa ganitong kalambot na kama kaya susulitin ko na.
***
"Ano ba"
Naiinis na ako kanina pa may gustong mag alis ng kumot ko.
"Hoy, lumayas ka nga dito"
Bigla kong iminulat yung mata ko. Gas! naalala ko hindi na pala ako ang may ari ng bahay baka magalit yung bagong may ari.
Tumayo agad ako sa kama. Nakita kong ang sama ng tingin ni Manag sa akin. Lagot.
"Manang pwedeng dito muna ako makitira. Wala pa po kasi akong matutuluyan" nakangiti kong sabi kay manang.
Kinuha niya yung walis sa gilid ko at tinuro sa akin.
"Lumayas ka dito. Magagalit ang amo ko"
Nagtatatakbo akong umalis sa kwarto at sinarado.
"Manang kahit ngayong araw lang po. Maghahanap muna ako ng matutuluyan"
Nakasandal ako sa pinto ng kwarto habang sinasabi yan."Hindi. Lumayas ka dito"
"Manang naman po isang araw lang"
Tumakbo ako para kunin ang mga gamit ko ng mabuksan niya yung pintuan. Anong laban ko kay manang eh ang taba! samantalang ako pwede ng lumipad sa payat. Ang sama ng tingin niya.
Kinuha ko yung mga gamit ko pero may nakita akong supot ng mga pagkain sa upuan. Nag grocery siguro muna si manang. Dali daling kinuha ko yung supot at lumabas ng bahay.
Saan na ako titira nito? kailangan malapit sa school para makatipid ako ng pera. Na bayaran na ni Mama ang buong tuition ko sa college kaya di ko na to proproblemahin. Pag sasabayin ko nalang siguro ang trabaho at pag aaral.
*Kruuu *kruuu
Gutom na ang tyan ko. Tinignan ko yung supot ng mga pagkain. Sorry manang babayaran ko rin to pag nakaluwag luwag na ako. Kumuha ako ng isang pagkain at binuksan. Kailangan ko na talagang magtipid pati sa pagkain.
Kung minamalas ka nga naman oh! Umulan bigla. Tumakbo agad ako at nagmamadaling sumilong. Umupo muna ako sa upuan habang nakatitig sa ulan. Basa na ako. Tumingin ako sa paligid baka may mabait na pwedeng mag pa tuloy ng bahay para sa akin.
Tumila na ang ulan kaya nag lakad nanaman ako. Para akong baliw na nag lalakad na may dalang mga bag.
Sakto may nakita akong parang bahay kubo pero malawak siya. Kumatok ako sa pinto pero walang sumasagot. Hindi naman naka lock kaya binuksan ko na. Walang tao. Siguro, pansamantala muna akong dito titira. Malapit lang siya sa school. Buti nalang may kama tong kubo.
Habang nakahiga ako sa kama hindi ko mapigilang malungkot. Wala na akong magulang, wala akong pera at wala akong sariling bahay. Wala na akong pera para pambili ng mga gamit sa pagpinta. Tumayo ako sa kama at nilabas ang mga pinta ko. Buti nalang naligpit ko to sa iisang bag. Sinabit ko sa dingding para may palamuti rin ito kahit papano. Kailangan ko siguro munang tigilan ang pag pinta dahil wala na akong perang pambili ng mga gamit. Kung andito lang sana si Mama edi hindi ko mararanasan lahat ng to. Bumuntong hininga muna ako bago humiga ulit sa kama. Kailangan kong gumising ng maaga dahil maglalakad ako papasok. First day of school pa naman. Nakita ko kagabi habang naglilibot ang mga panggamit ko sa school na nakakalat sa sahig kaya pinulot ko at inilagay sa bag. Hapon na pala hindi ko manlang namalayan. Tinapay lang kinain ko. Aww! ang sakit ng katawan ko. Naalala ko maghapon pala ako nag lakad. Kailangan ko na talagang matulog para may lakas ako bukas. Kailangan kong tanggapin na ganito na ang bagong buhay ko.
BINABASA MO ANG
My Unique Painting
FantasyIsa lang naman ang gusto ko. Ang ipinta kung ano ang nasa saloobin ko. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon... Ang pag pipintang iyon pala ang makakapag babago ng hinaharap ko. Dahil sa pag pinta ay may nabuong bagong mundo. Mundo na malayo sa akin...