Papasok na sana ako ng room ng biglang parang slow motion akong nadapa. Yeah! Gandang bungad ng first day 'to. Kung minamalas ka nga naman oh. Narinig kong nag tawanan ang mga tao sa loob.
Ang saket.
Nagulat ako ng biglang nagtilian yung mga kaklase ko.
"Miss okay kalang? pwedeng patabi? Nakaharang ka sa daanan"
Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Ayun! kaya namam pala nag sisitilian yung mga kaklase ko may mga bago kaming kaklase na gwapo. Nakita kong inabot niya sa akin yung isang kamay niya para tulungan akong tumayo.
Ako pa ba aarte? Hindi naman kagandahan.Inabot ko yung kamay niya at tumayo. Binitawan ko agad ng makatayo ako at lakad takbong pumunta ako sa upuan ko. Tatlo silang bagong lipat.
Pinapanood ko silang pumapasok sa room. Yung tumulong sa akin kanina blonde ang buhok. Siya ang nauunang naglalakad nasa likodan niya ang dalawang may kulay na black at red na buhok. Seryoso! may color coding kaya sila? Ako nga rin mag pakulay ng rainbow para kunwari kasama nila ako. *insert evil laugh
Ang mga kaklase ko kulang nalang may lumabas na heart sa mata nila. Merong namumula ang pisngi at nag papabebe.
Ano pa nga bang aasahan mo sa first day? Puro introduce yourself.
Nasa pinaka dulo ako ng classroom nakaupo.
Yung tatlong transferees nasa gitna.
"Hello my name is Keilla kate Von. Nice to meet you"
Sumunod namang tumayo yung katabi niya at pumunta sa harapan. Hindi na ako nakinig. Dito na ako nag aral simula ng elementary kaya halos kakilala ko na yung iba.
Turn na ng taong tumulong sa akin kanina. Yung blonde yung buhok.
Tumayo yung lalaki at pumuntang harapanan.
"Carter Kan Quevada"
Sumunod naman tumayo yung naka kulay black na buhok. Nakangiti siyang nag lalakad sa harapan.
"My name is Micoh Zack Sanches. Hello girls" sabay kindat nya sa harap.
Pagkabalik ni Micoh sumunod naman yung nakakulay red yung buhok.
"Jin Savier Fero at your service" with matching small heart ng pang korean.
*kring *kring
Recess na. Buti nalang hindi ako umabot.
Lumabas agad ako at pumunta sa fav. spot ko. Ang rooftop!
Wait. Naalala kong meron pala akong mga gamit na tinatago doon dahil gustong gusto ang pagpipinta. Parang nakakapagisip ako ng magagandang tanawin kapag nasa rooftop ako. Buti nalang talaga nag tago ako ng mga gamit. Bagong bili lahat ng mga yun dahil may gusto akong i paint pero hindi ko na nagawa dahil biglaang nawala si Mama.
Nagmamadali akong tumakbo papuntang rooftop.
Kinuha at inayos ko agad ang gagamitin ko. Aweee! Makaka paint ulit ako!
Tumingin ako sa salamin. May katabi kasing salamin sa pinaguupuan ko kapag nag papipinta ako. Gustong gusto ko kasing makita ang mukha ko habang nag pipinta.
Inusog ko unti ang upuan at humarap sa salamin.
"Oh ano kaya pa ba?"
"Oo naman ako pa! ang pinakamabait sa mundong ibabaw"
"Bakit gusto mong mag pinta?"
BINABASA MO ANG
My Unique Painting
FantastikIsa lang naman ang gusto ko. Ang ipinta kung ano ang nasa saloobin ko. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon... Ang pag pipintang iyon pala ang makakapag babago ng hinaharap ko. Dahil sa pag pinta ay may nabuong bagong mundo. Mundo na malayo sa akin...