When Dyuswa Meets Purita

1.4K 26 6
                                    

December 26, 2021

I never believed in destiny or fate or anything. Ako ang tipo ng tao na hindi umaasa sa tadhana. What you sow today is what you will reap tomorrow. Everything that's going to happen is the result of what you are doing at the moment. At mas hindi ako naniniwala sa kung kayo, kayo na talaga kahit ilang pagsubok man ang pumagitan sa inyong dalawa.

That sounds so cliche. In life, you can get what you want if you worked hard for it.

In love, you can win her heart if you fight for it.

Hindi ko napigilang ngumiti nang dumapo ang tingin ko sa photo album. Dahan-dahan ko itong binuksan. Kasabay no'n ay ang pagsalubong sa akin ng mga alaalang kailanman ay hindi ko makakalimutan.


***

September 2006


Dear Dyuswa,

Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth.
PS. Meet me sa hagdanan. Doon ako makikipag-break sayo.

Olweys loving you,
Purita

"Damn you Purita!!!!" inis na sigaw ni Joshua matapos niyang basahin sa pisara ang mensahe ni Purita. Kasabay no'n ang walang humpay na tawanan ng mga kaklase niya.

He really needs to find her. Noong nakaraang taon ay pinapalampas pa niya ang mga kalokohan nito. But not this time. Ilang beses na siyang nalalagay sa kahihiyan dahil sa mga pinanggagawa nito sa kanya.

Sisiguraduhin niyang this year ay mahuhuli na niya ito. At kapag nangyari iyon, he will never go easy on her.

WDMP (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon