Kabanata 1

383 9 4
                                    

'It was the most annoying part of my high school life. How could someone do such crazy stuff para lang mapansin? I could swear to anyone na kapag nalaman ko lang kung sino ang may pakana ng lahat na ito ay kailangan na niyang magbalot-balot ng gamit.'

***

JOSHUA'S POV

"Oh pare, saan ka pupunta?" tanong ni Mario sa akin.

"Magtutuos kami ng Purita na 'yon," sagot ko sa kanya.

"Eh bakit papunta kang canteen?"

Kumunot bigla ang noo ko.

"Hahanapin ko siya syempre," inis kong sagot.

"Eh hindi ba at sabi niya sa hagdan kayo magkita?" Natatawang tanong niya sa akin.

Napabuga ako ng hangin. Nawawala na talaga ako sa tamang pag-iisip ngayon.

"Oo nga pala. Salamat."

Akma na sana akong aalis nang muli siyang magsalita.

"Nagdala ka ba ng proteksyon pare?" nakangisi niyang tanong.

Napaling na lang akong umalis at tumungo sa hagdan sa likod ng school. Ilang beses na akong napapahiya sa pinanggagawa ng Purita na 'yon. Since Second Year High School pa. Napakaraming pakulo ang nalalaman para lang mapansin ko. At iyon ang labis na ikinagagalit ko sa kanya.

After ten minutes ay narating ko rin ang tinutukoy nitong hagdan. Napipikon na ako pero wala rin pala siya ro' n.

The hell! Iginala ko ang aking paningin at nagulat sa nakitang nakasulat sa pader.

Dearer Dyuswa,

Hindi ba't sinabi ko na sayo kanina na I gave up on us? Bakit pumunta ka pa rin dito??

Any of ways, baka mahuli ako ni Mang Rene at ireport ako for vandalism.

P.S. Kung gusto mo na talagang makipag break sa akin, baka sa Principal's Office na ako sa mga oras na ito.

Always loving you,

Vuluptuous Purita

Parang gusto kong suntukin ang pader. Papaano niya naloloko ang isang katulad ko? Akala siguro nito mauuto niya ako? Asa siya! Huh!

Medyo hinihingal ako na pumunta sa Principal's Office. Ang sabi ko ay hindi na ako magpapauto pero heto na naman ako. Kakatok na sana ako nang makita ko ang sticky note na nakadikit sa pinto.

Dearest Dyuswa,

Ayeeeeh! Kinikilig ako! Ngayon napatunayan ko na talaga na mahal na mahal mo ako. Pinuntahan mo ako rito eh. Hihi. Pero doncha wori na. Nakalusot na ako kay Mrs. Artacho.

Ika-cancel ko na nga ang breaking up natin. Wala eh. Mahal moko. Mahal din kita. Hihi.

PS. Want to celebrate with me? Tara, kain tayo sa canteen. Threat ng beki kong bessy.

Halos umusok ang ilong ko sa nabasa. Damn Joshua! Bakit ka pa ba nagpapaniwala sa isang siraulo?

Inis kong pinunit ang sticky note. Itatapon ko na sana iyon sa damuhan pero sakto namang lumabas sa opisina ang principal namin kaya kaagad kong pinasok iyon sa bulsa ko.

"Oh, Mr. Raymundo, you need anything?" nagtatakang tanong ng principal namin.

"Ah. Wala naman po, Ma'am. Sige po. Alis na po ako," sabi ko at nagmamadaling nilisan ang lugar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WDMP (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon