"Harmony, due na ang report mamayang 5 pm."
"Waaah. Hindi ko pa tapos. Sabi ba ni Ms. Castro iyan?"
Nawala sa isip ko ang report for Management. Pero parang ang bilis naman i-pass, two weeks palang nang ibigay sa amin iyon a.
"Puro kasi streaming sa youtube ang ginagawa mo e, hindi ka naman papasinin ng Silver na iyan sa personal. Inuubos mo ang oras sa kakapanood sa kanila." Sabi ni Kareen.
Si Kareen ay kaibigan ko from first year college. Siya lang ang nag-iisang kaibigan ko. Tahimik kasi ako masyado sabi nila at hindi din ako palapansin sa iba. Akala tuloy nila suplada ako. Si Kareen lang ang nag-iisang kumausap sa akin noong first day of classes. May iba na naman kaming kaibigan, mas lalo na si Kareen, mas madami siyang friends, opposite ko iyan e. Pero sa kanya lang talaga ako pinakaclose. Siya na ang tinuturing kong bestfriend.
"Pinapasaya nila ako." Depensa ko sa kanya.
Inirapan lang ako ni Kareen.
"Tapusin mo muna iyang report. Bago ka mag-aksaya ng oras sa Silver mo."
"Opo."
Dapat talaga tinapos ko na ito kaagad. Nasermonan tuloy ako.
"Mas priority kasi ang pagpa-fangirl e." parinig pa ni Kareen.
Hindi ko nalang siya pinansin. Nagfocus nalang ako sa pag-gawa ng report. Kailangan ko itong matapos.
May mission pa ako. Ang makahanap ng part time job. Hindi kasi sapat ang allowance ko para makaipon ng pambili ng tickets para sa concert ng Rhythmic e.
Ang mga member ng Rhythmic sina Silver Zion Vasquez, ang vocalist. Rue Arius Perez, lead guitarist. Xaileigh Cruz, drummer. At Reagan Javier, ang Base. Nagustohan ko sila kasi naging inspirasyon ko ang mga kanta nila. Para kasing minomotivate ako everytime na naririnig ko.
Kailangan ko talagang pag-ipunaan ang concert nila dahil gusto kong ayain si Kareen na manood. Ililibre ko nalang si Kareen ng ticket dahil siya lang naman ang pwede kong ayain na sumama sa akin sa concert.
Natapos ko din ang report before 5:00 pm. Buti nalang thru e-mail lang namin ipapass kay Ms. Castro. Sayang daw kasi sa papel kapag pinaprint pa namin. Na tutuo naman, grabe na kaya ang global warming.
"Kareen, may alam ka ba na part time job?"
"Wala. Tingin mo sa akin jobstreet."
I puoted a little. Minsan hindi matinung kausap si Kareen e.
"Anong gagawin mo sa part time job?"
I smiled widely.
"May concert kasi ang Rhythmic e."
"Wow hindi lang time ang inaaksaya niya ngayon pati money na din. Kaya ayokong maging parte ng kulto ninyo e. Lakas makapulubi." Lintanya nito.
"Kareen samahan mo ako sa concert nila a. Ililibre kita ng ticket."
Pinagtaas niya ako ng kilay. "Paano kung ayoko? Hindi ka na pupunta?"
"Pupunta pa din."mabilis kong sagot.
Umingos siya. "Okay sige na. Sasamahan na kita. Ako na din ang bahala sa ticket ko. Hindi ko kailangan ang libre mo , di ako poor."
Niyakap ko bigla si Kareen. Sabi na nga ba hindi ako papabayaan ni Kareen e.
"H'wag kang mag-alala Kareen sasali ako sa pa-raffle. Baka manalo ako. Malibre na ang tickets natin."
"Let go na Harmony, baka mapagkamalan pa tayong may something. Ma-harm kita ng wala sa oras."
My friend is sweet talaga, in her own way.