Chapter 2

1 0 0
                                    

"Salamat po! Balik po kayo ulit." Nakangiting paalam ko sa customer.

First day of work ko ngayon, nakakapagod pala ang magtrabaho pero medyo masaya din. Iyon nga lang patago pa akong nagchecheck ng social media acounts ko para makibalita sa happenings ng Rhythmic. Tinitingnan ko na din ko ilan pa ang tickets ang available. Gusto ko sana malapit sa stage ang makuha kong tickets. Pero okay na din kahit saan ako makapwesto basta makita at mapanood ko sila ng live.

"Harmony, take over ka muna sa kitchen kailangan ni Cindy ng assistant. Malapit nang maglunch para makapag-prepare na bago pa dumating ang mga customer." Sabi sa akin ni Georgie, ang manager at isa siyang girl at heart. Akala ko nga masungit siya nuong una. Si Ms. Cindy kasi ang nag-interview sa akin noong nag-apply ako dito. Hindi na talaga ako maniniwala sa first impression last.

"Okay po."

Pumunta na ako ng kitchen at naabutan ko sila na busy sa pagpreprepare ng mga ingredients sa paluluto.

"Harmony, ikaw na ang magpunas sa mga baso at plato." Sabi sa akin ni Ms. Cindy, may pagmamadali na din ang mga kilos niya. Siguro nga madaming kumakain dito kapag lunch. Hindi kasi kami nagagawi dito ni Kathleen kahit malapit lang siya sa school. Madalas sa canteen lang kami a t kung minsa sa Mcdo at Jollibee.

1 p.m. nang magpaalam na ako sa kanila. May subject kasi ako kapag 3 p.m.. Ang pasok ko lang sa fastfood ay Monday, Tuesday Wednesday ay 9 a.m. to 1 p.m. panghapon kasi ang mga subjects ko sa mga araw na iyon. Kapag Thurday at Saturday 2 p.m. to 6 p.m. morning classes naman kasi kami noon. Hindi naman ako pwede ng Friday dahil may klase kami buong araw.

Nagpahinga muna ako sandali bago ako nagprepare para pumasok. Feeling ko naubos ng trabaho ko ang energy ko, ayoko na nga pumasok kasi pakiramdam ko pagod na ako.

"Kamusta ang may trabaho na?" tanong kaagad sa akin ni Kareen.

"Nakakapagod." Reklamo ko.

"Ano? Give up na?" panunubok sa'kin ni Kareen.

Umiling ako.

"Kasisimula ko palang give up na agad."

Hindi ako maggi-give up hanggang kaya pa. Gusto ko talaga makaattend ng concert nila at makita sila. Sobrang thankful kasi ako sa Rhythmic at gusto kong masabi sa kanila iyon ng personal kung mabibigyan ng pagkakataon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love, HarmonyWhere stories live. Discover now