5 years old ako noon, nagpunta kami ni papa sa tabing ilog, at doon kami nagpicnic. Naaalala ko pa noon, ipinarinig nya sa akin ang awitin na ginawa nya para sa akin. "Tagpuan" 🎶 Habang pinapakinggan ko yun di ko mapigilan tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Ramdam ko yung pagmamahal nya sa amin ni mama. At di ko yun makakalimutan.
Pero nung ika-sampung kaarawan ko, nakatanggap ako ng regalo.... Isang regalong kailanman di ko makakalimutan.
"Raul!!!... Raul!!!! Lumabas ka jan!!"
"Pa! Sino yun?"
"Dito lang kayo, Lalabasin ko lang siya.."
Lumabas ako, At nakita ko yung babae. Niyakap nya si papa at hindi lang yun,hinalikan rin nya. Nakita rin yun ni mama.
"Mylene!...Mylene sandali!"
"Raul, Bumalik ka dito!!"
--
"Mylene sandali!!"
sinampal ni mama si papa sa sobrang galit.
"Paano mo nagawa sa akin ito ah raul!..Paano mo nagawa sa amin ito ng anak mo!!...Sino ang babaeng yun ah?"
"mylene magpapaliwanag ako."
"sino ang babaeng yun!!!!"
"Siya yung... Una kong asawa."
"Ano?, niloko mo ako raul!. Sinabi mo wala kang asawa, Kaya ako nagpakasal sayo. But after 10 years eto ang malalaman ko ah?!... "
"mylene!"
"Wag mo akong hawakan!!...Umalis kana at wag ka nang babalik!!!"
"Pa!..😓"
"kai!"
"Totoo ba? Totoo po ba na asawa mo ang babaeng yun? Bago si mama siya ang naging asawa mo? 😢"
"Kai, mag-eexplain ako..kai!"
Hindi ko na pinakinggan pa ang paliwanag ni papa. Tumakbo ako, Tumakbo lang ako ng tumakbo bahala na kung saan man ako makarating.
Akala ko makakatanggap ako ulet ng magandang regalo mula kay papa. Pero ang regalong natanggap ko ay sobrang sakit. Para bang sasabog na ang puso ko sa sobrang galit...................
BINABASA MO ANG
TagPuan
RomanceMaraming naniniwala sa Forever at tadhana Pero iba ako sa kanila. Mula kasi ng iwan kami ni Papa Nawalan na ako ng tiwala. Ipinangako nya sa amin ni mama na kahit anong mangyari hindi nya kami iiwan pero isang araw nabalitaan nalang namin na may iba...