CHAPTER 2:banggaan

12 2 0
                                    


Jhesiel's POV

Riiiiiiing(tunog ng alarm clock)Aiiiish bweset na alarm clock.Inis akong bumangon sa kama ko,tinignan ko ng masama ang alarm ko at tumingin sa oras.At dun halos lumabas ang bilog ng mata ko nang makita ang oras.SHET NA MAINIT!Waaah late na akooo!!! "OH MY BIGAS!!!"yun lang ang lumabas sa bibig ko at mabilis na tinungo ang banyo.I cannat bilibid,7:30 na ako nagising.8:30 yung pasok ko.Pagkatapos kong maligo ay tinakbo ko naman ang walk in closet habang hawak yung towel mahirap na baka maiwan.Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain.Una ko agad nakita si nanay Rosa,isa sa kasambahay namin. "Oh,buti naman at gising kana" anito.I prefer to call her nanay than yaya,mas comfortable lang ako pag nanay. "Nanay naman,ba't di niyo po ako ginising?"pagmamaktol ko. "Aba,eh kasalanan ko bang pinagod mo sarili mo sa kakaiyak" medyo sarcastic niyang sabi. "Himala ngang masigla ka ngayon."tinignan niya ako saglit at bumalik din sa ginagawa niya.
"Eh,nay,kailangan ko po kalimutan at tanggapin na ang nangyari and sure ako ayaw din ni Jake na malungkot ako." nakangiting sabi ko kay nanay Rosa. "Sabagay,may punto ka don" pagsang ayon niya "atsaka kailangan mo din maging masaya,bata kapa marami kapang pagdadaanan."nakangiti nitong sabi "Oh siya,kumain kana at male late kana." ay kabayo nakalimutan kong naghahabol nga pala ako sa oras,kumain na ako.
****
Nandito na ako sa school,pumasok akong nakangiti at binati ang guard.Kailangan kong maging masaya yon ang pangako ko sa sarili ko bago ako tuluyang umalis ng cemetery kahapon.Naglalakad ako sa corridor papunta sa room ko.Pumasok na ako sa room at nakita agad ng mga mata ko ang mga kaibigan ko.Buti dipa ako late."Baby Jhesiel!" yan ang bumungad sakin pagpasok kaya saglit akong napangiwi. "Ikaw talaga Tasha,ang ingay mo" sita ni Lyca kay Tasha. "Sorry.Eh kasi naman,kita mo himalang masaya siya ngayon."naka ngusong sabi ni Tasha. "Oo nga noh.Buti ayos kana" sabi ni Lyca. "Kailangan kong mag move on" tango lang ang nasagot nila kasi dumating na prof namin. "Ok,good morning class." sabi ni prof "good morning prof" bati namin at nagsimula na siyang mag discuss.
*Discuss here*
*Discuss there*
*Discuss*
*Kriiiing*(tunog ng bell) "Ok,class dismiss" agad lumabas ang prof namin at nagsilabasan nadin ang mga kaklase ko. "Mga baby punta na tayong canteen"sabi ni Tasha at hinila kaming dalawa ni Lyca.Di halatang siya ang makulit samin noh? "Dimo kami kailangan hilahin okay,sasama kami"si Lyca.Pumunta agad kami ng cafeteria,si Tasha na ang nag order. "Girl,okay kana talaga?"biglang sabi ni Lyca "Kailangan eh,marami nang naaapektuhan dahil sakin." sabi ko habang nakatitig sa tissue.Dumatingna din si Tasha at tahimik lang kaming kumakain.Bumalik na din kami ng room pagkatapos.
****
Mabilis lumipas ang oras at uwian na kaso naiwan ako dito at umuwi na ang dalawa,naiwan ko kasi isa kong book kaya binalikan ko.Lakad takbo ang ginawa ko,kasi nga hapon na at konti nalang estudyante dito ngayon.Paliko na dapat ako kaso diko
inaasahan ang sunod na nangyari.Bigla nalang akong may nakabangga at sobrang lakas ng impact.Mas lalong hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari.Halos lumabas na ang retina ko sa panlalaki ng mata ko.

Never Let You GoWhere stories live. Discover now