CHAPTER 5:Detention

6 1 0
                                    


Jhesiel's POV

Dahil nga sa pagsuntok ni Lyca kay Rylle ay nandito pa rin kami sa detention.Buti pinalinis lang kami."Bes,sorry talaga diko naman yun sinadya eh"kanina pa hingi ng hingi si Lyca ng sorry at ngiti lang ang sagot ko kasi lumala ata yung pagkapaos ko kung kanina may boses pang lumalabas at naiintindihan pa ngayon halos pabulong nalang talaga kaya di ako nagsasalita sumasakit kasi ang lalamunan ko.

"Baby Jhesiel patawarin mo na siya."sabi naman ni Tasha,nag pahinga muna kami sa isang tabi dahil pagod na kami sa paglilinis.Kaya din di tumitigil sa pagso sorry si Lyca kasi akala niya diko pa siya napapatawad.Nag thumbs up lang ako at ngumiti."Anyare ba sayo ba't di ka nagsasalita?"usisa ni Tasha.I just mouthed them 'paos ako' at mukhang naintindihan naman nila.

"Paanong napaos ka?"si Lyca naman ngayon ang nagtatanong.'Basta' I mouthed again.Bahala silang umintindi sila naman tanong ng tanong eh.Pagkatapos ng pag uusap namin o pag uusap ba talaga tawag dun dahil para silang ewan kanina na hindi sinasagot ng kausap nila pero sumasagot ako ah,wala nga lang boses ^_____^v.Yung boys may sariling mundo.

********

Pagkatapos ng dalawang oras na pagtira namin sa detention ay dumiretso na kaming canteen dahil nagugutom na yung laman ko sa tiyan.Nakaupo na kami at nagsimula nang kumain."Baby Jhesiel,magkakilala ba kayo ni Drake?Pareho kasi kayo ng reaction kanina eh."panimula ni Tasha akala ko nakalimutan na niya yun,pano na dis."Ikaw talaga Tasha dika nag-iisip minsan,paos nga si Jhes,diba?"sabi naman ni Lyca"And pwede ba,erase that 'baby' thingy its irritating"iritang dugtong nito at sumubo ng fries.Masungit mode naman ngayon ang ate niyo.Kanina lang serious mode siya tapos ngayon masumgit na,dami niyang mode ah,flight mode lang ata ang wala siya waley yung joke ko I know =__=.

"What's your problem ba,di ka naman inaano nung baby ah and its nice kaya."pabebeng sabi ni Tasha "Tss,whatever"sabi ni Lyca at umirap.Kumain na kami.Bigla naman nahagip ng paningin ko ang apat na lalaking papasok dito sa canteen.Nakaharap ako sa entrance ng canteen kaya makikita ko talaga ang pumapasok.

Papunta sila sa gawi namin,habang naglalakad silang apat,isang tao lang talaga ang tinititigan ko.Si Drake,I don't know pero habang naglalakad siya di ko mapigilang di tumitig sa kanya,parang ang gwapo niya,aish erase erase.Baka multuhin Ako ni Jake nito.Pero diko talaga mapigilang di siya titigan."Bes,you're drooling."nabalik lang ako sa katinuan nang nagsalita si Lyca.Agad akong nag-iwas ng tingin.Grabe naman yung drooling,inirapan ko lang siya at kumagat ng burger."You like Drake?" nasamid ako sa tanong niya kaya napaubo ako,binigyan naman agad ako ng tubig ni Tasha at agad ko naman ininom 'yon.Napaubo ako pagkatapos at hinarap si Lyca at pinukol ng masamang tingin.Nag peace sign lang sya.

"Wag ka nga magtanong ng ganyan pag kumakain tayo,nakamamatay" inis kong sabi at tinuloy na ang pagkain,diko na sinagot ang tanong nya parang wala na din naman syang interes.Tinuloy na namin ang pagkain naming tatlo pagkatapos ay dumiretso kaming library kasi may hihiramin daw na libro si Lyca.

"Dito na muna kayo medyo mahirap hanapin yung libro eh kaya assume na medyo matatagalan ako." bulong niyang sabi,tango nalang ang sagot ko kasi masyado matalas tenga ng librarian dito eh,masyadong strict.Umalis din agad si Lyca at nang tignan ko si Tasha ay nakatulog na sya.Bilis ah wala pang 5 minutes yun.

Habang naghihintay kay Lyca,bigla ko nalang naalala yung banggaan namin ni Drake.Then,I realized that it was my fault kasi nagmamadali ako non kaya ko sya nabangga at kaya kami aksidenteng nagkahalikan.Sumigaw pa ako kanina nung nalaman kong kaklase ko siya,nakakahiya yung ginawa ko.Feeling ko diko kayang makita si Drake.

Ang tanga ko talaga minsan

Nangalumbaba akong nakatingin kay Tasha na ang himbing ng tulog at mahinang humihilik.Maya-maya pa ay nakaramdam din ako ng antok kaya natulog na din ako kasama si Tasha.

Lyca's POV

Pagkatapos kong makuha ang librong kailangan ko ay bumalik agad ako sa mesa kung saan ko iniwan ang mga kaibigan ko kanina.Diko maiwasang mapangiti sa nakita ko.Tasha and Jhesiel are too cute while sleeping.Kinuha ko ang cellphone ko at kinunan sila ng picture habang natutulog.Pagkatapos ko silang kunan ay ginising ko si Jhesiel at nagising din naman ito agad,she gave me a small smile so am I.Ginising na din nito si Tasha at umalis na agad kami sa library.

Pagkabalik namin sa room ay nagsi-puntahan agad kami sa mga upuan namin.Pagdating ko sa upuan ko ay nandun na si Brent at nakatungo ito sa lamesa.Bigla ay binalot ako ng konsensya kaya dahan-dahan ang galaw ko sa pag upo.

I felt sorry for what I did earlier,I didn't mean to do it either.Gumalaw sya at nagtaas ng tingin kaya nagkatinginan kami,I awkwardly looked away.Nakakaramdam ako ng kaba,I wanted to talk pero yung bibig ko ayaw bumuka.

Damn,all you have to do is to say sorry and that's it!

Dahan-dahan akong nagpakawala ng buntong-hininga at nahihiyang tumingin sa kanya."Uhm,B-Brent uhm" come on,Lyca!you can do it.I cleared my throat at tumingin sa kanya,diko namalayan na nakatingin pala sya sakin kaya medyo nagulat ako."You're saying something?"

Diko pinansin ang sinabi niya dahil napatitig ako sa kaliwang mata niya na may black-eye.Gosh,ako ba may gawa niyan?Ganun ba kalakas ang suntok ko kanina?

Diko na naman namalayan na nagkaron na naman ng sariling isip ang katawan ko at hinawakan ko ang nangingitim na parte ng mata niya."H-hey,masakit" dun lang ako bumalik sa tamang pag-iisip nang magsalita siya.

Kaagad kong tinanggal ang kamay ko sa mukha niya at nahihiyang tumungo."Sorry,B-brent.Pasensya na sa ginawa ko earlier diko sinasadya."nakatungo at naiiyak kong sabi,wala akong ibang nararamdaman kundi kahihiyan sa ginawa ko.

"Gusto mo patawarin kita?"agad akong napatingin sa kanya at tumango.He said 'hmmm' at umaktong nag-iisip.Ngumisi sya at nagsimula ng magsalita.

Never Let You GoWhere stories live. Discover now