Chapter 3: First scene

23 3 2
                                    

MAXINE'S POV

Nagising kami ng maaga dahil di namin alam. Gets niyo? Hahaha ewan basta basta nalang dumilat mata namin at nagpasyahang maligo at pumasok ng maaga sa school.

"Haaaays, si BJ nakaalam na. Sana wala nang sumunod pa. Baka mabuking tayo niyan, pag may nakaalam pa" pambasag katahimikan ni Sam samin.

Nandito kami ngayon sa hallway naglalakad, maaga pa naman kaya walang masyadong tao. Papunta kami ngayon sa office ng Dean kasi may sasabihin siya sa amin.

Eh ano na naman yun? Tsk.

Nang makapunta kami sa tapat ng pintuan kumatok muna kami, at pumasok.

"Oh you're here" ngiting sabi ng Dean namin.

Nasa 50s na siya pero mukha pa siyang 30 maalagain kasi siya sa sarili niya kasi biyoda.

"Yes Maam. Ba't niyo kami pinatawag?" Tanong ni Lene kay Dean.

Ba't nga ba? Papakain ba siya? Charoot mukhang pagkain ako hahahhahaa.

"I'm here to inform you that galing yung Dad ni Maxie kahapon. Umuwi na kasi kayo agad kaya di niyo siya naabutan. Nakwento ko sa kanya about our big event bukas here in school. It's a ball,a welcoming ball kasi uuwi na ang President natin. Ang sabi niya maghanda daw kayo baka may umatake bukas" sagot ni Dean.

Tama nga naman, baka may umatake bukas. Paghahandaan namin to ng mabuti. Tsaka bakit-----

"Bakit napaaga ang pag uwi ng Presidente, Dean?" Pagputol ni Sam sa naiisip ko.

"He knows about your Corp right now, kaya nandito siya para makipagtulungan"

"It's better for him na wala siya dito baka matuntun siya at dukutin siya" sagot ni Lene

"Yan din ang sinabi namin sa kanya, but di siya pumayag"

"Okay, I'll guess maghahanda kami bukas. We make sure walang masasaktan" cold kong sabi kay Dean at umalis na agad kami.

Hmmmm, sana lang walang madamay dito tsk.

Kapagod pa naman maglaban lalo na't may mga ignoranteng manonood sa iyo tsk.

Teka nerd disguise kami diba? Ano itsura namin bukas? Hays ang gulo.

Pumasok na kami sa classroom at andun na ang mga ulupong. Nakita kong nakatingin sakin si Jaydee. Ano bang problema niya sakin? Tsk.

Umiwas nalang ako ng tingin at naupo na sa upuan, maya maya lang ay dumating ang Professor namin. Si Ms. Hidalgo.

Ms nga kasi dalagang matanda na siya, maganda naman sadyang di lang nagmahal ulit kesyo daw nasaktan na siya.

"Good morning Class, maybe some of you alam na kung anong meron bukas. Sa mga di pa alam, may welcoming ball bukas for the President. And you have to choose your partners. Only boys can choose partners, so sweeet" ngiti ngiting sabi ng Prof namin.

Tsk? Paano kung di kami pumayag? Ewww walang pogi dito, kung meron man ayoko. Mga ulupong lang yun tsk.

Nagsitilian naman ang mga malalandi. Kesyo daw baka yayain sila ng mga ulupong tsk. Excited talaga basta malandi, eto kaming tatlo ngayon nakatingin lang sa harap na para bang walang pakialam sa paligid.

Discuss.

Discuss.

Discuss.

Discuss.

Sumunod naman ang dalawang subject na puro discuss lang hanggang sa....

3....2.....1....

*krinnnnnnnnnnnng*

Spy Girls (Enters Academy)Where stories live. Discover now