'Eve!?'
'Eve!?'
'EVE?! ANAK GISING NAA!'
urrghhh . Naririnig ko nanaman si mama na sumusigaw galing sa kusina. Malamang dahil tanghaling tapat na at nandito parin ako sa kwarto at natutulog. Tinapos ko kasi yung episodes ng 'Stranger Things' sa Netflix kagabi . Kaya eto napuyat nanaman ako .
'OO MAA! SANDALIII!' - pasigaw ko ring sagot sakanya . Para na kaming mga taga bundok dito sa bahay na nagsisigawan.
Bumangon na ako at inayos ang higaan ko . Pagkalabas ng kwarto diretso na agad ako sa Cr para maghilamos .
"hinugasan mo nanaman agad ang mata mo pagkagising? Diba sabi ko sayo wag mo muna huhugasan? Kaya lumalabo ang mata mo e! Nagbababad ka sa computer! Tapos huhugasan mo? Mapapasma ang mata mo! Baka sa susunod na araw Bulag ka na! " - bungad ni mama pagkalabas ko ng banyo .
"tinanggal ko lang yung Muta ko" - sagot ko naman sakanya , ang aga aga talaga ni mama manermon. Ay oo nga pala Tanghali na.
Dumiretso agad ako sa hapagkainan at nakita si papa palang ang nakaupo doon .
"nak , gisingin mo na doon si kuya mo"- utos ni papa
Hayst , kung tanghali ako magising , lalo naman tong kuya ko . Palibhasa walang pasok e. Sabado kasi ngayon.
Umakyat na ko sa itaas para katukin si kuya , malamang humihilik pa yon .
Tok tok tok
"Oy! KUYAA! GISING NA DAW! KAKAIN NAA! " - sigaw ko sakanya galing sa labas ng pinto . Kumatok pa muna ako ng tatlong beses bago muling bumaba , hindi ko na siya hihintayin , dahil gutom na ako.
Pagkababa ko nakita ko si mama na naglalagay na ng mga plato at kutsara't tinidor sa lamesa , kaya naman kumuha na ko ng mga baso at kinuha narin ang 1.5 na Softdrinks sa ref at inilagay din iyon sa hapagkainan.
Nang makaupo na ako , nakita ko naman si kuya na pababa narin ng hagdanan , medyo pumipikit pikit pa , at may towel sa kanyang kanang balikat. Kita ko pa ang muta niya. Eww .
Inumpisahan na namin ang pagsandok ng kainin . Adobong pusit ang ulam namin ngayon. Meron ding tuyo at tortang talong . Na malamang tira nila mama at papa kaning umaga at ininit lang.
"Ma? Pa? Alis ako ngayon ha?" - biglang sabi ni kuya
"bakit? San ka nanaman pupunta?" - tanong naman ni mama
"sa Sm, bili lang akong sapatos , nasira na yung sapatos ko pang pasok kahapon e" - sabi naman ni kuya
"SAMA AKO!" - biglang sabat ko
"wag na , kung ano ano nanamang ipapabili mo e" - sabi ni kuya at tiningnan ako ng masama
"malamang, alangan naman sumama lang ako para panoorin ka bumili?" - sagot ko naman sakanya
"isama mo na, tutal sabado din naman at aalis din kami ni papa nyo , magpapa rehistro kami nung sasakyan"- sabi naman ni mama , kaya napangiti naman ako , dahil sawakas makakagala nanaman ako
Pagkatapos namin kumain ng tanghalian . Agad ko nang inunahan si kuya sa banyo para maligo dahil baka mahuli nanaman ako sa pag aayos at iwan niya ako.
Nagsuot na ako ng white t-shirt at pantalon . Kinuha ko narin sa sampayan yung nilabhan kong sapatos na puti kagabi at sinintasan yun. At saka isinuot. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok at sinuklayan. Naglagay na din ako ng pulbo at liptint sa labi at pisngi . At pumunta sa kwarto ng kuya ko.
BINABASA MO ANG
When Everything Has Changed
Novela Juvenil"I'm tired of being my old self , i want something new , i'm sick of being the good girl , i want to be known too. i wished to change everything , is this something that i'll regret too? " Siya si Evangeline Stewart , the girl who almost had ever...