New story guysss! Support niyo ko hahaha
Title: In Love with A Poser.
RPW. Also known as Role Player World. Dito, gumagamit o nang gagamit ang isang tao ng ibang katauhan para sa mga bagay na hindi niya kayang gawin sa real world.
Nathalie Keisha Kihell. A girl who loves to post anything on her dummy account. She wasn't using her real account to protect her identity. She was portraying and pretending to be someone else.
One day, may sinalihan siyang isang group chat sa kanyang social media. Siyempre gamit yung dummy account niya, and then dun niya nakilala si Bryle Santos. Of course isa ring dummy user. They chatted like almost everyday and night. She feels like it was so real. One night, biglang nag confess sa kanya si Bryle. She doesn't know how to react. Hindi naman siya naging awkward sa binata. She was also having a huge crush towards him. Bryle courted her for atleast 2 weeks in their chat. Lagi nalang kinikilig si Nathalie everytime na nag uusap sila through messenger. And hindi nagtagal sinagot na niya ang binata. Parang totoo. Yun yung nararamdaman niya everytime na nag cha chat sila. Bryle seems to be caring and loving for her.
One time, biglang hindi na nagpaparamdam si Bryle sa chat. Lagi na lang itong offline. Hindi alam ni Nathalie kung ano na ang nangyayari sa Dummy boyfriend niya. She was having a feeling na parang may mali. Kinabahan siya. Kinabukasan may biglang nag chat sa kanya. Namely Daphne Dela Cruz. Nagpakilala itong bestfriend ni Bryle at ibinalitang naaksidente daw sa motor yung dummy boyfriend niya. All this time tama pala yung nararamdaman niya. Yung hindi na siya mapakali. Yun pala na disgrasya na yung tao. Ilang weeks pa ang lumipas ng bumalik na si Bryle sa pag cha chat sa kanya.
Humingi ng patawad si Bryle sa kanya. Masayang masaya naman si Nathalie dahil araw araw na silang nag uusap ulit. Tinanggap niya ulit si Bryle nang walang pag aalinlangan. Napatawad niya ito. Kasi nga may rason kung bakit hindi nagpaparamdam sa kanya yung tao. Nagpatuloy ang relasyon nila at umabot ito ng mahigit dalawang buwan. After those nights and days na nag uusap sila, bigla ulit na nawala si Bryle. Hindi naman siya masyadong nagpanic kasi nga baka may rason ito. Pero umabot na ng ilang linggo wala parin.
One night, biglang nag message si Bryle sa kanya. Tila ba namamaalam ang binata sa kanya. Sinasabi kasi nito na aalis na daw ito sa RPW. It was so sudden na bigla na lang na ganun. Ang rason ng binata ay kailangan daw siya ng bestfriend niyang si Daphne kasi nga daw may pinagdadaanan ito. Hindi nangako ang binata na bumalik o babalik pa sa RPW. Kasi ang concern daw nito ay ang bestfriend niyang si Daphne. Well dahil dakilang Martyr si Nathalie, hinayaan niya ang binata. Nakipaghiwalay ito ng maayos sa kanya at tuluyan nang nag offline. Pagkatapos ng pag uusap nilang iyon, humilata si Nathalie sa kanyang higaan. Madilim na sa kanyang kwarto kasi pasado ala una na ng madaling araw. Tumulo bigla ang kanyang luha. Doon na niya di mapigilang umiyak. She was crying the whole time. Dahil tuluyan na siyang hiniwalayan ng kanyang dummy boyfriend para sa bestfriend nitong problemado. Then, there she realize. In love na siya sa kanyang Dummy Boyfriend. "I am inlove with a Poser." nasabi niya sa kanyang sarili. Naisip niyang malabo na muli pa silang magkausap muli nung dummy boyfriend niya. Kung sino man siya, mapa babae o lalake o kung sino mang pontio pilato siya, Nais niyang magpasalamat dahil naging masaya ang pamamalagi niya sa RPW. But the saddest thing, She have had fall in love with A Poser.
Magkausap pa kaya muli sila nung dummy user niyang naging boyfriend.
-End of Prologue 😉
Supportahan niyo sana ako sa new story ko Thank you!