Dahil maraming nag request sa fb ko na i update to, sige pagbigyan😂😂😂
Salamat sa mga new friends ko dun. Napasigla ulit facebook ko😉 Dedicated to sa Chimeraphillian group chat at Infirmity Phantasm group ko😉 I love you all!
Paki basa din ng story ni @Galaxygirl009
Nathalie's P.O.V.
Hindi talaga mawaksi sa isipan ko yung mga sinabi sakin ni Bryle. Akala ko nagbibiro lang siya sa confession na ginawa niya. Kagigising ko lang ngayon at agad kong kinuha ang cellphone ko upang tingnan kung may message ba siya.
At hindi nga ako nagkamali kasi pagka open ko palang ng cellphone ko, yung pangalan niya talaga ang unang napansin ko dun.Bryle Santos: Hi Natalyang baliw! Baliw na baliw sa alien na katulad ko! Good morning! Kumain ka na ah wag magpapalipas ng gutom!
Ayun di ko siya nireplyan. Ang fc niya ah pero shet kinikilig ako sa message niya.
In open ko yung message ng Kihell Family gc ko. Kinausap ko yung mga accounts na nandun. Lumabas na kasi yung misteryosong oppa (kuya) daw namin dun. Ang kanyang profile ay si Lee Jong Suk. Shet sana siya na lang si Lee Jong Suk diba? Pero hanggang sana na lang talaga ako.
Bryle: Seen lang😭
Me: Problema mo?
Bryle: Di moko nirereplyan eh.
Me: Eh ano naman ngayon?
Bryle: Baliw na nga masungit pa! tss.
Me: Oo na. Ako na baliw. Ikaw naman Alien.
Sabay close nung chat box niya.
*Kihell Family* gc.
Me: Janggggggggg
Jang Shi: Wae? Tawag moko unnie?
Me: Putekk Janggg may nag confess sa akin!
Jang Shi: Yung totoo ate? Nag iimagine ka ba o nagbibiro lang?
Me: Duh? Ba't naman ako magbibiro at mag iimagine? Napapala mo sa kapapasok mo sa ref eh.
Jang Shi: Ate naman eh! Masarap kaya magtago sa ref! *iyak*
Me: as if pinapapak mo lang toblerone jan sa ref.
Jang Shi: Masarap kasi! Di ba oppa!
Me: nandamay pa?
Jang Shi: binigyan ko kasi siya eh pake mo ba ate?
Me: So ako na ngayon ginaganyan mo ha?
Oppa: Tss. Tumigil kayo iumpog ko kayo eh.
Me: tss.
Jang Shi: tss.*closes the groupchat*
Bryle santos: Baliw! Baliw! Natalyang Baliw!
Me: Trip mo na naman ha?
Bryle: Wala namiss kita.
Me: Kausap mo lang ako 30 mins ago.
Bryle: eh sa namiss kita eh. Bakit Ba?
Me: Oo na oo na.
Bryle: Ayiie kinikilig na ang Natalyang Baliw kooo!
Me: Tss. Kumain ka na?
Bryle: Ayun! Concern ang baby ko.
Me: Tinatanong ko lang di ako concern. *kunwari*
Bryle: Palusot ka pa Baliw!
Me: Kasi Alien ka! Sige na nga maliligo pa ako bye!
Bryle: Ingat sa pagligo baliw! Close mo maigi ang door ng CR baka may mamboso pa sayo!
Me: Yung totoo? Tinatakot mo ba ako?
Bryle: Pinag iingat lang yung Baliw kong prinsesa.
Me: Tss. Oa mo!
Log out.
Napagtanto ko hindi lang pala puro kalokohan ang meron ang RPW. Meron ka din palang makikilalang mga taong handang maging kaibigan at kapatid mo. Hindi mo man sila makita ng harapan o yung mga mukha nila sa mga dp o profile picture nila, alam mo namang nandyan lang sila at totoo silang tao. Pero paalala lang, Wag masyadong magtiwala sa mga tao sa RPW meron din kasi dun yung mga malilibog at wala nang ginawa kung hindi ang mambastos ng kapwa tao. Kaya mag iingat parin kayo sa RPW. Lahat ng RPW accounts ay nakakaranas ng ganun. Yung iba hina hack yung account. Then yung mga walang magawa ay nang re report nga mga inosenteng accounts sa Social medias. Kaya ako ingat na ingat na hindi mabiktima ng mga walang hiyang mga Trippers sa fb. Hindi naman nila magagalaw ang fb account ko kasi naka secured ito. Duh hindi naman ako tanga para hayaang mai report nila yung account ko. Kaya bago pa ako yung mareport nila, uunahan ko na sila. Wais din naman ako. Sa mga nakakasalamuha ko sa Real account ko sa fb, ay ibang iba sa RPW. Hindi puro wattpad lang. Super daming hanash sa buhay ang RPW. Lahat ng mga hindi kayang i post sa real facebook account ng mga dummies ay sa RPW nila ipino post ang mga ito. Kasi tago. Walang nakakaalam. At higit sa lahat malaya silang nakakapagpahayag ng mga bagay na nais nilang ipagmalaki.
I open again again my account. And some randomly people messages me like this.
Anonymous person: Hi.
Me: ??
AP: SOC?
Me: Excuse me?
AP: S*x on chat tayo miss.
Me: Not me. Bye.Blocked. Di lang isang beses nangyari yan. Madami nang nag chat ng ganyan sa account ko.
Meron pang isa.
Unknown Guy: Hey! Can I have your time? I am coming to Thailand this year. Can you accompany me? I can pay you.
Kasi Thailand ang nasa profile place ko.
Me: I'm quite busy bye!
Blocked again.
Hays bakit hindi sila mawala wala sa Mundo? Ito matindi may mga Arabo, Indiano, Russian at Pakistani naman na nag cha chat sa akin.
Arabo: Hi. Your so beautiful.
Me: Thank you. Bye.Blocked.
Indiano: Hey! Such a pretty lady.
Me: Wag ako ambaho mo! Bye.Blocked.
Pakistani: Hi. Want to have some fun?
Me: I am already happy to be alone. Bye.
Blocked.Russian: Let's play.
Me: Play mo yang mukha mo. Bye!Blocked.
Madami dami na rin akong nai bla block sa dummy account ko. Take note kasali pa pati Real account ko. Baka mahuli duh? So ayun nga ang dami ko nang hanash napagalitan na naman ako. "Ke aga aga! Cellphone mo na naman inaatupag mo! Ni hindi ka na kumakain, naghuhugas ng pinggan pati bahay di mo na malinisan!" karindi boses ni lola! Di naman ako lang ang nakatira dito sa amin tapos ako lang pinagagalitan ano naman yung iba? Pa senyorito at senyorita? Ako nalang ba lagi nilang nakikita? "Bakit may negosyo ka ba ha at panay tutok mo dyan sa Cellphone mo? Puro naman landi yang inaatupag mo! Maghanap ka na ng trabaho! Wag yung ganyan!" Nakakalimot ata si lola. May trabaho na kaya ako sasabihan niyang maghanap? Luh ganun? "Opo!" ayan na lang sinagot ko para tumigil na siya. Bunganga ni lola ay Grabe! Grabe! Kaya akoy nag log out na kasi baka bumuga na naman ng apoy ang dragona! Ako'y maglilinis na. Paalam mga kaibigan!
Author's Note.
Next update? Baka bukas. Persephone thank you dahil sinubaybayan mo itey 😅 Dito na lang muna. Byebye guysss! 😘😘😘
Xoxo
Indaybitter143