<<CHAPTER 6>>

325 19 1
                                    


---

Nang makita ni Yaya Mel si Cleo ay nagulat siya dahil maaga itong nakabihis ng school uniform.

"Aba! May himala! Dati rati ay wala kang ganang pumasok sa school!" Nakatawang tanong nito.

"Yaya Mel. Ewan ko ba basta gusto kunang pumasok sa school ngayon."

"Sino? May boyfriend kana? Sino siya?"

"Wala ahh...cge aalis na po ako." Sabi nito sabay yakap sa Yaya niya.

"Good luck sa school! Mag iingat ka!"

Pagdating niya sa school ay tuwang tuwa sina Andeng at Jenna dahil hindi na siya muling lumiliban sa klase.

Mag kakapit bisig sila habang naglalakad sa hall. Pagpasok nila sa room ay nandoon na ang iba at si Shin.

"Good morning, Cleo." Masayang bati niya at naniningkit ang mga mata nito dahil sa pagngiti.

"Good Morning din sayo, Shin." Nahihiyang bati niya at nagsikuhan sina Jessa at Andeng dahil alam na nilang crush na ni Cleo si Shin.

"Ay! Yun naman pala!" Sabi ni Jessa at nagulat siya ng pumasok si Ace ay niyakap siya.

"Good Morning my loves Jessa!"

"Anu ba! Lumayo ka nga sakin!" Pakipot nito at itinulak palayo si Ace.

Pagdating nina Ryan at Joey ay maangas ang mga ito at dumaan sa may upuan ni Shin at sinadya siya nitong patamaan ng bag.

"Pasensya na Shin nasagi ka pala ng bag ko!" Mayabang na sabi nito.

Hindi na siya pinatulan ni Shin dahil ayaw niya ng away ngunit nakakaramdam siya ng kakaibang inis sa kanya.

---

~Shin Fujiwara~

   Pagsapit ng break ay dumiretso na ako ng canteen. Wala kasi si Cleo dahil may ginagawa siya sa faculty room at inutusan ni Sir Brandon. Siya kasi ang class president namin.

   Ang dami ng mga kumakain dito. Lumaki at lalong gumanda ito kaysa noong first year ako. Buti pa ang lugar na to naaalala ko pero bukod don ay wala na.

   Nang magsalita ako para bumili ng lunch ay nagtinginan ang lahat sakin. Actually, sanay na ako na tinitignan palagi gaya noon lagi ako binubully saka pinagtatawan. Hindi ko lang alam kung sino sino yung mga taong naging dahilan ng aksidente.

   Hindi pa malinaw sa isipan ko pero nararamdaman kong paunti unti ay maaalala ko na.

   Nagulat naman ako sa pagkain na binigay sakin ng babae sa Canteen. Punong puno kasi yung plate ko.

   *sigh

  Makaupo na nga but when I look around ay they're all smiling at me. Parang nasisiraan na ata sila.

   *smirk

  
 

  Nagtilian sila nang dumaan ako at tinatawag ako ng iba.

   "Dito ka nalang sa table namin kumain oh..."

Love's Sweet Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon