mistaken identity

9 0 0
                                    

Note: This is light story lang po. Enjoy~

"Bes, samahan mo ako sa canteen bibili lang ako chocolate waffle." aya ko kay Annika na kasalukuyang may ka-text mate. Kinalabit ko pa siya.

"Sus! may hahanapin ka lang sa canteen eh. Palusot ka pa." sabi niya habang nakatingin sa cellphone.

Nilibot ko ang buong classroom. May kanya kanyang ginagawa. Ingay doon, ingay dito. May nagkakantahan pa nga ng korean songs.

Umupo ako sa tabi niya at niyugyog siya.

"Sige naaaaa! Please?"

Tamad siyang tumingin sa akin. Pinagdikit ko pa ang mga palad ko.

"Oo na! Tara." aniyang nagpasigaw sa akin ng yes!

Hinila ko siya palabas ng classroom at pinindot ang button ng elevator.

"Sino nga pala katext mo?"

"Sino ang hahanapin mo sa canteen?"

Biglang namula ang pisngi ko. Ramdam ko ang init nito.

"W-wala ah! Bi-bibili lang talaga ako ng chocolate."

Omaygad! Baka mahalata niya na si crush ang hahanapin ko sa canteen. Break time kasi nila. Paano ko nalaman? Medyo stalker talaga ako. 'Medyo'

"Sure ka?" nandududa niyang tanong.

"O-oo naman! Bakit?"

Tumunog ang elavator hudyat na nasa third floor na ito. Pumasok kami at sinara agad.

"Wala lang... baka kasi may secret ka na sa akin."

Ilang beses akong umiling.

~

"Isang chocolate waffle nga po." inabot ko ang bayad kay ate ganda na cashier.

Nilingon ko si Annika na busy pa rin sa kanyang cellphone. Sino kaya katext nito?

"Ito na ang sukli." ani ate cashier. Nagpasalamat ako bago pumunta sa lamesa kung nasaan si Annika.

Hindi niya ako napansin kasi busy pa rin siya. Nilibot ko ang buong canteen kung nandito ba siya at mga classmate niya. Wala. Hayss...

Bumuntong hininga ako. Siguro tapos na silang kumain. Tumingin ako kay Annika na malawak ang ngiti habang nakadungaw sa cellphone niya. Kinikilig ba ito?

"Annika!" tawag ko sa kanya.

"Oh?" sagot niyang nakitingin pa rin sa cellphone habang nagtitipa.

"Punta lang ako sa comfort room." tumango siya.

Ano ba iyan! Naiinggit ako kasi siya lang ang masaya. Siguro crush niya iyong katext niya. Buti pa siya.

Nakayuko akong naglalakad papunta sa cr ng may bumunggo sa akin. Oo sinadya niya dahil kita ko pa rin naman ang daanan kahit nakayuko ako.

"Sorry." aniya. Pero parang di naman sincere.

Umangat ako ng tingin. Napasinghap ako ng makita si Roscoe. Ohmaygad! Nandyan ka lang pala!

Tumingin siya sa mata ko pababa sa hawak kong chocolate waffle. Umangat ang gilid ng labi niya. Naaaliw siya base sa mga mata niya.

"Favorite mo talaga iyan ano." hindi iyon tanong.

Naalala ko na naman ang first encounter ko with him. Sa canteen habang nakapila ako, katabi ko siya. Nagtatawanan sila ng mga classmate nito tapos bigla niya akong natulak. Hindi niya sinasadya kasi alam kong nagbibiruan lang sila. Nagsorry siya noon at tinanggap ko. O baka dahil sa mga mata niyang isang sorry niya lang mapapa 'sige okay lang' ka na lang. Kung paano ko nalaman ang name niya? May pagkachismosa talaga ako. Slight.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mistaken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon