Blackout

119 0 0
                                    

Naalala ko nung grade 6 ako or something. Gabi na yon at gising pako. Tulog na parents ko so tahimik na, hindi na sila nag-uusap at nanonood ng TV.
Biglang nagblackout sa amin.
Mainit talaga sa kwarto ko kaya naisipan kong pumunta sa kwarto ng parents ko kasi medyo presko dun. Nakasalubong ko papa ko na papunta sa CR.

Sa pagpasok ko sa kwarto nila, laking gulat ko nung nakita ko ang papa ko nandun natutulog.

Bumalik ako sa labas at tumungo sa CR pero walang tao nung nakarating ako. Hindi ko alam kung guni guni ko lang yon pero napakarealistic kasi ng pangyayari as in nakasalubong ko talaga siya at gising na gising ako nun.

Kababalaghan (Story Compilation)Where stories live. Discover now