Paano ko nga ba sisimulan ang Tulang ito?
Paano ko nga ba i kwe-kwento ang buhay ko?
Ah! Simulan natin sa ganito...
Pagpapakilala...Ako nga pala si MAY,
Ang babaeng, wala ng buhay.
Pero BUHAY!
NABUBUHAY!
At pilit BINUBUHAY.
Ngunit unti-unti paring namamatay.Ang babaeng ito ay buhay,
Dahil lumalaban.
Ang babaeng ito'y nabubuhay,
Dahil may pinaglalaban.
Ang babaeng ito'y binubuhay,
Dahil may lumalaban.
At dahil 'yun sayo!
At salamat sayo!Salamat sa pagtanggap mo,
Salamat sa pagtapik ng balikat ko,
Salamat sa pag-unawa mo at lalo na
Salamat sa pasensya, DAHIL MAHAL!Ang babaeng ito...
Ilang beses nang magtago pero nahanap mo,
Ilang beses nang nagtangkang tumakbo palayo sa mundo!
Pero napigilan mo.
Ilang beses nang sumoko dahil sa sakit na 'to
Pero nilunasan mo.Kaya salamat sayo.
Dahil ang May,
Na dati'y wala ng buhay,
Ngayon na ang May,
Binigyan mo ng halaga ang kanyang buhay.Kaya sana mahal,
Manatili ka...
Hanggang sa ako ay nabubuhay.Kaya sana mahal,
Manatili ka...
Hanggang sa ako ay mawalan na ng buhay.Kaya Mahal...
Mabuhay ka,
Kahit na ako'y wala na.
YOU ARE READING
The Half of Reality
PoetryThe author (Me) of the poem show the other face of life. Morley she tells her life story and her sentiment. To all readers, First I would like to say, Sorry and hope you'll consider some typo and grammar. I would be happy if you will read this, and...