Julianna's POV
Nang makaalis na si Unnie pinagpatuloy ko na ang tulog ko.
Ngunit wala pang tatlong minuto.
--Calling May--
"Bakit?"
-Nasa labas ako ng bahay nyo..
"Ano!"
Parang nawala yung sama ng pakiramdam ko nung marinig ko iyon..
-Nakita nga ako ng ate mo eh..
Napabangon ako ng wala sa oras sa narinig ko..
"MWO! NAG PAKITA KA?!"
-Gaga! Iba ang nakita sa nagpakita!
"Ano sabi niya sayo?"
Wag kang eengot engot May malilintikan ka sakin.
-Tinanong nya kung sino hinahanap ko.. Sabi ko.. Wrong house.. Okey na? Ito sitaranta.. Ipapahamak ba naman kita..
Nakahinga ako ng maluwag dun sa sinabi nya..
"Bat kaba nandito?" I ask..
-Julianna Javier! Papasukin mo kaya muna ako ayaw kong umitim no!
Ay oo nga pala..
"Arraseo. Arraseo."
Dali dali akong bumaba at pinapasok tong si pahamak..
Pag bukas ko ng gate nakita ko sya sa may puno na ninigarilyo..
"Hindi balat mo ang iitim eh.. Baga mo.. Tata pasok na.."
Tinapon naman nya ang yosi at sumunod sakin..
Pag pasok palang namin ng gate nakita ko agad ang pagkamangha sa mukha nya.
"Ang yaman nyo naman.." Pag puri nya.
"Si Dad lang mayaman hindi ako." Giit ko..
"Mapapasayo din naman ito eh." Dugtong nya..
"Tsk."
Pumasok na kami sa loob..
Kung na mangha na sya kanina sa labas mas na mangha sya ngayon..
"Ang laki ng bahay nyo pero kayong dalawa lang ng ate mo nakatira nag kikita pa ba kayo?" Giit nya.
"Dalawang room lang naman ginagamit ko dito eh.. Yung dinning room at bed room ko.. Si Unnie lang gumagalaw ng lahat ng yan.." At tinuro ko ang mga gamit na nasa paligid namin.. "Yung mga gamit ko lang ang ginagalaw ko.. I don't touch things that's not mine." giit ko..
"Yabang mo talaga.. Maski tong Flat screen TV nyo na parang pang cine na yung laki di mo ginagalaw?" Giit neto..
'Tsk. Mas malaki pa TV ko dyan sa kwarto ko.'
"Ang dami mong kuda. Tara na nga sa taas at baka biglang dumating si Unnie or mas malala pa baka dumating si Dad baka mapatay din ako nun." Giit ko..
"Tss.. Hindi man lang ako itutour sa bahay nya.." Giit neto na may pakamot kamot pa sa ulo..
'May kuto!? may kuto!?'
Pag pasok namin sa kwarto.. Gusto kong matawa sa istura niya..
Parang nakakita ng paraiso eh..
Pumunta sya sa side kung saan ko nilalagay ang mga paintings ko..
"Ang galing mo naman.. Anong tawag dito sa art na to?" She ask..

YOU ARE READING
It's You
ActionCalinna Andee Javier, paano niya na kilala ang isang Right Ken Sy? Julianna Cailie, Javier saan sila unang nag ka kilala ni Dark Jin Santos? Cassandra Jacey Glenn Birkins, paano nag tagpo ang landas nila ni Apholo Rianzares? At Kaceedy Mariel Manalo...