Crossing the border
Maeri POV
Inabot sakin ni Ash, ang pinaka mataas sa ranking na leader ng Alpha Mituu ang isang bag. "Lahat ng kailangan niyo nandyan na. Cellphones, laptops, anything. Cristine," tawag nya don sa babae na katabi niya.
Lumapit saamin yung Cristine at inabot ang box na maliit saakin pati rin kay Van. Mukha siyang box na pinaglalagyan ng wedding ring. "That box is highly restricted to use. Para mabuksan yan kailangan ng fingerprint ng mismong owner. " Nagulat ako ng hawakan nung Cristine yung daliri ko at pinatong sa taas ng box.
"Do the same." Tumungin siya kay Van kaya nilagay nya agad. "Now, open it." Sabi ni Ash. Nagkatinginan muna kami ni Van bago namin buksan yung box.
There, I saw a small earring. Maliit pa 'to sa normal na laki ng isang hikaw. At isa pa, transparent siya. "Yang hawak nyo ngayon ay hindi basta basta hikaw lang. Kapag sinuot niyo yan, magmumukha kayong walang suot at parang normal lang."
"Ano naman magagawa ne'to?" Tanong ni Van habang hawak hawak ang isang pares ng hikaw. "Masyadong delikado ang gagawin nyong crossing borders kaya kailangan nyo yan para ma-monitor namin kayo at malaman agad namin ang usapan sa loob. " I remained silent hanggang makalabas ng division ng Alpha Mituu with our disguise para walang makaalam na may mission kaming gagawin.
Mas magaling sa technology ang division nila kumpara saamin na puro weapons. Ang bawat four division sa department ng mystery ay may iba't ibang bagay na talagang mamamangha ka kapag nakita mo. Hindi ko masyado alam ang sa Aparigue pero sa tingin ko malapit ko nang malaman.
This mission is very confidential kaya lima lang kaming nakakaalam ne'to. Ang weird lang, sino ka ba Mr. Daoa para may ipadala pa sa border na parang ganon lang kadali? Are you so powerful? Sa pagkakaalam ko spy siya and ang mga powerful dito ay ang mismong leader or boss not the spy.
Pumunta ako sa kwarto ko para ayusin ang gamit ko na kailangan para sa isang araw sa Aparigue. Umupo ako sa tapat ng dresser at humarap sa salamin. Gusto kong makabalik ng buhay. Gusto kong patunayan kila mama na nararapat lang ako sa department na 'to at hindi sa department na pilit nilang binibigay sakin. This is my department. My home. Ang hirap kung aalisan ko 'to at lilipat para iwanan lahat ng alaala. Gusto kong may mapatunayan ako.
"Ate," Napapitlag ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. Kukunin ko sana yung dagger na nasa likod nang malaman ko agad kung sino yung tumawag sakin. "Chantelle?" Nahimasmasan ako ng malamang si Chantelle yon. Inalis ko agad yung hawak sa dagger at humarap sakanya. Chantelle is my step-sister pero para sakin parang totoo ko na siyang kapatid. Sa tagal ba naman naming nagsama. Chantelle, is 10 years old at hindi siya nakatira sa department na kinalalagyan ko ngayon. "Anong ginagawa mo dito? Sabi ko namang hindi ka pwede pumunta sa department namin ng hindi mo sakin ipinaaalam." Her black eyes turned into blue pagkatapos ko magsalita.
"May mission na ibinigay sayo si Ms. Yuki?" Nagtatakang tanong niya. Inalis ko agad yung tingin ko sakanya dahil pinapasok nanaman nya yung isip ko. "Ate, bakit ka aalis? Ba't mo kailangan pumunta sa ibang division? Masyadong delikado." Tumayo ako at humingang malalim saka siya hinarap. "Umuwi ka na." Binalewala ko yung sinabi nya. Ayokong umiyak. Lalo na isa siya sa kahinaan ko.
"Ate..." Tinignan ko siya at may namumuong luha sa dulo ng mga mata nya. I don't want this scene to be that emotional. Chantelle, is from supernatural department kaya niya napapasok ang isip ko and she use the dimensions thingy she learned in there para makapunta dito sakin. And I know, na sobrang hirap kapag tumatawid ka sa kabilang department because of the barriers na nagsisilbing proteksyon para mapanatiling maayos at tahimik ang Amelle. I'm so proud of her."I'm proud of you too, ate." And then a tear escaped her eyes. Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. "Please promise me to be safe." Sabi nya habang humahagulgol sa iyak. Hinarap ko siya sakin. "I will. Promise" Ngumiti ako para malaman nyang kaya ko 'to. She's always like this kapag may mission ako. Hindi ko alam kung pano nya nalalaman pero bahala na. "Ngayon, umuwi ka na. Hinahanap ka na ni mommy don."
"Can you come with me?" Ngumiti at ako umiling. "No. Meron pa akong mga gagawin. Now, go home. Kailangan ko na ring umalis." Ngumiti siya sakin kahit puno pa ng luha ang mukha nya. Maya maya lang din, may dimension nang bumukas sa harap ko.
Ngumiti lang ako. Bago pa siya makaalis, tumakbo siya papalapit sakin at binigay ang isang necklace na medyo aqua ang color. "Please, wear it. I love you and be safe, ate." After that pumasok na siya sa dimension na bigla namang nawala sa harapan ko.I look at the necklace. Yung shape nung pendant nya is parang luha at sky blue yung color. Humarap ako sa salamin at sinuot na yung necklace na binigay nya. Hindi ko alam kung anong gamit ne'to pero siguro regalo niya lang 'to sakin.
Nakasakay na ako ngayon sa isang sports car ni Van na dinala nya papuntang border. Nakasakay ako sa passenger seat habang nagmamaneho siya. Dibale, 5 hours ang byahe namin papunta don kaya medyo inagahan namin ang alis. May inabot siya sakin na kahon na kasing laki lang ng isang shoe box. "Ano 'to?"
"Open it." Hindi nya inaalis yung tingin nya sa kalsada habang nagsasalita. Dahan dahan kong binuksan yung box. "Notebook?"
"Yes, anything you need to know about Freya Hiarc. You will be disguise as her sabi ni Yuki kanina nung nasa office nya ako."
"And you?"
"Rob Stinsed."
"Pindutin mo yung bilog na nakikita mo sa cover." Sinunod ko agad yung sinabi nya. Pagkapindot na pagkapindot ko, lumiit yung notebook na kanina malaki. Ka-size na nya ngayon yung earring na binigay din samin kanina. Wow, that division is really updated when it comes to technology. "Sabi ni Yuki hindi daw yan mawawala basta lagi mo lang isama sayo at isa pa i-review mo na yung mga nakalagay dyan. "
"Pano naman 'to mapapalaki ulit?" Hindi ko kasi makita yung button na pinindot ko kanina sa sobrang liit na ng notebook. "Suot mo yung earring binigay sayo?" Sandali siyang tumingin sakin kaya tumango ako. "Itapat mo don." Ginagawa ko ang sinabi nya and, "Nice. Nagbabalak na akong lumipat ng division dahil dito."
"Tss." Van rolled his eyes. Medyo natawa ako sa ginawa nya. Hinalungkat ko pa yung laman nung box and I saw a toy car. "Ano 'to? Laruan?" Pipindutin ko na sana yung button na nakikita ko don pero pinigilan agad ako ni Van."Shit. Muntikan na tayo don. Sa susunod nga wag kang pindot ng pindot. "
"Ano na ba kasi 'to?!"
"Kapag pinindot mo yung button nyan, magiging ka size na netong sinasakyan mo ngayon yang hawak mo." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Wow."
"Yeah, right. Namangha rin ako nung ine-explain sakin ni Yuki lahat yan kanina." Hinalungkat ko ulit yung laman at lastly, nakakuha ako ng pressed powder. "Make up? Anong gagawin ko dito?" Napahinga naman ng malalim si Van na parang pagod na mag explain sa ignorante na katulad ko. Di ko naman kasi talaga alam, bahala siya dyan.
"Sabi ni Yuki kapag hinipan mo daw yan, yung powder ang makaka detect ng bugs na nandoon sa lugar na 'yon. It also can detect invisible laser." Ang cool talaga ng first division.
Ilang oras din ang byahe namin kahit sobrang bilis na magpatakbo ni Van. "We're here." Bumaba kami sa harap ng barrier. May pinindot siyang button sa sasakyan nya at lumiit naman yon.
"Pati yang sasakyan mo?"
"Yep. Wear your disguise para makapasok na tayo." Ini-swap ko yung daliri ko sa relo na hawak ko and in an instant naging si Freya na ako. "Sexy." Nakita king ngumisi si Van ng makita ang disguise ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Nagpalit na rin ng siya ng anyo pagkatapos ko."Handsome." This time, ako naman ang ngumisi. Ha! Kala nya siya lang? "Now, pano tayo papasok sa loob ng barrier na 'to?" Tinuro ko yung makapal na invisible na barrier na nasa harapan namin. It's invisible para kung sino ang magtangkang pumunta sa kabila ay maalert agad ang high securities na talagang napakagaling manghuli. Sa pagkakaalam ko, supernatural department sila.
"Don't worry, naalala mo ba si Vole? May binigay siya na ring para satin para madali lang ang pumunta sakabila kapag mag c-crossing borders ka without alerting the high securities." Kinuha nya yung kamay ko at sinuot yung singsing na hawak nya. Kulay gold yung singsing and may anim na maliliit na batong iba't ibang kulay. I think this represents the elemental department. Dahan dahan kaming pumasok sa barrier and then ang sumalubong samin ay ang napakadilim na lugar.
This mission is the most impossible one. Hinding hindi ko 'to makakalimutan.
YOU ARE READING
Ruled
Mystery / ThrillerAmelle High is divided into four largest departments. The department for mystery, the sacred department for elemental powers, the department for reapers, and the department for supernatural powers. Together, let's open the world of department of my...