Chapter 5

11 0 0
                                    

Disguised

Halos pagpawisan ako ng makapasok kami sa border. I also remove that ring. Mahirap na at makita nila yon. Kahit pala may binigay ang ibang department para mapadali yung pagtawid sa kabila ay masyado paring mahirap. Napakalakas ng pwersa na nakapalibot sa barrier kaya sobrang hirap pasukan ng kahit sino.

"So, this is our neighborhood mafias." Bulong ni Terra sakin  habang sinusuri niya yung paligid. Maraming nakakalat na tao. Most of them are wearing black. Para siyang isang city. Nakaka-amaze kung pano 'to namamaintain ng Amelle High na isang school. Sobrang ganda na mismong school may sariling palengke, mall, buildings, etc. Napaka swerte ng magiging owner ng Amelle High.

Hindi ako makapaniwala na lahat ng kaharap ko ngayon ay kalaban namin. Isang maling galaw, mamamatay kami. "We better go to our destination, Freya." Napalingon ako sakanya ng banggitin nya yung pangalan nung dini-disguised ko. Tumango lamang ako at sumunod sakanya.

Freya Hiarc.

Sa pagkakabasa ko kanina sa notebook isa sya sa pangatlo sa mataas na position sa black night division. She's kinda mysterious at di siya masyado palasalita. Mabuti na lang kung ganon. Pero nakalagay doon sa information na maganda at magaling ang fighting skills niya. Kinakabahan ako para don dahil baka mas advance ang training under Aparigue mafias.

Bawat member ng house ng black night ay may sariling 'card' na tinatawag. Rob code, which is si Van sa ngayon ay nasa orange card na pumapangalawa sa mataas and mine is red na pumapangatlo. As a spy, siya mismo mag ga-gather ng mga information kaya kailangan siya ang mas mataas sakin.

Kinuha mismo ng Alpha Mituu ang katawan ng tunay na Rob at Freya. Hindi ko alam kung pano nila nagawa 'yon basta ang mahalaga ngayon is makuha namin ang file na naglalaman ng case ni Mr. Daoa.

Nang nasa tapat na namin ang mismong building ng black night ay halos marinig na ni Van ang kaba sa dibdib ko. Tumingin siya sakin kaya tinignan ko rin siya. "Remember how to communicate with me using your laptop. The codes, naaalala mo pa ba?" Tumango ako. Tinuruan niya ako ng codes na kailangan ko i-type para mapasok ang chat box naming dalawa. Nung una nahihirapan ako dahil sobrang hirap kabisaduhin lalo na at numbers and letters ang binibigay nya. "Good. Ngayon, dumiretso ka na sa dormitory mo. Don't make eye contact to anyone lahat na't hindi normal ang kulay ng mata mo. Unless, mas mataas ang card na hawak nya."

"How about you? San ka didiretso?"

"Sa base. Sabi ni Yuki, ang mga puntahan daw nating lugar ay ang base, 3rd floor, 8th floor at 12th floor. Maaari daw nandon yung hinahanap natin. Now, be alert. Maraming bugs na nakalagay sa paligid."

"Are we going to separate are ways now?" Tumango siya. "If you need to change your identity, alam mo na ang gagawin pero mas better na si Freya ka muna at may mga impormasyon ka na tungkol sakanya." Inayos ko yung combat boots na suot ko at hinarap siya. "Hope this shit works." Nilabas ko yung eyeglass na binigay ni Yuki for information na makukuha ko kapag pumasok ako. Sinuot ko siya at halos maduling ako habang nag a-adjust yung mata ko sa salamin.

"We better go." Tinanguan niya ako at aalis na sana siya nang lingunin niya ulit ako. "Be safe and don't make a mess kid." Nainis ako ng bigla niyang binanggit yung kid. So, iniisip nya bata pa ako ha?! Fuck him!

After 30 seconds nang nakapasok siya sa mismong building ay kailangan ko nang sumunod. Bawal kaming magkasabay dahil magkaiba ang card na hawak namin at hindi naman nakalagay don na close si Rob at Freya kaya kailangan naming mag ingat kapag magkasama kami.

Taas noo akong naglalakad papuntang main entrance kahit deep inside medyo natatakot ako dahil napapalibutan ako ng mga Aparigue mafias. "Good evening, madam." Bati nung security guard na doble pa ang size sa isang average body ng wrestler. Babatiin ko din sana siya buti na lang naalala ko, hindi masyadong sociable si Freya.

Kaharap ko na ngayon ang isang pintuan na gawa sa bakal at nakakatense lang dahil maraming guards sa side ko. Shit. Pano pumasok dito?! Maya maya lang may biglang lumabas na images sa eye glass na suot ko. As the images flash, kinuha ko agad yung ID ni Freya at tinapat sa scan.

"Record not found, invalid ID. Please try again." Nagulat ako sa sinabi pagkatapos ko iscan yung ID. Na-aware agad ako sa mga titig sakin ng security guards dahil feeling ko susugudin nila ako ng wala sa oras. Dahil kapag two errors na ang nakuha ko ay mag a-alarm ang main system ng building at bala agad ng baril ang abot mo. Ganon sa lahat ng houses maski samin. "Ma'am Freya, kailangan nyo ba ng tulong? "As Freya, titignan lang nya siya at hindi sasagot kaya ganon ang ginawa ko. Huminga ako ng malalim at pinalangin na this time sana gumana na. Dahan dahan kong nilapit yung hawak ko sa RF ID card reader. After 5 seconds nagsalita na yung machine.

"Good evening, Freya. Welcome to Black Night. You may now enter." Sa wakas. Akala ko hindi siya gagana. Whoooo. Kinakabahan ako don lalo na napapalibutan ako ng security guards. Fuck that ID. Pumasok agad ako nang bumukas yung pintuan. Hinahanap ng mata ko si Van kahit alam kong mas mataas ang hawak nyang profile ngayon. Sa huli, tinigil ko na rin ang paghahanap sakanya. Baka nga wala dito yon. Mabuti nang sundin ko na lang yung sinabi ni Van kanina habang nasa barrier palang kami.

"Pagpasok na pagkapasok mo, hanapin mo muna yung room mo. It's located on 5th floor. Sa may kanan bandang gitna. Basta hanapin mo yung color ng card na hawak mo. After that, i-open mo yung chat box na tinuro ko sayo to discuss some matter. Did you get it?"

Nakisabay ako sa lakad ng ibang black nights sa loob ng house. Hindi ko pa masyadong kabisado dito kaya mabutu nang makisabay na lang dahil kapag nagtanong ako, bunyag agad ang identity ko na isa akong outsider. Dumiretso ako sa elevator nila at halos nakaka tense ang atmosphere sa loob dahil sa kasama ko ngayong babae na pulang pula ang suot pati ang labi. Dalawa lang kami sa loob pero ang bigat ng atmosphere na dala niya. Pakiramdam ko isa siya sa malalakas ang card na hawak dito.

"Are you not going to greet me, 18? How rude." Sabi nung babae na sa tingin ko ngayon ay si Andrea.

18.

Number siya ng letter R sa English alphabet.

Tinignan ko siya pero nakatingin lang siya sa pintuan ng elevator. "Oh, what do I expect to you Freya?" She roll her eyes at tumingin na siya sakin ngayon. "See you later." Bumaba na siya ngayon sa 3rd floor. Wait, 3rd floor? Weird. She holds the orange card kaya dapat nasa mataas na floor siya. Bakit nasa 3rd floor na ngayon?

Hinahanap ko yung room na sinabi ni Van. At luckily, nahanap ko naman agad. Ako lang pala mag isa sa room. Inayos ko agad yung mga bugs na kailangan ko para sa mamaya. Kinuha ko yung laptop at tinype na yung code na sinabi ni Van sakin. Medyo nahihirapan pa akong alalahanin dahil hindi naman kasi talaga siya ganon kadali pero buti na lang nakapasok agad ako sa chatbox namin.

Van: I'm here. Tapos na ako maglagay ng bugs sa base. Wala akong nahanap but I'll recheck it later. Ikaw?

Maeri: Kakapasok ko palang sa room ko. Now, let's stick to the plan. Pupunta ako sa red main council. Nakasama ko kanina si Andrea sa elevator and she said 'see you' so satingin ko talaga kailangan ko pumunta sa meeting.

Van: We only have 10 hours left. Gawin mo na lahat ng pwede para makuha yung file but don't make a mess.

Maeri: Okay. I'm ready.

Van: typing...

Agad kong sinarado yung laptop ng may narinig akong katok sa pintuan ko. "Sino yan?" Hinanda ko yung dagger nang biglang pumasok ang isang babae na may ngiti sa kanyang labi.

"Found you."

RuledWhere stories live. Discover now