002 🐎

35 2 0
                                    

Ding-dong ding-dong

"MGA HYUNGS! OPEN DIS DOR NA! WHERE HERE NA! YUHUUU!"

Seokmin's Pov

Nagmadali akong tumungo sa pinto at binuksan ito. Buti na lang talaga at dumating sila boo, kasi kung nagkataon di ko alam kung anong sasabihin ko sakanila. "Hi jeonghan hyung! Hello sa inyo pasok na kayo dali." Sabi ko sa kanila pagkabukas ng pinto. Ngumiti naman sila at pumasok na din. "Boo? May sasabihin ako sayo, tara?" Tumango naman siya at pasimpleng sumunod sakin.

Habang naglalakad kami palabas ay biglang may tumawag samin."Seok! Boo! San kayo pupunta?" Tawag ni jisoo hyung. Lumingon naman kami at nagulat ako dahil kumpleto sila, ay hindi pala. "May sasabihin daw kasi si seokmin eh" sabi ni boo, bumuntong hininga naman ako. Napansin naman nila yun kaya lumabas din sila.

"May problema ba seoks? Nag-away ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni jeonghan hyung. Umiling naman ako at tinignan sila. "Guys! Bat nandyan kayo sa labas? Pasok na kayo? Mag uumpisa na ang party!" Sigaw ni cheol hyung. "Hinihintay niyo ba sila hao? Papunta na daw sila kasabay niya sila hansol at dino. Tara na!" Dagdag niya. Lumapit naman sila jeonghan at jisoo hyung sa kaya at kinausap sandali.

"Ano ba problema seoks? Parang balisa ka na ewan nung binuksan mo yung pinto eh. May nangyari ba?" Tanong ni boo, tinignan ko lang siya tsaka nag umpisa maglakad palabas ng gate nila hosh. Nagulat naman ako ng may biglang tumapik sakin. "Tara? Pahangin muna tayo? Sabi ko kay cheol na bibili tayo ng drinks kasi nakalimutan natin. Pumayag naman siya, pwede mo sabihin samin habang pumupuntang 7/11" sabi ni jisoo hyung, ngumiti naman ako at nag umpisa na kaming umalis.

Hay naku seokmin! Ayusin mo nga sarili mo. Ang tahimik nila oh tss. "Ah hyung, ano kasi-" "Tungkol ba kay jihoon?" Putol ni jeonghan hyung, tumango naman ako. "Sabi na nga ba, ano ba nangyari?" Tanong ni boo, "Ganito kasi yan, kagabi may nagchat sa dummy account ni hoonie hyung. Di ko kilala kung sino." Sabi ko, pinakita ko sa kanila yung convo para malaman nila, naka kunot yung mga noo nila habang binabasa yun.

"Seoks, may gusto to kay jihoon, halata masyado." Sabi ni jisoo hyung. "Kaya nga, buti di ka nagpakilala sa tunay mong pangalan, tsaka henlin? Wala naman kaming kilalang ganyan, bukod dun sa stall na laging tinatambayan ni kwan na ganyan din ang pangalan wala na." Sabi ni jeoghan hyung. "Iniisip ko din kasi na baka pag awayan pa naming dalawa to eh. Alam naman natin na stress din siya sa org, sa producing tapos dadagdag pa ako?" Sabi ko sa kanila, binatukan naman ako ni boo tsaka tumigil sa paglalakad.

"Oy seoks! Di makitid utak ni jihoon hyung no! Maiintindihan niya naman yun, tsaka tama naman ginawa mo eh." Sabagay may point siya. Di ko na muna sasabihin sa kanila yung nangyari kanina. Nakadating na din kami sa 7/11 habang namimili sila ay biglang nag vibrate yung cellphone ko.

Ice Prince

6:00 pm
Sorry seoks kanina.

Okay lang yun hyung,
Wala ka namang kasalanan eh
[Sent 6:02 pm]

6:02 pm
Kasalanan ko, di ka sana nila pagtutulungan kung di kita inasar

Wag ka sakin mag sorry hyung, sa kanya ka magsorry. Baka kasa malaman niya eh.
[Sent 6:02]

Ayoko pa namang nag aaway kami.
Nandyan na ba sila chan?
[Sent 6:04]

6:10 pm
Kakadating lang nila, hinahanap ka nga eh. Wag kang mag alala, tinext ko naman si chan na wag masyadong maingay tungkol sa inyo.

6:20 pm
San na kayo? Kanina pa namin kayo hinihintay, kakadating lang ni jihoon dito. Mukhang badtrip.

Nasa gate na kami, haba kasi ng pila sa 7/11 eh.
[Sent 6:25]

Sige, ako na bahala sa kanya.
Salamat pala hyung.
[Sent 6:26]

Pagkabukas namin ng pinto ay bumungad samin ang 6 na taong ready na ready na magwalwal at tatlong taong tahimik lang na nakaupo sa sofa, si wonwoo hyung, chan at ji hyunh. "Gays and gays! Were here na. Cheol hyung! U help me naman para makapag syart na tayo whoooo!" Sabi ni boo, ewan ko ba dito. Minsan tama ang grammar kadalasan laging mali. Kinuha naman ni cheol hyung yung mga pinamili namin. Sumama sila jisoo hyung sa kanya para makapag umpisa na. Susunod din sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"SEOKMIN HYUNG!" Hindi pala tawag, kundi sigaw habang tumatakbo palapit sakin. "Seokmin hyung, namiss kita." Sabi ni dino sakin, natawa naman ako atsaka ginulo ang buhok niya. "Oo na, nasa bahay iniwan ko muna. Bukas ko na lang ibibigay sayo. Binobola mo pa ako ha? Hahaha." Sagot ko naman sa kanya, nagulat naman ako ng tumahimik sa paligid. I mean, sila cheol hyung tumigil sa paglalakad tapos yung mga kasama ko nung hindi pa dumadating sila jisoo hyung.

"Dino? Kailan pa kayo naging close ni seoks?" Tanong ni jun, tinignan ko naman si dino na nakatingin din pala sakin. Eto talagang batang to. Di manlang gumaya sa kapatid haha. "Ah, ganito kasi yun. Di ba anak siya ni jeonghan hyung? Napapadalas kasi pagbisita ng batang yan dun eh. Ayun, kinausap ko hanggang sa maging close kami." Sagot ko. Magsasalita pa sana sila ng magsalita si ji hyung.

"Ano? Magtatanungan na lang ba kayo hanggang mamaya? Uuwi na lang ako kung ganun." Aalis na sana siya ng higitin ko pabalik yung braso niya. Nagulat naman sila sa ginawa ko, kahit ako nagulat din. Magsasalita sana si hoshi ng biglang magsalita si jeonghan hyung "Tara na guys sa kusina? Ayusin na muna natin tong mga dinala namin para makapag start na tayo. Cheol? Tara na kayong lahat dun." Salamat hyung haisyt, hinila naman nila sila hoshi. Pero di ko naiwasang makita ang pagdududa sa mata ni hoshi at pag alala sa mata nila wonwoo hyung. Aish, ano ba tong pinasok ko. Ng mapansin kong kami na lang ni hyung ay tinignan ko lang siya. Nakatingin lang siya sa gilid habang nilalaro ang dulo ng damit niya.

Bumuntong hininga muna ako atsaka hinawakan ang kamay niya, nagulat naman siya at tatanggalin sana ng mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanya.  "Hoons, may problema ba?" Simpleng bulong ko sa kanya, tinignan niya lang ako atsaka bumuntong hininga. "Usap tayo mamaya? Tara na sa kusina, nandun na sila boo. Baka maubusan tayo ng pagkain baboy pa naman yun hahaha" sabi ko sa kanya, nakita ko naman siyang ngumiti kaya kinurot ko yung pisngi niya. "Mashaket yeom, ansho bwa. Hahampwasin kisha nyang gwitara. Iswha!" Inis na sabi niya habang tinatanggal yung kamay ko. Tinawanan ko naman siya at unti unting tinanggal yung kamay ko. I really love this man, simpleng actions niya lang napapangiti na ako.

Yayayain ko na sana ulit siya na pumuntang kusina ng nawala siya sa likod ko, napansin kong may kinukuha siya sa likod ng sofa, ng makuha niya yun, lumapit siya sakin at ngumiti ng matamis. Huhuhu tangina hoonie, kinikilig ako.

"I love you dk."

Boogsh

"SEOKMIN HYUNG!"

"SEOKS OKAY KA LANG?"

"JI ANONG NANGYARI!"

"BAKIT HAWAK MO YANG GITARA MO?"

"SEOK HYUNG? BAKIT MAY BAKAT NG GITARA YUNG PISNGI MO"

"SHIT HYUNG! BUHAY KA PA BA?"

"DINO! WAG KANG MAGMURA!"

Pakiramdam ko nasa langit na ako. Ramdam ko pagmamahal ni hoonie sakin tangina. Damang dama ko. Pero i love you too hihihi.

"Seoks"

"Hyung"

"Hala, nawalan ng malay si hyung"

"Shit."

💎💎💎
Not proofread. Feel ko ang fail nito kaso love ko svt eh .lovelots ♡
-Ujiji

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anti-Seokhoon || SOONHOON||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon