001 ⭐

36 2 0
                                    


Hosh is feeling angry 😡
5 minutes ago 🌎

Tandaan mo! Hindi bagay ang Hayop at tao hmmp. Kami ang bagay okay? KAMI!

👍😂😡138   7 comments   share 

Jisoong
Sino na naman yan ha? Sumama ka nga sakin sa linggo!
Angel Hoon
At saan naman ha? Si hoshi na ba? Huh?
Jisoong
Sa church kasi hoon. He's not respecting God's creation. Ily❤
Angel Hoon
Okie. Ilyt 😍❤

Junjun
Dyusko dito pa sa comment section naglandian yung dalawa. Hoy Mingming! Sino kaaway nitong walang mata na to?

Boo Suman
Seoktut Ano na naman ginawa mo? Alam mo namang iba magtampo yan! Ahahaha
Seoktut
Ako na naman? Wala nga akong ginagawa dyan eh. Diba Hosh hyung?

Hosh
Wag niyo nga akong bwisitin lalo tss.
Load for more comments...

Logging out...

Pagkatapos kong mag log out ay binato ko yung cellphone ko. Sino ba kasi siya para sabihin na boyfriend niya si jihoon? Eh sa pagkakaalam ko hindi nagpapaligaw yun. Arrgh! Napasabunot na lang ako sa sobrang inis ko.

Manonood na sana ako ng anime ng biglang tumunog yung doorbell. Punyeta, padabog akong lumapit sa pinto habang iniisip kung sino yung pindot ng pindot ng doorbell. "Eto na! Ano ba! Wag mo ngang gawing laruan yung doorbell namin! Ngayon ka lang ba nakakita ng doorbell kaya pindot ka ng pindot!" Pagkalapit ko sa pinto ay dali dali kong binuksan para makita kung sino yun.

"Hoy tenten! Buksan mo tong pinto punyeta ka! Yung polo ko naipit! Huhuhu buksan mo na to dahil hindi lang ako ang pupunta dito sa bahay niyo! Hoy TENTE-"

"OO NA PUNYETA KA! MANAHIMIK KA LANG!" Binuksan ko na yung pinto para manahimik tong kabayo na to. Sinarado ko kasi ulit nung makita ko yung pagmumukha niya,Bwisit kasi. Naaalala ko sa kanya yung kachat ko kanina. Mabilis naman siyang pumasok at inaayos yung mga pagkaing binili niya. "Para san yan? Kung alam ko lang sana na may dala kang pagkain kanina edi sana di na kita sinaraduhan ulit" sabi ko sa kanya habang pasimple kong kinukuha yung isang slice ng pizza.

"Patay gutom ka talaga hoshi! Ano ba WAG MONG KAININ YAN!  HINTAYIN NA MUNA NATIN SILA ANO BA HOSHI"

"OO NA WAG NO LANG AKONG SIGAWAN SA TENGA DAHIL HINDI AKO BINGI!" Binalik ko naman yung pizza at pumunta sa salas para manood ng tumunog na naman yung doorbell. Sino na naman to? Tss. Bubuksan ko na sana yung pinto ng itulak ako ni seokmin kaya napaupo ako.

"Hoshi hyuung! Were r u? Yuhoo~"

"Hosh? Wala na ngang mata di pa magpakita"

"ANO BA? WALA BA KAYONG BALAK TULUNGAN AKO HAH?" Sagot ko sa kanila. Dali-dali naman akong tinulungan ni jun, pagkatayo ko ay basta basta na lang nila akong iniwan at dire-diretso sila sa kusina kung saan inaayos ang mga pagkain.

Sinarado ko ang pinto at sumunod sa kanila. Ano bang meron? Tinapik ko si cheol hyung na busy sa pag aayos ng mga paper plates at cups. "Cheol hyung? Anong meron? Bakit madaming pagkain? Anong icecelebrate? Yung tuli ka na at di na supot?" Tanong ko at bigla naman akong sinapak ni hyung. "M-manahimik ka soonyoung! TULI NA AKO MATAGAL NA! DI AKO SUPOT NO!" Sigaw niya, nagsitawanan naman sila wonwoo dahil sobrang pula ng mukha ni hyung, isa na siyang namumulang gilagid HAHAHAHAHA ANG BAD KO.

"So, bakit nga kayo pumunta dito sa bahay? Celebration? anong meron?" Tanong ko ulit. Ngumiti naman si cheol hyung at inayos muna yung huling paper plates bago magsalita. "Ngayon kasi ang 1st anniversary ng club natin, naisip ni seokmin na dito na lang sa bahay niyo ganapin yung celebration."

"Eh hyung, di naman ako president ng org ah? Bat dito sa bahay ko? Anong silbi ng bahay mo kung di naman gagamitin?" Inis kong sabi, kagigil kasi. Ginawang venue bahay namin."Alam mo namang nirerenovate yung bahay namin diba? Di rin pwede kila seokmin dahil alam mo naman yung nangyari last time." Paliwanag niya, pero kasi. "Sige, kung ayaw mo sa iba na lang. Jun, won! Ligpit niyo ulit yan, lipat tayo sa iba." Madramang sabi niya, inaayos naman nila ulit. Kaso bigla na lang may nagsalita. "Cheol hyu-" Putol na sabi ni seokmin. "B-bakit kayo nagliligpit? Di pa naman tapos yung celebration ah? Di pa nga nagsstart eh" dagdag niya.

Bumuntong hininga naman si cheol hyung "Ayaw kasi ni soon eh, kaya hanap na lang tayo ng iba. Nakakahiya din naman kasi" nakatingin si cheol hyung sakin, halatang malungkot. Tangina, ako na naman masama? "Anla hyung? Lagot tayo kay hoo- I mean kay jihoon hyung, May dala pa namang gitara yun. Baka mahampas tayo tss." Sagot ni seokmin, "Bakit? Anong meron kay jihoon?" Tanong ko, tangina si bebeboii yun eh. "Si jihoon kasi nag suggest na baka pwedeng dito na lang ganapin yung celebration at si seokmin naman ang nagbigay ng idea. Di ka ba niya tinext?" Sagot ni Wonwoo hyung. Tinignan ko sila, Lumaki yung singkit kong mata nung na realize ko kung ano yung sinabi ni wonwoo hyung. "T-tinext ako ni ji? Seryoso? Wala ata akong narecieve?" Gulat kong tanong.

"Huh? Eh tinext ka daw niya kagabi? Check mo kaya ulit?" Sabi ni jun. Dali dali ko namang tsinek kaso wala eh. "Alam mo ba number niya?" Tanong ni cheol hyung habang kinakalikot niya yung phone niya. "Yun na nga hyung eh. Hindi ko alam" nakayukong sabi ko sa kanila.

"ANO? PUNYETA SOONS! ISANG TAON NA TAYONG MAGKAKASAMA PERO NUMBER NI JI WALA KA? "

"HOSH? SERYOSO KA? VICE PRESIDENT YUN NG ORG PERO DI MO ALAM?"

"YOUR DEAD KWON SOONYOUNG TSK."

"KASALANAN KO BANG DI KO ALAM HUH?" Sigaw kong pabalik sa kanila, pero may naalala ako. "022 ba huling number ni ji?" Tanong ko, titingnan palang nila jun ng magsalita si seokmin, "Yup, 022 huling digit ng number niya. Bakit?" Tinignan naman siya ni cheol hyung. "Bat mo memorize?" Oo nga, bat niya memorize, ay gago inulit ko lang tanong ni hyung sa isip ko hahaha. "Ah, wala." Sagot niya at umiwas ng tingin. "Asus, crush mo si ji no?" Biro ni wonwoo kay seokmin ng nakangisi, Anong me- "Anong meron? Crush mo si vice ji seokmin?" Tanong ni jun, ang galing namin para kaming may telepathy ahahaha. "Ah eh, di ba pwedeng close lang kami ni hyung?" Sagot ni seoks, edi- "Edi, lagi kayong nagkakatext? Kasi memorized mo number niya eh" Sabi ni cheol hyung, Di naman mapakali si seokmin, magsasalita sana ulit si hyung ng sumabat na ako. "Punyeta ano ba? Lahat ba ng sasabihin ko sasabihin niyo ulit?" Tumahimik naman sila kaya nagsalita ulit ako. "Balik sayo seoks, so bakit nga memorized mo? Totoo ba na crush mo si ji?" Bumuntong hininga naman si seokmin, magsasalita na sana siya ng

Ding-dong ding-dong

"MGA HYUNGS! OPEN DIS DOR NA! WHERE HERE NA! YUHUUU!"

Nagmadaling umalis si seokmin at pumunta sa salas para buksan ang pinto.

"Tangina boo seungkwan,Tangina talaga."


💎💎💎

Not proofread!

Please be aware na may mga inappropriate words dito like this book is composed of 75% na may mura and vulgar words  may kajejehan at malalnding salita na di angkop sa mga batang 18 and below. Pero kung gusto mo basahin, wag niyo akong sisisihin pag nawala pagka inosente niyo chaar. Yun lang lovelots♡~

-Ujiji

Anti-Seokhoon || SOONHOON||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon