"I think I like you"
"I think I like you"
"I think I like you"
"I think I like you"
"I think I like you"
Paulit ulit ang mga salitang yon sa utak ko. Kahit anong gawin ko eh yun pa rin ang naririnig ko
Kinabukasan
"Thyra! Nakikinig ka ba!!!" Sigaw ni Lilia
"Ha?"
Kasalukuyan akong naglalakad kasama si Lilia
"Hay naku tinamaan ka na nga, sinasabi ko na nga ba!! Sige wag kang iiyak iyak diyan"
Umiling iling sya sakin
"Basta sinasabi ko sayo magingat ingat ka!!!"
Bumuntong hininga sya pagkatapos ay pumasok na sya sa section nya ganun na din ang ginawa ko.
Pagpasok ko ay agad kong nakita si Ace na nakatingin at nakangiti sakin, umiwas ako ng tingin sa kanya at umupo sa silya ko
"Hey"
Hindi ko sya pinansin hindi ko alam kung bakit pero iniwasan ko sya
"Thyra"
Binuksan ko ang libro ko at nagkunyari magbabasa at hindi narinig ang sinabi nya. Umupo sya sa isang upuan sa harap ko at humarap sya sakin. Nanlamig ang kamay ko paimple simple akong sisilip silip sa kanya at nakatitig sya sakin
"Thyra"
Hindi ko sya pinansin. Nung sisilip uli ako ay nagtagpo ang mga mata namin pinipigilan nya tumawa kaya agad kong itinago ang mukha ko
"Thyra"
Hinawakan nya ang librong hawak ko. Tumingin ako sa kanya na para bang naiirita
" hindi mo mababasa ang libro ng baliktad"
Naramdaman kong naginit at namula ang pisngi ko binaba ko ang libro na hawak ko at tumingin sa kanya
"Bakit ba?" Naiiritang tanong ko sa kanya
"Oh nahiya ka pa! Haha!"
Lalong namula ang pisngi ko sa sinabi nya
"Finally pinansin mo na din ako"
Ngumiti sya na para bang nangiinis pagkatapos ay binuksan nya ang bag nya at may kinuha
"Oh! Para sayo!"
Inabot nya sakin ang isang red rose sabay kinindatan ako
"Ace"
"I like you and i decided to court you"
Gulat na gulat ako sa sinabi nya
"Uyy!" Sabay sabay na sabi ng mga kaklase kong lalaki
Tumingin ako sa kanya at ngumiti sya na nakakaloko at saka kumindat sakin. Nakita ko naman na nagbubulungan yung mga babae kasabay pa nito ang pagwalkout ni Jessa. Feeling ko sasabog ang puso ko ng mga panahong iyon kaya agad kong kinuha ang bulaklak at para maiwasan ang mga titig sakin ay agad akong lumabas ng classroom at pumunta sa rooftop mas gusto ko kasing mag-isa.
"Ano ba tong pinasok ko?"
Narinig ko ang mga yabag na palapit sakin.
"Ace?"
Ngumiti sya at umupo sa tabi ko
"Nahiya ka ba sa kanila"
"Bat mo kasi ginawa yun?!"
BINABASA MO ANG
Reunion
RomanceNaranasan mo na bang mapahiya!! Lalo na sa harap ng napakaraming tao..? Nasaktan at gustong makaganti??? Meet Thyra!! Nasaktan, Umiyak at Maghihiganti. .. Sumumpa sya sa harap ng mga kabatchmate nya na pagkatapos ng sampung taon ay magiging successf...