CHAPTER I

2 1 0
                                    

April 25, 2018. Sa loob ng opisina, kinakabahan ako habang naka-upo kasama ang ilan pang mga babae na nag-a-apply sa isang international resorts and casino sa SBMA.

Mula sa probinsya ay sinadya ko talagang pumunta dito sa Maynila, sa kagustuhang magka-trabaho. Crucial ang araw na'to dahil ngayon malalaman kung sino ang mata-tanggap sa trabaho. Katabi kong naka-upo ang iba pang babae na parang pina-balik rin para sa final interview.

"Sana lang matanggap tayo," react ng isang babae sa kanan ko.
Matinis ang boses niya at mukhang palangiti.

"For final interview karin?" tanong nito sakin

"Oo." tipid na sagot ko.

Medyo na-i-inggit ako sa kanya. kasi edukada siya sa kanyang pag-galaw at sa pag-da-dala ng damit. Hindi katulad ko na parang manang na manang kumilos. Pag-ka-kapal ng mukha ko nalang itong ginawa kong pag-a-apply. Sana lang hindi ako tingnan sa looks ko, kungdi sa talent.

"Ako nga pala si Ashley Tia Olarte. You?"- Ashley

"Angel Joy Villanueva," tipid na sagot ko.

"Hindi ba kayo kinakabahan?" sabi ng isa pang babae sa kaliwa ko.

"Ano bang hindi? Sobrang na-te-tensyon nga ako, eh. Mabagsik daw yata ang interviewer,"-Ashley

"Sana lang pag tayo na ang ini-interview ay babait siyang bigla."

"Oo nga tama ka. Anong name mo?" tanong sa kanya ni Ashley

"Lealyn Patricio."

"Siya si Angel, and I'm Ashley," pagpapakilala ni Ashley

Super friendly si Ashley. Parang ang daling makaga-anan ng loob. Nag-uusap na kaming tatlo ng mapansin kong patingin-tingin ang katabi ni Ashley sa amin.

Parang gustong sumali pero parang napapa-hiya. Pero na-hagip ito ng tingin ni Ashley at binati ito.

"Ikaw, Miss? for interview karin?"- Ashley

"Oo."

"Anong name mo?"- Ashley

"Joannah Marie Catingob."

Buti nalang tinanong ni Ashley si Joannah. Para kasing gusto nya ng maraming kausap nang mga oras nato. Sobrang nakaka-tensyon talaga kasi. Nakaka-takot baka di kami papasa sa interview. 

"Sana lang ay matanggap tayong lahat."- Ashley

"Ano ba ang ina-applyan niyo?" tanong ni Leah

"Card dealer."- Leah

"Ako rin, ganyan." react ni Ashley

"Pare-pareho pala tayo." react naman ni Joannah.

"eh, ikaw?" tanong sakin ni Leah.

"Secretary." matipid uli kong sagot.

"Wow! buti nalang at magka-kilala na tayo. Wish ko lang ay tayong apat talaga ay maging magkakasama." umiikot ang matang sabi ni Ashley.

Marami nang na interview. May pumasa, may hindi. Maya-maya ay tinawag na si Joannah. Puro kami kinakabahan. Paglabas ni Joannah, para kaming correspondence na hindi nagsi-sihinga sa tindi ng kaba.

"What happened?"- Ashley

"Tanggap ka ba?"- Leah

"Mahirap ba ang interview?"- ako

Sunod-sunod na tanong namin kay Joannah. Seryoso lang si Joannah, parang maiiyak.

"Don't tell us na..."- Ashley

Hate at First sightWhere stories live. Discover now