HELL UNIVERSITY
Isang mapa'y natagpuan
Ng mga magkakaibigan
Kanilang pinaginteresan
Kaya ito'y pinuntahanTagong paaralan
Kanilang natuklasan
Sa gitna ng kagubatan
Hell University ang pangalanHindi saklaw ng gobyerno
Nagpapatakbo'y mga demonyo
Patayan doon, patayan dito
Kaya estudyante'y nagkakaguloBawat kwento'y may mali
Sekreto'y laging ikinukubli
Panahon ma'y lumipas
Subalit nakaraa'y kailanma'y 'di kukupasSUPREMO ang pangalan
Presidente ng paaralan
Batas niya'y kinatatakutan
Ng mga studyanteng pinamumunuanZEIN SHION
Kay SUPREMO'y nagkaroon relasyon
Nagpabago ng desisyon
Sa mga nakalaan niyang misyonFormula ang hinanap
Kaya patayan ay naganap
Na siya ring nagpahirap
Simula noon hanggang sa hinaharapPagmamahalan ng dalawa ay wagas
At walang katumbas
Kamatayan ma'y kumakaripas
Sa pagtakbo'y 'di aatrasDalawang GANG ang nabuo
PAKO ang naging simbolo
Kaya kamataya'y isinakripisyo
Matupad lang nakatakdang planoKulungan ang naging daan
Isang sekretong lagusan
'di alam ng karamihan
Dark Hell Jail ang pangalanPag- ibig ang naging pundasyon
Sa buhay na puno ng aksyon
Dahil sa mga sumabog na rebelasyon
Tiwala ang naging centro ng kanilang relasyonTagumpay ay nakamit
Na tila ba'y isang mahirap na pagsusulit
Hirap man ang sinapit
Kalayaan nama'y kapalit.
BINABASA MO ANG
HELL UNIVERSITY (TULA)
PoesiaTula para sa nag- iisang KnightInBlack ng mga Babies niya ^_^