Throwback 👶

0 0 0
                                    

Wyne's POV

Noong mga bata pa kami ni Girly palagi na talaga kaming magkasama kahit pumasok na kami sa paaralan magkasabay pa rin kami . Nung kindergarten kami, palagi kaming hinahatid sundo ng mommy namin ni Girly. Iisa lang ang service namin ni Girly kasi napag pasyahan ng mommy ko na yung sasakyan na lng namin ang gagamitin. Medyo malayo rin kasi sa bahay namin yung paaralan namin.

" Madz, sabay na tayo sa paghatid ng anak natin sa school nila at yung sasakyan na lang namin yung gagamitin natin. " ani ni mommy.

" Oh sige madz mabuti na kung ganon para palagi na silang magkasama. " sabi ng mommy ni Girly.

Sa narinig namin na pag uusap ng mommy namin ni Girly eh, tuwang tuwa kami kasi hindi talaga sila papayag na maghiwalay kami ni Girly.

- Sa sasakyan -

Girly's POV

Nakasakay na kami ni Wyne sa sasakyan nila patungo sa paaralan namin. Hinihintay na lang namin yung mama ko at mommy ni Wyne.

" Good Morning Girly 😊 " bati ni Wyne sakin at hinalikan ako sa pisngi. Nagulat naman ako sa ginawa ni Wyne at binati ko na rin siya . Hindi rin ako nag papahalata na nagulat ako .

" Good Morning din sayo Wyne 😊 " at hinalikan ko rin siya sa pisngi para fair kami . Medyo nakaramdam ako ng kakaibang feeling nun pero hindi ko alam kung ano kasi nga bata pa lang kami at immature pa kami . Binalewala ko na lang yun.

Makalipas ang ilang minuto at nakasakay na sina mama at mommy ni Wyne sa kotse at nag simula nang umandar yung sasakyan . Yung mommy ni Wyne ang nag mamaneho at yung mama ko naman yung katabi ng mommy ni Wyne. Kami ni Wyne nasa likuran kami naka sakay at magkatabi kami.

Tahimik lang yung biyahe namin. Ni isa sa amin ni Wyne walang nag sasalita . Binasag ng mommy ni Wyne ang katahimikan namin at pina tugtug ang radio sa kotse. Maganda yung kanta na galing sa radio. Hindi parin maalis sa isipan ko yung kakaibang feeling na nararamdaman ko kanina nung hinalikan ako ni Wyne.

" Mga bata pa lang kami at bakit nakaramdam na ako ng ganoong kakaibang feeling ? " tanong ko sa sarili ko pero hindi ko binigkas kasi baka marinig ako ni Wyne, sa isipan ko lang .

Mayamaya habang nag iisip ako eh, ginulat ako nitong isang mokong na to na nasa tabi ko . Walang iba kundi si Wyne .

" Uyy Girly ? ano iniisip mo ? kanina ka pa tahimik diyan ah ni hindi mo ako kinakausap . May nagawa ba akong mali o may nasabi ba akong masama na naka pag pasakit sa iyo ? sabihin mo lang Girly at hihingi ako sayo ng tawad. " sabi ni Wyne sakin na kinakakilig ko naman . " Bakit ba ako kinikilig ? Concern lang naman siya ? " tanong ko ulit sa sarili ko .

" Ano ka ba naman Wyne ! nagulat naman ako sayo. Okay lang ako uyy.  Wala lang ako sa mood ko makipag usap At tsaka wala kang kasalanan o nagawang mali . "

Ngiti na lang ang sinagot sa akin ni Wyne at makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin kami sa paaralan namin .
-------
Magkasama naming tinungo ni Wyne ang classroom namin. Sa classroom, magkatabi kami ni Wyne at nasa unahan kami naka upo. Yung mommy namin ay nasa labas lang naghihintay hanggat matapos yung klase namin .

Normal lang din yung klase namin kagaya ng iba. Discussion, Activity , Test at Homeworks pagkatapos.

Wyne's POV

" Bakit kaya nag iba ang mood ni Girly ngayon ? parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maintindihan . Ngayon lang siya nagkaganyan. Pag nasa sasakyan naman kami madaldal yang si Girly eh. Parang hindi nga siya maubusan ng topic . Pero ngayon anong nangyari sa kanya ? " tanong ko sa sarili ko . Hinayaan ko na lang siya hanggat nakarating kami sa paaralan namin kasi nga sabi niya kanina wala siya sa mood niya makipag usap kaya inintindi ko na muna siya. Kasi baka pag nangungulit ako mapapagalitan ako nun. Medyo may pagka masungit pa naman yun na hindi mo maintindihan ugali.

Pagkatapos ng ilang oras sa classroom natapos na din yung klase namin. Medyo nakakaboring din, nakakaantok wala masyadong ginagawa eh . Kaso hindi na lang ako natutulog kahit naaantok ako kasi magagalit si Girly kasi daw kelangan kong makinig para may matutunan ako . Hehehe . Ang sweet talaga ni Girly at concern pa sakin.  Yan yung gusto ko sa kanya. 

Pagkatapos ng klase namin dumaan muna kami sa mall at kumain at naglaro sa palaruan. Halfday lang kasi yung klase namin kasi nga kinder pa kami .

At iyon, pagkatapos naming kumain at maglaro, napagpasyahan na naming umuwi kasi pagod na rin kami ni Girly sa kakalaro nami dun sa palaruan.  Buti nga at nanumbalik ang dating Girly na nakilala ko . Nasa mood na siya kanina . Ang saya saya talaga namin . Masaya ako kapag kasama ko si Girly . Makasama ko lang siya masaya na ako at kompleto na araw ko .

P.s : Sorry my dear READERS sa late update . Busy lang kasi si AUTHOR niyo eh. Pag pasensyahan niyo na . Sana maintindihan niyo.

Nagustuhan niyo ba ang storya ? Sorry kung hindi gaano kaganda ang story, first time ko pa lang magsulat ng ganitong story eh. hehe pero pagsisikapan kong pagandahin para sa inyo 😁

DONT FORGET TO VOTE, LIKE, COMMENT my dear baby 😘 Thank you .

- AUTHOR 💕

Once tasted always WANTED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon