Girly's POV
Lumipas ang mga araw, buwan, at taon at ganoon pa rin kami ni Wyne. Palagi parin kaming magkasama at magkasabay patungong paaralan . Unti-unti na rin kaming lumalaki at nagkaka mature na rin kami. Kaya na naming mag isip ng mabuti at mag desisyon ng para sa aming sarili. Hindi na kami kagaya noon na kami pa ay mga bata na kailangan pa namin ng gabay ng mga magulang namin kung ano ang dapat naming gawin . Ngayon na lumalaki na kami, nag iiba na rin kami . Ni minsan hindi talaga kami nagkahiwalay ni Wyne kahit nagkatampuhan at nag aaway kami, ilang minuto lang bati na kaagad kami. Ganun namin kamahal ang isat-isa bilang magkaibigan. Magkaklase pa rin kami ni Wyne hanggang high school at magkatabi pa . Yun na kasi ang nakasanayan namin . Meron nga yung isang pangyayari nung kami ay grade 6, may nagkagusto sakin kaklase rin namin ni Wyne ang pangalan niya ay Mark.
" Hi Girly :) pwedi ba kitang kausapin saglit ? " sabi ni Mark sakin. Narinig ito ni Wyne at biglang tiningnan niya si Mark. Nagpaalam naman ako ni Wyne.
" Uhhm, Wyne ? Okay lang ba sayo kung kakausapin ko lang si Mark ? May sasabihin lang kasi siya sakin . " pagpapa alam ko naman kay Wyne kasi baka magalit yun at sabihan pa akong naglalandi na ako sa edad kong ito.
Tumango lang si Wyne at nginitian ko lang siya bilang sagot.
Pumunta kami ni Mark sa gilid ng classroom namin at nag usap. Walang ibang tao doon kaya makaka pag usap kami ng maayos nito.
" Girly ? ano kasi ... hmm.. pano ko ba to sasabihin sa iyo .. hmm .. nahihiya ako ehh " nauutal na sabi ni Mark.
" Sooos ! ayan ka na naman eh. Palagi ka nalang nahihiya sa akin. Ano ba yun ? Sabihin mo na . Sige ka pag hindi mo pa yan sasabihin matatagalan talaga tayo dito at baka pupuntahan tayo ni Wyne dito. " pag e-encourage ko kay Mark
" Ano ba kasi yun Mark ? " medyo inis na tono ko.
" Kasi Girly matagal ko nang dapat sabihin sayo to pero nahihiya ako . Ngayon lang ako nakaramdam ng lakas ng loob sabihin sayo to. GUSTO KITA GIRLY. MAY GUSTO AKO SAYO. " pagtatapat ni Mark.
Pagkasabi na pagkasabi ni Mark nun, biglang tumigil yung pag ikot ng mundo ko at parang nabingi ba ako . Tama ba yung narinig ko na gusto ako ni Mark ? Pero maya maya dumating pala si Wyne at mukhang narinig niya yung sinabi ni Mark sa akin kasi tiningnan ni Wyne si Mark ng masama at biglang hinablot ni Wyne yung kamay ko at hinatak ako papuntang likod ng classroom namin. Medyo nagulat ako dun haa.
" Wyne ? ano ba ginagawa mo ? Bakit bigla bigla ka na lang sumusulpot ha ? Bitawan mo ko Wyne . " pagpupumiglas ko sa kaniya kasi parang feeling ko kinakaladkad niya na ako eh.
At parang wala siyang narinig ni isang katiting sa mga sinasabi ko at patuloy niya parin akong hinahatak .
Pagdating namin sa likod, dun na ako binitawan ni Wyne.
" Ano ba sumapi sa katawan mo Wyne at ginawa mo sakin yun. Parang hindi mo ako kaibigan ah . Kung makahatak ka naman parang hindi ako babae ! " medyo galit na sabi ko kay Wyne.
Tahimik pa rin si Wyne at nakatitig pa rin siya sa akin.
" Oh ? bakit hindi ka na maka imik ngayon ha ? pinag sisihan mo na ba yung ginawa mo sakin a while a go ? " tanong ko kay Wyne.
Tahimik pa rin siya. Medyo galit na rin ako sa kanya sa ginawa niya kanina . Ikaw ba naman hatakin ng malakas tapos hindi iimik kapag tinatanong. Nakaka buwesit ! Ang ginawa ko lang ay umalis at iniwan ko siya doon mag isa sa likod .
Wyne's POV
Pagkatapos mag paalam sakin ni Girly na kaka usapin niya saglit si Mark eh biglang nakaramdam ako ng kakaibang feeling para bang bigla akong nagselos and at the same time natakot na baka liligawan ni Mark si Girly at pumayag naman si Girly kaya minabuti ko na lang na sundan sila kung saan sila mag uusap. Pagdating ko sa may bandang gilid ng classroom namin, nakita ko silang nag uusap kaya nagtago ako doon sa poste . Hindi ko sila gaanong naririnig . Pero nung parang naiinis na si Girly dahil siguro hindi straight to the point si Mark eh nalakasan kunti ni Girly yung boses niya at nabigla si Mark kaya napalakas din yung pag kasabi ni Mark sa mga gusto niyang sabihin kay Girly. Natahimik sila ng kunti kaya doon na ako nagkaroon ng timing na hilain si Girly palayo kay Mark at hindi ko na alam kung saan dadalhin si Girly kaya doon na lang sa likod ng classroom namin . Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at kung ano tong nararamdaman ko kay Girly. Hindi ko rin alam kung ano ang idadahilan ko kay Girly kapag nagtanong siya kung bakit ko yun ginawa sa kanya kaya mas mabuting tahimik na lang ako. At yun nga wala ni isang salitang lumabas sa bibig ko nung parang galit na si Girly sa akin . I feel guilty for what i did . Parang feeling ko wala akung respeto kasi bigla akong sumingit sa pag uusap nila na pumayag naman ako kay Girly. Kaya pagkatapos nun, nabigla na lang ako ng umalis si Girly sa harapan ko baka bumalik na siya sa classroom namin kaya bumalik na rin ako . Pagdating ko sa classroom namin, nakita ko si Girly na naka panglumbaba kaya tumabi ako sa kanya at hindi niya ako pinansin . Lumipas ang ilang oras at uwian na . Hindi parin ako kinakausap ni Girly :( . Na una na rin si Girly lumabas ng classroom . Kaya sinundan ko kaagad siya. Nakita ko siyang naglalakad sa highway at nag iisa kaya sinundan ko siya at kinausap.
" Girly ? Sorry. Sorry sa mga nagawa ko kanina hindi ko kasi alam kung ano gagawin ko eh nung narinig ko yung sinabi ni Mark. Para bang medyo nakaramdam ako ng kakaibang feeling . Hindi ko naman sinasadya yun eh, parang nadala lang talaga ako sa emosyon na nararamdaman ko . " patuloy kung sabi kay Girly . Hindi siya umiimik at patuloy parin siyang naglalakad.
" Girly ? Sorryy na uh ! Patawarin mo na ako . Concern lang naman ako sayo kanina eh kasi alam mu naman yung ugali ni Mark. " pagkukumbinsi ko parin kay Girly . Medyo natahimik rin kami saglit at naghihintay ako sa sagot ni Girly. Pagkaraan ng ilang minuto, nag salita muli si Girly . Kaya tumigil muna kami sa may eskinita
" Wala ka namang kasalanan Wyne eh, medyo nainis lang ako sayo kanina kasi bigla ka na lang sumusulpot at hindi ko alam kung ano gagawin mo sa akin . Nung tinatanong naman kita hindi ka naman umiimik . Naiintindihan kita Wyne na concern ka sa akin. Okay lang yun . hehe napapatawad na kita . " sunod-sunod na sabi ni Girly kay Wyne .
Sa pagkasabi ni Girly nun, nabigla ako at parang naluwagan yung feeling ko . Para bang na bunutan ako ng isang tinik . Magaan na yung pakiramdam ko ngayong okay na kami ni Girly. Nang dahil sa nabigla ako , bigla kong niyakap si Girly at hinalikan sa pisngi .
" Thank you talaga Girly :) tunay talaga kitang kaibigan . I love you Girly "
Nabigla naman si Girly sa mga sinabi ko sa kaniya pero hinayaan niya lang ito kasi sa isipan niya normal lang yun para sa kaniya pero para sakin especial yun at parang nadedevelop na ako kaunti kay Girly.
P.s : Hii there my dear Readers 😊 how was your day ? sorry late update lang . Sisikapin ko pong maka pag update ng 2 story everyday para sa inyo . Thank you 😘
DONT FORGET TO VOTE, LIKE , COMMENT AND SHARE my babies 😘
- AUTHOR 💞
BINABASA MO ANG
Once tasted always WANTED
RomanceHey there my dear READERS 😊 ang storyang ito ay RATED SPG ( Striktong Patnubay at Gabay ) 😛 kung sakali mang hindi kayo open minded at hindi nyo kayang magbasa ng ganitong stories, so you better cancel and remove this story from your library. Plea...