-Max-
Kano, tawag ka ni mam Joan. Sabay ngisi.
Mukhang nangangati nanaman eh.
Tinapik pa ako nito sa balikat.
Tang'na tanghaling tapat magpapakamot nanaman ang matandang yun?
Ge pre tapusin ko lang to. Sagot ko sa pagitan ng pagnguya.
Dali dali ko nang tinapos ang pagkain at naghugas.
Di na ako nagsipilyo pa tutal di hamak naman na mas mabango ang hininga ko kesa sa amoy ng matandang yun.
At tulad nga ng inaasahan, pikit mata akong nagpakasasa maghapon.
Gustuhin ko man labasan agad ay hindi ko magawa. Nakakawalang gana kasi ang ungol baboy nito.
Oh... Hinagis nito ang isang sobre habang humihithit ng yosi.
Ngumiti pa ito ng nakakaloko.
Mukhang hihirit pa ang matandang to ah.
Sige, ma'am Joan uuna na ho ako. Dali dali akong bumalik sa tinutuluyan namin at naligo.
Sinigurado kong nasabo't nakuskos ko mabuti ang parteng 'yun'.
Mahirap na mangamoy laway ng matandang yun.
Gabi na ng maisipan kong silipin ang laman ng sobre.
Limang libo. Malaki laki na naman ah. Mukhang nagenjoy ito ng husto.
Sabagay, sino ba naman ang di mageenjoy sa mahaba't malusog na alaga kong ito?
Napapangisi pa akong kinuha ang susi ko at binuksan ang lumang kaha na pinagtatabihan ko ng pera at nagsimulang magbilang.
84.
Huh?!
Walumpo't apat na libo na ang naiipon ko?!
Parang kamakailan lang ay nasa singkwenta lang yun ah.
Ngiting ngiti akong nahiga para matulog.
Halos di pa din ako makapaniwala na makapagtatabi ako ng ganoon kalaking halaga.
Nagbunga na din ang sobra kong pagtitipid sa sarili ko makapagtabi lang ng pera.
Hinigit ko ang garter ng suot kong shorts at sinilip ang suot kong bri'efs. Lumang luma na ito at may konting malilit na butas.
Lima lang kasi ang meron ako.
Bukas ay maglalabas ako ng konting pera para sa sarili ko tsaka na ako maghahanap ng panibagong matutuluyan para sa pagsisimula ko ng bagong negosyo.
------
Ikaw lang nakita kong foreigner na barok magenglish ah. Hirit sa akin ng pinakamalapit na kasamahan kong si Rudy.
Ga'go. Natatawa tawa na din ako.
Wag nyo kasing pansinin. Pag yan nahiya...
Tae'nas kano umiingles ka na?
Baka may pinopormahan na yan si boy kano...
Patuloy pang nagkantyawan ang iba naming kasamahan.
Kanina pa kasi ako nagpapractice mag ingles dahil kakailanganin ko iyon sa pagsisimula ko ng maliit na negosyo.
Wala pa akong pinagsasabihan niyon.
Hindi pa sa ngayon.
Tsaka na pag may kaya na akong patunayan.
Oy kano bihis na bihis tayo ah. San ba lakad natin? Si Toto kilala bilang si Mang Kanor. Pinaka walang patawad pagdating sa chix. Basta may butas, may ligaya.
Nang minsan nga'y pati poste ay tinira nito dala ng sobrang kalasingan.
Dyan lang. Itinaas ko lang ang kamay ko bilang pamamaalam.
Di na naman ito nangulit.
-------
Naglalakad na ako noon papunta sa sakayan ng jeep dala ang mga pinamili ko nang isang babae na lang ang biglang lumapit sa akin.
Pinipilit ko aninagin ang mukha nito sa dilim pero tanging ang mga mata lang nito ang naaaninag ko.
Halos di ito kumukurap pagtitig sa kabuuan ko.
Medyo nailang na ako kung kaya't nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Excuse me miss... Nilagpasan ko na ito.
Ganun na lang ang gulat ko nang bigla ako nitong niyakap sa likuran.
Sh'it! Nahulog ang mga plastic bag na dala dala ko.
Dadamputin ko na sana ang mga 'yon nang dali daling humarap ang babae sa akin at hinawakan ang magkabilaang pisngi ko.
John... Nanaginip na naman ba ako? Yumakap uli ito't isinubsob ang mukha sa dibdib ko bago tuluyang umiyak.
Para naman akong natuod sa kinatatayuan ko.
Kung kanina akala ko ay baka isang hostess ito na baka naghahanap ng customer, ngayon ay parang nabura lahat ng iyon.
Ni wala akong ideya kung sino ito. Pwedeng kasabwat ito ng isang sindikato o kung ano pa man at ako'y isang uto-utong target pero di ko alam kung bakit di ko ito maitaboy. Ang alam ko lang, napalambot nito ang puso ko.
Pinilit ko ulit aninagin ang mukha nito sa dilim pero di ko talaga makita.
P-please don't ever leave me again.... Patuloy lang ito sa pagiyak.
Malaki galit ko sa mga babae. Dahil lahat sila mga manggagamit. Mga manloloko. Mga walang kakuntentuhan. Mga walang kwenta.
Pero hindi ko alam bakit wala akong makapang galit sa babaeng ito. Sa isang estrangherong babaeng ito.
Sa halip ay parang nasasaktan akong madinig itong umiiyak.
Tinapik ko dahan dahan ang likod nito.
T-tahan na...D-dito lang ako. Yun ang mga katagang lumabas sa bibig ko na di ko alam paano lumabas bago nito siniil ng halik ang labi ko.
~thechinitaqueen
------
A/N:
Pls. do vote. THANKS!
BINABASA MO ANG
Devastated Man
RomanceI've been in pain for years. All I ask is to be at peace even in the last remaining years of my life. Isa lang naman ang gusto ko. Ang hindi na bumalik sa nakaraan... From living a miserable life. It is the only reason behind my success. I prayed...