The First Encounter

140 1 0
                                    

**SASA's POV**

Last na lang at maha hack ko na ang account ng taong crush na crush ng best friend ko!

Hindi ako masamang tao at wala akong masamang binabalak sa account niya.. gusto lang ng bestfriend ko na friends sila sa Facebook.

Ewan ko ba kung ano 'ng plano ng best friend ko... at ewan ko rin kung ano ang nagustuhan niya sa lalaking ito! 

Tiningnan ko ang profile picture niya at kung sinu - sinu lamang na mga babae ang kasama! Don't get me wrong, curious lang ako kung sino itong Ferd na ito.. Okay? 'wala na mang may sabi ng kung ano ah!', sabi ng konsensya ko... haizt! -,-

Tapos na! Oh yeah!

LUNES.

School time, big time! Ewan ko ba kung ano ang nilihi ng mama ko sa akin... Gustong gusto ko na pumasok sa klase.

Marami nagsasabi na weird daw ako kompara sa normal na estudyante. Ang sarap kayah ng feeling! Napakarami mo'ng matututunan sa loob lamang ng isang araw! And take note, nakaupo ka lang!

As usual, maaga na naman ako. Wala pa gaanong mga tao sa school. Tanging mga nagpa - practice ng basketball court lamang ang makikita mo. 

Papunta na ako sa locker ko ng may makabunggo sa akin.

"ouch!" at talagang napahiga pa ako sa laki ng katawan niya ha! 

"Sorry miss. Nagmamadali kasi ako eh. Sorry talaga! Okay ka lang?" tanong ng ewan ko kung engot o nag - eengotan.

Kung siya kayah ang pahigain ko sa sahig! grrr... Pero, dahil likas na mabait ako, madali ako magpatawad.

"Okay lang." sabi ko ng nakayuko pa rin.

"Sorry talaga. Sige mauna na ako." tumatakbo siyang umalis. 'Nagmamadali nga!' sabi ko sa sarili ko.

Paglingon ko sa tinakbuhan niya. May nakita akong parang resume. Sa tingin ko sa kanya iyon. Nahulog niya siguro dahil sa pagmamadali kanina. Kinuha ko at binasa... 

Ferdinand Salvatore.

Teka, saan ko nga ulit nabasa ang pangalan niya? Ay ewan! Tinago ko ang papel para maibigay ko kung sakaling makita ko siya ulit.

LUNCH BREAK.

Dito ako nakaupo sa pinaka - gilid at pinakatahimik na lugar sa buong canteen. Nakahiligan ko na kasing magbasa habang kumakain. 

Hindi nagtagal tumabi na sa akin ang taong pinakahihintay ko - ang bestfriend ko. 

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?" bungad ko sa kanya. Malapit na kasing matapos ang lunch break pero hindi pa siya kumakain.

"Nagpunta pa kasi ako sa computer laboratory. And I'm sooooo thankful sayo bestfriend" sabi niya sabay yakap. At alam ko na kung bakit. tsss... friends na kasi sila ng crush niya sa Facebook. Ano nga ulit pangalan 'non? Ferds? Whatever..

"Alam mo namang gagawin ko lahat para sa'yo eh. Sige na, kumuha ka na ng pagkain mo. Malapit ng mag - bell. Baka hindi ka makakain." pagtataboy ko sa kanya.. Ang ingay eh.

"Ay! oo nga!" kita mo na? Ng dahil sa crush na iyan. Nakalimutan na ang meaning ng lunch break. 

Bumalik si Keshia na may dalang pagkain. Katatapos ko lang kumain ng parang biglang nag - freez si Keshia sa kinauupuan. Nakatingin lamang siya sa likod ko. At dahil likas sa akin ang pagiging curious, lumingon ako. 

Nakit ko na papalapit ang parang pamilyar na tao. Tama! Eto iyong crush ni Keshia. Teka, bakit parang papalapit siya sa table namin? May gusto rin siya sa bestfriend ko? 

Pero may mali eh! Nakatingin siya ... sa akin? 

He's Dating A ProgrammerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon