Chapter 4 Master and Servant

3 1 0
                                    


"Yuegene? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko with shock na galit reaction.

Actually kagabi, napanaginipan ko rin siya na hinalikan niya raw ako. So EWWWW !! Ayaw ko sa kanya.

Sa lahat ba naman ng tao siya pa? Kahapon, Sinira niya ang BUONG araw at gabi ko tapos ngayon may lakas loob siyang magpakita sa harapan ko. Kapal talaga!!

Umupo si Yuegene sa tabi ko at inilagay sa harap ko ang dala niyang breakfast para saakin. Nasa tray yung breakfast at may stand ito.

Sasampalin ko na sana siya pero hinawakan niya ang kamay ko at napigilan niya ito.

"Teka lang. Kumain ka muna." Sabi niya.

"Papano ako kakain eh nandito ka at bakit ka ba talaga nandito?" at inalis ang kamay sa kanya. Hindi ko siya tinignan ng deretso sa mata. Galit kasi ako.

Huh ! kinalimutan niya ba ang ginawa niya saakin? O sadyang may amnesia lang talaga ang mayabang na ito?

"Nasa resort tayo ng pinsan ko." Sabi niya.

"Saan?" Tanong ko.

"Paraiso del mar beach resort."

Paraiso del mar ! Diba ito yung party kagabi na ginawang miserable buhay ko. GOSH! Kaya pala ako pinagtripan ng mayabang na to dahil party yun ng pinsan niya. Ginawa niya yung opportunity para paglaruan ako -_-

Ahhh!!! Muntik ko na ring nalimutan. Kung siya lang ang nandito... "Sino ang pumalit ng damit ko?"

"Tinawagan ko yung mga babaeng nagtatrabaho dito at promise wala akong nakita." Sabi niya.

Dapat lang ! Masisira dignidad ko kung mangyayari man yun at baka hindi na rin ako makakapag-asawa.

"Oh baka gusto mo ako yung nagbihis sayo." dagdag niya na natatawa.

"In your dreams." Sabat ko tapos biglang may silence sa aming dalawa

"Sorry sa ginawa ko sayo." Sabi ni Yuegene tapos inilagay ang kanyang mga kamay sa pisngi ko at ipinunta sa direction ang mga mata ko sa kanya.

"Patawarin mo ako." Dagdag niya with puppy eyes.

Ang cute niya tignan pero hindi ako magpapadala sa puppy eyes effect mo. "Hindi mo ako mauuto." At inalis ang kanyang kamay saakin.

Hindi na ako magpapauto sayo. *Cross arms*

"Hindi mo nga ako mapapatawad." Sabi niya at yumuko na naghihingi ng sorry.

"Talagang hindi. Pinahiya mo ako." Sabi ko.

"Gagawin ko lahat ng gusto mo sa araw na to basta patawarin mo lang ako."

Totoo ba ito o nananaginip lang ako? Sampalin ko nga mukha ko *Pak* medyo masakit. Isa pa *Pak* "Aray!" masakit yun.

"May kinain or ininum ka bang lason?" Tanong ko.

"Wala naman."

Wala naman pala. So totoo nga ito. Mukhang sincere naman sorry niya at sabi niya gagawin niya lahat ng gusto ko.

Past is past and never to be discuss.

"Sige na. Pinapatawad na kita."

"Salamat. Anong gusto mo ipapagawa saakin?" Sabi niya na parang nabuhayan ulit.

Ano kaya? Hmmm.... Gusto kong magpakasaya ngayon kasi bad mood ako kahapon at last day na ng holiday. Gusto ko pumunta sa carnabal.

"Gusto ko maging master mo sa araw na ito at pupunta tayo sa Enchanted Kingdom."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Beautiful SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon