Chapter Two

132 5 0
                                    

Phoebe's POV

Kadarating lang ng kotse ni Dan-dan sa university namin. Mas matanda siya sakin ng 2 years since 17 ako siya 19 naman kaya may license na siya. Back to the topic. Tiningnan ko ung relo ko ng makitang maaga pa naman at hindi pa time para sa first subject ko. Lumabas na ko sa kotse ni Dan-dan.

"Woiii Dan-dan sabi ni mommy sayo daw ako sasabay pag uwian na." Sabi ko sa kanya at naglakad na papalayo sa sasakyan niya. Nang di pa ko gaanong nakakalayo may naramdaman akong umakbay sakin at alam na alam ko na agad kung sino ito. Kinurot ko ung kamay niya at narinig kong napadaing siya sa sakit dahil sa pagkurot ko.

"Aray naman Leni sakit nun ah bat ka ba nangungurot?" Sabi ni Timothy sakin isa sa mga kaibigan ko.

"Diba sabi ko sayo na wag na wag mo kong aakbayan alam mo namang di ako sanay na may umaakbay sakin eh." Naiirita kong sabi sa kanya

"Weehh baka sa iba di ka sanay pero kay Joax okay lang na inaakbayan ka ayiiiieeee." Panunukso niya na may kasamang sundot sa tagiliran ko at dahil dun naramdaman kong namula ang pisngi ko alam niyang may gusto ako sa kaibigan niya. Si Joax ang tinutukoy niya.

"Nung isang beses umamin siya sakin na gusto niya rin ako Timothy kinikilig ako kada naalala ko ung pag amin niya sakin." Kinikilig kong pag amin sa kanya. Sino ba naman di kikiligin kung inaya ka niyang magdate kayo tas dadalhin ka niya sa lugar na puro bulaklak.

"Bat di ko alam to Fifi?" Nagulat ako kay Dan-dan bigla bigla ba namang susulpot sa usapan.

"Ano ba naman yan Dan-dan bat ka ba nanggugulat?"

"Naglilihim kana ba sakin Fifi? Ano ganyanan na tayo lihiman ganun?" Naiinis niyang sabi at biglang nag walk out.

"Anyare dun kay Enricson?" Nagtatakang tanong ni Timothy.

"Di ko din alam Tims. Hayst" Nagtataka rin ako sa inaasal ni Dan-dan

"Tara na nga Leni baka malate pa tayo sa first subject natin. Mamaya na lang natin problemahin si Enricson sa ngayon pasok muna tayo sa class." Tumango ako sa sinabi ni Timothy. Mamayang uwian kakausapin ko na lang si Dan-dan since sabay naman kami uuwi ngayon.

Pumasok na kami sa first subject namin ng sabay ni Timothy. Pero habang naglalakad kami papuntang classroom di ko maiwasan na isipin si Dan-dan bat kaya nagkaganun un? Parang baliw daig pa babaeng may mens eh. Aisht!

"Yow Thy! Ah h-hi Phoebe"

"Supp Joax! Nako nako una na nga ko mainggit pa ko eh hayy"

"Hi Joax" nakangiti kong bati sa kanya

"Pupunta na kayong room?"

"Ah oo eh"

"Hatid na kita nauna na si Thy eh"

"Uhm sige hehe"

"Free ka ba sa saturday Phoebe? Ayain sana kitang lumabas eh"

"Free naman ako. Papaalam na lang ako kay mommy"

"Sige text or tawagan na lang kita sa saturday ah"

"Sige Joax"

"Hoyy! Tama na yang labing labing na yan nasa room na oh" sigaw ni Tims na nakaupo na sa pwesto niya.

"Manahimik ka diyan Timothy at baka iuntog kita!"

"Hahaha ang cute mo talaga magalit Phoebe" sabay kurot sa pisngi ko. Enebe Joax merepek eke ehe!

"Tse! Hahahah sige na pasok na ko" papasok na sana ko ng hawakan niya bigla braso ko.

"Sabay tayong maglunch mamaya ah? Hintayin kita"

"Sige"

Binitawan na niya braso ko at nakangiting kumaway sakin nang mawala na siya sa paningin ko pumasok na ko sa room at umupo na sa tabi ni Tims. Eto namang katabi ko panay ang tusok sa tagiliran ko na akala mo babae kasi kinikilig.

"Naks may pag hawak pa sa braso ah!"

"Enebe!"

"Harot mo ghourl ah"

"Minsan lang eh"

Natawa na lang kaming dalawa sa kabaliwan namin pareho. Tumingin ako sa room at nagtaka ng wala si Dan-dan dito. Asan na kaya ung kupal na un?



Loving you is wrongWhere stories live. Discover now