"This Story IS NOT True-TO- Life..
isang araw, nagkakilala sina anthony at si Jhenny sa isang papublikong eskwelahan sa san jose. sila ay laging kasama tuwing reccess, lunch break at uwian. minsan, palagi sila nag uusap patungkol sa anime, japanese pop (or J-POP) at japanese culture.
Minsan ay masayang masaya si jhenny kapag nakikita niya ang mga anime character sa totoong buhay sa isang anime page sa facebook.
"Best, Balang Araw, makakapunta ako sa anime convention sa maynila at isusuot ko ang paborito kong anime character." wika ni Jhenny.
Tuwing Break time, Dalang-dala ni anthony ang portable DVD player kasama ang Bagong anime na binili lang sa isang bangketa malapit sa paaralan. sila ay nanonood ng anime kasama si jhenny at naghanda ng street food na tig limang piso.
"Best, gusto kong magsuot ng cosplay ni sakura (ng naruto)." sabi ni Jhenny.
"Bakit?"
"Best, Para Feeling Nasa Anime World Ako". Sabi Ni Jhenny
Lumipas ng Ilang minuto...
"Best.... Salamat Sa Lahat". Sabi ni Jhenny. Biglang natulog Si jhenny sa balikat ni anthony.
Ilang Buwan ang nakalipas, nagtapos na sa hyskul sina anthony at si jenny sa kanilang graduation. bago siya umalis, nangako si anthony kay jhenny na ipupunta siya sa isang malaking anime & Cosplay convention sa maynila at isusuot ang pinapangarap niyang cosplay ni sakura. umiyak si jhenny at niyakap ng mahigpit bilang pasasalamat.
Nag uusap Sina anthony at Jhenny sa chatroom hanggang sa hindi na sila nag uusap dahil sa busy sa trabaho at schedule sa kanilang college life.
Makalipas ng ilang taon, bumalik si anthony na may dalang Cosplay Costume para kay Jhenny. gusto niya i supresa sa kanilang bahay pero....
walang Tao sa Bahay Ni Jhenny. Lumapit ang isang kapitbahay at nag tanong.
nagulat si anthony sa sinabi ng kapitbahay.
"Wala Nang Tumira sa bahay nyan, mga 3 buwan na ang nakalipas na may trahedya nangyari sa bahay yan. pumasok ang magnanakaw, ninakaw ang pera at gamit at na pinasamantalahan si....jhenny? ...oo tama. si jenny." wika ng kapitbahay.
napaluha si anthony sa sinapit ni jhenny. tinanong kung nasaan si jenny ngayon, kaso walang nakakaalam kung nasaan na siya. binksan niya ang fb at hinanap ang fb account ni jhenny pero na deactivate.
bago umalis si Anthony, nakita niya ang sulat... sulat ni Jhenny sa pader ng bahay.
"ANTHONY-KUN, Gomenasai......Domo Arigatou gozaimasu......Aishiteru." -Jhenny
**THE END**