Carol's POV
Taena. Natatae ako. Pano ba naman kasi kinakabahan ako habang nakapila sa labas ng office ng CEO dito sa company na inaapplyan ko. Natatae ako sa kaba, pucha, parang literal na talaga akong natatae. Pinagpapawisan ako ng malamig. Di maipinta ang mukha ko.
"Miss, okay ka lang?" Tanong nung nakasunod sa akin. Tumango ako, kaya nag aalangang sumang ayon nalang yung babae.
Nasa pangalawa na talaga ako sa pila, lumingon ako sa likuran ko at nanlaki ang mata ko na ang dami pa palang nakapila. Talagang in demand talaga ang trabaho bilang secretary, ganito ata talaga sa pinas.
"Next!" Sigaw nung nag aasikaso sa amin. Pumasok na yung babaeng nasa unahan ko.
Ito na talaga... Pagkatapos nung babae, ako na, ako na ang susunod. Jusko, aircon pa naman ang office ng CEO baka mautot na talaga ako ng tuluyan dahil sa kaba. Pero inisip ko nalang ang pamilya ko, sila ang source of energy ko. Wait tama ba? Energy or confidence. Ay, energy ata yun.
Ito talaga ang main reason ng problema ko, minsan nagiging makakalimutin ako. Required pa naman dito na dapat alert ang pag iisip.. Pero sana pag sakaling matanggap ako ay hindi ako aatakahin sa pagiging makakalimutin. Mukhang kailangan ko na atang uminom ng memory plus.
"Next!" jusko, di ko namalayan na ako na pala! Takte
Huminga ako ng malalim. Aja! Fighting.
Binuksan nung assistant ang pintuan ng office, at pumasok na ako sa loob. Brrr... masyadong malamig. At tahimik. Nakayuko lang ako habang dahan dahang naglalakad patungo sa harapan ng CEO's table.
Tumikhim muna ako bago nagsalita, "G-good m-morning s-ser." Nauutal kong sabi, habang nakayuko pa rin, nanginginig ang kalamnan ko at hinawakan ng mahigpit ang resume ko. Na halos malukot ko na ang mga papeles.
"Chill." Malamig na sambit ng CEO.
Dahan dahan akong tumingala kanya, at nagtama ang mga mata namin. Napatulala ako sa taglay nitong kagwapuhan, pero mukhang masungit.
"Maupo ka." utos niya. Kaya umupo nalang din ako. Tumingin muna ito sa akin, bago binuksan ang folder ng resume ko.
Tinignan ko ang mukha niya, kung anong magiging reaksyon niya habang binabasa niya ang resume ko, takte, kinakabahan talaga ako. Pero, hindi dapat ako magpapahalata.
"Annabele Sanchez..." sambit niya sa pangalan ko. Nagtaka ako kung bakit biglang nanlaki yung mata niya na parang nagulat. May mali ba sa resume ko?
"S-ser?" Kinakabahang tanong ko. Pucha, hindi pa man din ako na interview mukhang marereject na kaagad ako neto.
Nakatitig siya sa akin ngayon, may kung anong emosyon na nakikita sa mga mata niya, hindi ko lang matukoy kung ano. Napaiwas ako ng tingin sa kanya, dahil nakakailang. May iba sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.
"W-wala." Umiwas na din siya ng tingin sa akin, napabuntong hininga siya at umiiling.
Nagtataka ako sa mga kinikilos niya, kanina naman hindi masyadong awkward yung atmosphere. Tapos simula ng mabasa yung pangalan ko parang may nag iba, ang weird.
"So you want to apply as my secretary. Sa tingin mo, bakit kita tatanggapin?" Seryoso niyang tanong, nakatitig siya sa akin ngayon at hindi ko mabasa ang reaksyon niya.
Napalunok nalang ako, parang nagsisisi ata ako kung bakit nandito ako. Dahil kasi sa kapatid ko, sinugod siya sa hospital kamakailan dahil tinamaan siya ng dengue. At hindi namin alam ang gagawin kung saan kami kukuha ng pambayad sa bills ng hosptal at para na din sa mga gamot niya. At since wala ng choice at ako lang naman ang nakapag college sa pamilya kaya sinunggaban ko nalang ang pagkakataong ito.
Lumunok muna ako bago nagsalita, "Uhmm... Karapa't dapat ak---" hindi ko na natuloy ang sinabi ko ng magsalita siya.
"In english only please."
Takte! Kahit nakapag college na ako, medyo slow pa rin ako sa english. Oo, nakakaintindi ako ng english, yung malalalim pa nga. Pero kapag nasa ganitong sitwasyon na ako, parang mabubulol ata ako.
"A-ahhh ehh...
BINABASA MO ANG
Timeline
FantasíaSa panahon ngayon, uso na ang social media lalong lalo na ang facebook. Sapagkat, ginagamit natin yan para makapag communicate sa mahal natin sa buhay. Pero, ibahin mo ang babaeng bida nato. Ayaw niyang gumamit ng facebook, although meron naman siy...