Chapter 17

19 1 0
                                    


Nasa tapat na ako nang boutique ng puro cellphone at inaantay  na lamang dumating si Angelo. Lintik lang ang tagal magreply at ang tagal ding dumating ng lalaking yon a? masyadong pa VIP. Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-(fun) pop ito.

Michael Angelo Reyes :

I won't go. Si Gelou pinapunta ko diyan. ( w/ angel and devil emoticon)

You :

You want to die?

Michael Angelo Reyes :

:P

Napasabunot ako sa sarili ko at nagpalinga-linga. Shit! Paanong siya? Bakit siya? Ugh! Angelo! I kill you!


Gelou POV

Nakahiga ako habang nagcellphone nang biglang magchat si Reyes. Psh! Kaklase ko pala ang player na yon? Barkada namin yon dati nong dito pa siya nakatira malapit samin, madalas nakakalaro namin yon nang basketball pero simula nang lumipat sila ng tirahan malayo saamin ay di na kami nagkakasamang magbabarkada.

Michael Angelo Reyes :

Bro,samahan mo ko bibiling bola sa mall. Dali dali!

You :

Bakit ako?

Michael Angelo Reyes :

At 7:pm.Wag maraming tanong :)

You :

Psh. Libre mo ba sa pagkain?

Michael Angelo Reyes :

Pagkain lang pala? Tiyak may pera yon don ka nalang magpalibre.

You :
Ha?

At kahit naguguluhan ay nag-asikaso nadin ako ,tumingin ako sa orasan ko at mag-aalasyete na nang gabi. Simple lang ang sinuot ko basta all black. Tapos!.

Ilang oras bago ako makarating sa Mall na pagkikitaan namin, pero kunot nuo akong nagpalinga-linga ng wala parin siya. 7:22 na? Nasan na yon?

Nag-online ako at ni-chat siya.

You :

San kana?

Michael angelo typing...

Michael Angelo Reyes :

Sa boutique ng mga cellphone ka pumunta :)

Kumunot ang nuo ko at napasapo sa aking batok.

You :

Akala ko ba bibili ka nang bola? Ba't nandiyan ka?

Michael Angelo Reyes :

Someone's wait you there .

You :

Sino?

Michael Angelo Reyes :

The unexpected girl that you don't want to see.

Ikaw ha? Naglilihim kana? Kong di pa banggitin sakin ni Jolou di ko malalaman. Wahahahaha! Btw enjoy!

Papasama sana siyang magbili ng new phone sakin kaso ikaw nalang sumama sakanya.


Pa-cool naman akong pumunta patungo sa boutique ng mga phone, langya sino bang babae yon? Sinong—aishh! Bwisit si Jolou ano nanaman kayang pinagsasabi niya kay  Reyes? porke mas close sila ganito na ginagawa nila sakin.

Sana naman wala akong nasabing kong ano kay—Fuck!

" Di nga? Iisa lang talaga sila? Ibang klase!" Manghang-mangha na sabi ni Jolou saakin nang ikwento ko sakanya yuong mga pangyayaring nalaman kong si Thania at yung Thania na nakakachat ko ay iisa lamang.

" Oo nga. Nakakainis!" Sinuntok ko pa unan sabay bato sakanya

Binalik niya naman pabato saakin yung unan at tumatawa " So paano na? Galit ka sakanya?"

Tiningnan ko siya ng masama " Syempre oo! Pag-antayin ba naman sa wala.Paasa siya!"

Muli at tumawa nanaman ito saakin sabay tapik sa braso ko " Kalimutan mo nalang yon "

" Di basta basta madaling kalimutan yon. Pinaasa't pinag-antay niya ako na parang tanga alam mo ba yon!"

Tumango naman siya " Sabihin na nating mali yung nagawa niya, pero wala rin naman siyang Idea na ikaw at si Gj ay iisa a? Parehas lang kayong may pagkakamali"

Napailing nalang ako nang maalala lahat ng pinagkwentuhan namin ni Jolou .Kabadtrip talaga!

Seryosong tinungo ko parin yung boutique ng cp ng third floor . Nagpalinga linga ako kung saan naroroon ang babaeng nag-iintay daw saakin?

Naglakad pa ako ng kunti tapat na nang entrance papasuk sa mga madaming iba't ibang brand ng phone, nang mapatingin ako sa babaeng nakadress na above the knee and color black and white na stripes. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

Bullshit. Bullshit and more bullshit!

Si Thania?

Pinagmasdan ko lang pumaikot-ikot si Thania at parang di mapakali, hanggang sa mapatingin ako sa binti niya na may nakalagay na malalaking band-aid at bakas sa loob nito na may dugo dugo pa. Napano siya? pakialam ko ba?



Love ChatWhere stories live. Discover now