Chapter 31

22 2 0
                                    


Mabuti naman at naisipan niyang magpahinga kami dahil simula nang magsabay kaming mag jogging kanina akala ko ay di na siya titigil sa kagaganon. Paupo na sana ako sa may batuhan ng pigilan niya ako. Mag rereact palang sana ako kung bakit niya ginawa yon ng inilagay niya ang towel na black sa uupuan ko.

" Para di ka madumihan"

Kinikilig ako. Oo na oo na!

Kinuha ko naman ang tubig ko at i-oopen na sana ng kuhain niya saakin ang bottle. Binuksan niya yun at ibinigay saakin.

" Inom ng marami" sabi niya pa.

Oo man nakakakilig na!

Inilagay ko sa tabihan ko ang bottle at napatingin kay Gelou na siyang nakaupo sa tabi ko at ang inuupuan niya lang ay ang mga damo.

Tumayo ako dahilan para mapatingin saakin " Ah yung towel mo ikaw nalang gumamit"

He shake his head " Di na. Okey lang ako"

Hihigitin ko na sana ang towel niya " Baka katihin ka. Damuhan kaya inuupuan mo"

Muli siyang umiling " Okey lang. Nakajogging-pants naman ako"

Umupo nalang ulit ako at napatingin ulit sakanya na nakatingin pala saakin.

Napasabi nalang ako na ang " Banas!" kaya napatingin ako sakanya ng kinuha niya ang towel niyang isa na nakalagay lang sa balikat niya at pumunta sa likuran ko.

" A-anong gagawi—"

Nabigla ako na may halong kaba nang maramdaman kong ipinapasok niya ang towel niya sa likodan ko, inayos niya ang pagkakalagay sa likod ko non at nagulat ako ng umimik siya.

"Walang amoy pawis ko yan, sadyang naka serve yan para sayo"

Hindi ko alam ang sasabihin at napatulala nalang sa sapatos ko. Shit Hoodie and ahit kilay boy naman. Pero ngayon ko lang talaga narealize na ang habaaaaaaa pala ng code name ko sakanya? Pantanga lang haha!

Umalis na siya sa likuran ko at pumunta naman sa harapan ko. Parehas lang kaming magkatitigan, nakatitig ako sa buhok niyang nakatali which is ang cute cute niyang tingnan dahil bagay sakanya medyo mahaba narin kasi buhok niya at nakatitig naman siya sa buhok kong ahm? Buhok kong gulo -__-

Dali-dali nanaman siyang pumunta sa likuran ko.

" Anong gagawin mo?"

" I just want to tie your messy hair baby"

Baby..

Napahawak ako sa mukha ko at pinaypayan ang sarili. Omygod! Pinag-iinitan ako lalo na nang simulan niyang pag-ipunin ang mga buhok ko.

"Kaso wala akong pantali." sumulpot ang mukha niya sa tagiliran ko habang hawak parin ang buhok kong itinipon niya " May tali ka?"

Itinaas ko nalang ang kamay ko saka niya hinugot doon ang tali kong kulay itim. Matapos niyang talian ang buhok ko hinawakan ko iyun at tumingin sakanya.

" Di ko alam maalam ka palang magtali ng buhok ng babae" at medyo nagulat ako don. Wala kasi sa mukha niya na maalam siya sa ganitong mga bagay

He shook his head and i hear him chuckled " Nanuod lang ako sa YouTube kagabi kong paano gawin yan"

Napaawang ang labi ko na kaagad ko namang itinikom. Ahm ano pa bang sasabihin ko?

"Will you accept my feelings?"

Tumingin ako sakanya. Medyo mataas kasi ang pwesto ng inuupuan ko sakanya kaya siya ang nakatingala sakin ngayon.

I just shrug

"And about sa kiss nagulat ka ba dahil ginawa ko yon?"

Nagsimula nanaman akong pag-initan ng mukha kaya kahit di ako nakatingin sakanya ay tumango ako.

" Di ko kailangan ng tutorial kong paano gawin yon sayo.Pero—pero nagulat ako kasi you kissed me back"

Napalingon ako sakanya. Kiss him back? Talaga?

" Kung ganon..."

Lumuhod siya sa harapan ko at tumitig saakin.

" G-gelou"

Mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya saakin na dahilan upang mapraning ako kong gaano ko kaamoy ang mabango niyang scent at kapag kunting galaw ko lang magkakahalikan nanaman kami.

Gumalaw kaya ako? Yung feeling na ay sorry di ko sadya.  Joke lang yan syempre.

" Kung ganon Aila masasabi ko bang MU tayo?"

Inilayo ko ang mukha ko sakanya. " MU? Malabong usapan?" Sabi ko.

Ngumisi siya at umiling.

" Malabong ugnayan?"

Umiling siya " Wala pa ngang tayo e ,nasa ugnayan ka kaagad?" tatawa tawa niyang sabi.

" Ah baka naman magisang umiibig?"
Napangisi siya at tumitig ulit saakin. Ang lapit lapit na nang mukha niya saakin hindi ba siya nangangalay lumuhod sa damuhan?

" Mag-isa, pero yung hinalikan ko kanina hinalikan din ako . Come on Thania "  tumayo siya at tumingin saakin " You said you like me, pinagbigyan kita sa nais mong huwag kitang guluhin until the final exams was not over. Sinunod ko yon kaya sana naman ako naman ang pagbigyan mo"

" S-saan?"

"Na ligawan kita katulad ng gusto ko ring gawin dati. Pinagpapatuloy ko lang ang gusto kong gawin Thania at yun ay ang mapasakin ka"



A/N : Kung alam niyo lang, na every night ako nag tatype sa kada stories ko saglitan yon as always. Tas tsaka lang i a-update kapag madami dami na para sulid pero bitin parin haha. Oy thank you sa nagreread ngayon♡
Godbless!

Love ChatWhere stories live. Discover now