Warning: Mejo malandi😂. (Uyy.. Yung nagbabasa excited makapunta sa part nayun..😏😂)

-----------------------------------------------------------------

Naih's Pov

Lumipas ang 3 tatlong araw at ngayon ay Sabado na.

Yipiee.. Double date na mamaya.

d^_^b

Ay triple date na pala! Hihihi..

Sabi kasi ni Lau ipapakilala nya na ang girlfriend nya samin. Tapos sabi ko sakto may date kami mamaya kaya sabi nya sabay narin daw sila.

d^_^b

"Tss! Antagal naman nila!"bagot na aniya.

Tch! Kailan pa ba sya ganyan? Ay sabagay nandito na si tan-tan nya.

Biglang may kumatok.. Agad namang tumayo si Zin at pinagbuksan nya ang nagwa-gwapuhang si Deib at Wayne.

"Naih, Zin! Halika na, maggagabi na"ani Wayne. Di pa man ako nakakalapit sa pintuan ay agad ko nang nakita si Zin na nakalambitin kay Deib.

Tch! Mahal na mahal? Clingy eh?

"Halika na Naih."ani Wayne sabay hila sakin.

"Wayne, bakit dati? Si Deib parang di kilala si Zin? Tapos nung pumunta si Lau sa school parang di nya rin kilala si Lau?"takang tanong ko.

"Palabas nya lang lahat yon. Ewan ko ba kung bakit nya naisipan yun! "sabi nya sabay kamot na likod ng ulo.

***

Di na lang kami nag usap hanggang sa makarating kami sa Love Park. Ang park na ito ay para sa mga nagde-date, ang ganda ng buong park. May daanan papunta sa lawa kung saan itinatapon ang susi ng love lock. May rehas na pinagla-lockan ng lock. Yung daanan may hilera ng poste na hugis puso.

Sa kabilang side naman ay may picnican at dun namin nakita si Zin at Deib nakahiga sa sapin na dala namin.

Bakit ba di nagsasalita tong katabi ko?

"Hoy! Mag ingay ka naman!"singhal ko.

"Kailan magiging tayo?"narinig kong bulong nya na nakatulala.

dO.Ob

Nagulat ako sa sinabi nya, pero mas nagulat ako kung san sya nakatingin.

Nakatingin sya sa isang couple na nagki-kiss!!!

Agad kong iniwas ang tingin ko at hinila sya palapit kila Zin, pero bigla nya akong hinila papunta sa entrance at lumabas.

"Hoy san tayo pupunta?!"tanong ko.

"Sa kotse."malamyang aniya.

Anong problema neto?

dO.ob

Hala! Mamaya kung anong gawin neto!

"Nung gagawin natin d-dun?"pinigilan ko ang pagka-utal pero di ko iyon nagawa.

Di nya ako sinagot at hinila na lang papasok sa kotse.

Sinara nya ang pinto sa gilid ko at paniguradong nilock nya yung lahat ng pinto pag pasok nya sa upuan nya.

"Oy Wayne!"tawag pansin ko sakanya.

Tiningnan nya lang ako.. No! Sa labi ko! Sheeeeeeeeeetttt! Anong nangyayari sa kanya?! Hala! Nabuang na! Huhuhuhuhu, help me!

"Sinasagot na kita"pagpapatuloy ko habang nag-iwas ng tingin.

Hindi pa rin sya sumasagot, nakatingin parin sya sa labi ko!

"Hoy ano ba Wayne?! Nahihiya ako! May dumi b-ba?"sabi ko at biglang tinakpan ang labi ko.

Ngumisi naman sya."Meron eh, tanggalin natin."

Di ko sya gets? Kaya ko naman tanggalin ito ng mag isa.

Hinayaan ko na lang sya, tinanggal nya yung kamay kong nakatakip sa labi ko. Hinawakan nya yung chin ko at iniharap sa kanya.

Hinawakan nya ang labi ko gamit ang thumb nya, pero nagulat ako ng nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko, gahibla na lang ng buhok ang agwat namin.

"Tanggalin na natin"aniya habang nakangisi sabay sunggab saakin.

dO.ob

Sheeeeeeeettttt!

Nagmulat sya ng mata, pagkatapos nya akong halikan. Parehas pang nakaawang ng onti ang mga labi namin. Naghahabol ng hininga.

"I love you baby."malambing ang tinig na aniya sabay dinampian uli ako ng halik at bigla syang bumaba.

Umikot sa sa harap saka ako pinagbuksan ng pinto. Hinila nya uli ako papasok sa love park.

King inaaaaa! Di ako makapag-salita. Saan namin nakuha ang ganung eksena? Tch! Mga kabataan talaga ngayon eh no? Maagang namumulat sa kalandian!

Mabilis kaming nakarating kila Zin na sobrang sweet. Napatingin si Zin sakin na parang nagtataka.Leche! Kinakabahan ako sakanya!

"Ang tagal nyo naman?"tanong ni Zin.

Sumagot agad si Wayne ng nakangisi na nagpainit sa pisngi ko. Paniguradong namumula. "Nagpapula pa ng labi si Naih eh antagal! Dinamay pa ako!"sabay nguso nya.

Tumingin si Zin samin ng may pagtataka. Di nagets yung sinabi ni Wayne.

"Gusto mo malaman tal? Halika! Turo ko kung pano yon."nakangising ani Deib. Naupo naman kami ni Wayne.

Bumulong naman si Deib at nakita ko kung pano ang pagtawa ni Deib at pagpula ng pisngi ni Zin. Tumingin si Zin sakin pero di na lang nagsalita.

"Kayo na?"tanong ni Deib. Ngumisi naman si Wayne. Di ko sila tinitignan kasi nahihiya ako. Tumingin lang ako sa lawa.

"Syempre sila na, wala namang naghahalikan na magkaibigan lang. Pwede rin kung friends with benefits."ani Zin. Napatingin naman silang lahat sakin. Tinignan ko rin sila, paniguradong namumula ang pisngi ko.

"Speechless?"pang aasar naman ni Way-- baby?

"King ina! Manahimik na kayo ayan na sila Lau. Kung anu-anong kalandian pinag uusapan nyo dyan!"singhal ko. Nakita ko naman si Lau may kaakbay na babae. Paniguradong ito na yung girlfriend nya.

---------------------------------------------

(Jusko po😳 lumalandi na si Wayne😂)

Vote and Comment😁💞💖





Into Each OtherWhere stories live. Discover now