Chapter 10
BELLA'S PoV
Pag kayaring mag lecture ng aming prof , ay saka nag bell katunayan na tapos na ang klase kaya inayos niya na ang kanyang mga libro at pina lutang iyon pa sunod ulit sa kanya. Ng wala na ang aming prof ay saka naman ako tumayo (syempre para umiwas sa prinsipe ) nang tumayo ako , tumayo din siya at hinarangan pa ako. Tumaas ang kaliwa Kong kilay at inabangan ang kanyang sasabihin.
"Ahm! Bella pwede ba kitang yayaing kumain? May alam akong place!!" Sabi ni prince Denver, syempre ako , tumingin ako sa paligid, puro na iinis ang mga babaeng vampira sa likuran ni prince Denver, hindi na ako nag salita pa kaya kinuha ko na lang gamit ko , saka umalis.
Hinawakan ako ni prince Denver sa braso , hindi ko kasi siya kinausap tungkol sa pag aya niya sa akin, kaya ngayon naka salubong ang kilay at nag tataka sa hindi ko pag sagot , huminga muna ako ng malalim saka nag salita.
"Pasensya na mahal na prinsipe! Pero hindi ko matatanggap ang pag alok mo sa akin ng tanghalian. Kaya ko namang kumain ng mag isa! Kaya no thanks!" Mahaba Kong sabi sa kanya, sa gilid ng aking mata ay nakita Kong nakahinga ng maluwag ang mga babaeng vampira, kaya dahan dahan Kong tinanggal ang pagkakapit ng kamay ni prince Denver.
Laylay ang balikat na nag salita si prince Denver, "ah! Ganon ba?. Sige' " hindi na ituloy pa ang sasabihin niya ng mag salita ang lalaking sa tingin ko eh , Playboy
"Yow!! What's up!! Okay lang yan andito naman kami!! Sasamahan ka naming mag tanghalian! .. Prince Denver" sabi ng lalaking Playboy.
Sa pagka tanda ko ang name niya yata ay "yohan?" Oo siguro siya si yohan, my name tag eh heheheNgumiti ako ng tipid saka, nag salita sa kanila."salamat po prince Denver, mauna na po ako!" Ako sabay talikod, na tingin ako sa lalaking naka upo malapit sa bintana, at nag salubong pa ang aming paningin, pero saglit lang iyon at ibinalik niya rin sa libro ang kanyang tingin. Hindi ko na pinansin pa ang nasa paligid kaya dirediretso na akong mag lakad papalabas ng classroom.
Denver's PoV
Nang mayari na ang lecture ng aming prof , sakto naman ang pag tunog ng bell sa labas, katunayan na tapos na ang clase at tanghalian na, naisipan Kong ayaing kumain si bella, nang naramdaman kong tumayo na ang dalaga ay saka din ako tumayo at pumunta sa kanyang harapan , hindi siya nag salita at iniintay ang sasabihin ko. Kaso na hiya yata ang dila ko kaya hindi ako Maka pag salita.
Napansin ni bella ang hindi ko pag salita kaya aalis na sana siya ng bigla ko siyang hinawakan sa braso. Kumuha muna ako ng hangin saka lakas loob na nag salita.
"Ah!! Bella pwede ba kitang yayaing kumain? May alam akong place?"kinakabahan kong sabi , ("plss! Pumayag ka , please!!! Bella pumayag ka!!") Piping usal ko sa sarili ko. Nanlumo ako nang mag salita siya sa akin, pero bago yon napansin ko ang pag likot ng kanyang mga mata. Bago siya mag salita.
"Pasensya na mahal na prinsipe!!.
Pero hindi ko po matatanggap ang pag alok mo sa akin ng tanghalian , kaya ko namang kumain ng mag isa!, kaya NO THANKS NA LANG!!" iyong ang masakit na nag echo sa aking isipan. Ang masakit pa naramdaman ko ang dahan dahan niyang pag tanggal sa kamay ko sa braso niya, laylay ang balikat Ko nang sabihin sa kanya."ahh!!. Ganon ba?, s-sige!" Hindi ko na naituloy pa ng sumabat itong si yohan.
"Yoww!! What's up!. Okay lang yan!! Andito naman kami!!, Sasamahan ka naming mag tanghalian!!, prince Denver!" Naka ngiting sabi ni yohan sa akin. Ako hindi ko pinapansin si yohan hanggang ngayon naka tingin parin ako Kay bella.Ngumiti si bella ng tipid saka nag salita. "Salamat po prince Denver' mauna na po ako!!" Pagka sabi niyang iyon ay saka siya tumalikod, saglit pa siyang huminto . pero nag lakad din papalabas ng room.
Hinarap ko si yohan , na naka salubong ang kilay."bakit ba nag I interrupted ka sa sabihin ko?" Naiinis Kong sabi sa kanya. Na bubusit ako dahil , sa pangalawang pagkaka taon. Pakiramdam ko , na busted na naman ako. "Jeezz!!" Naibulalas ko.
"Chill lang prince!! Ginawa ko lang yon para hindi ka mapahiya sa kanya!!, don't worry about it! It just a girl!!" Lalo akong nainis Kay yohan. ("Ano raw it just a girl?. ") para sa akin hindi normal si bella, para siyang babasagin crystal na dapat ingatan at palagahan, sa bwisit ko Kay yohan . biglang nag dilim ang paningin ko.
Walang ano ano'y sinakal ko siya at initsa sa labas ng bintana, saka ako nag dire diretso sa palabas ng room. Lahat ng mga kaklase ko ay natahimik sa ginawa ko. Kahit si Sarah na kapatid ni yohan eh walang nagawa, hindi ko na sila pinansin pa , at umalis na ako ng building na iyon. Hindi muna ako papasok ng hapon, bad mood na badmood ako ngayon, kaya itutulog ko na lamang ito sa library namin dito sa school.
Yohan's PoV
"Ouch !! Shits! Ang sakit nun ahh!!" Bulong ko sa sarili ko. Andito ako ngayon sa nasirang puno , sa sobrang lakas kasi ng pag ka hagis sa akin ng prinsipe , tumama ako sa malaking puno sa unahan ng building ng school.
"Tsk!!, tsk!!, kawawang puno!!" Hinawakan ko ang puno saka tumayo doon, nag lakad na lang ako ng parang wala lang, at ngumiti ng nakaka loko. ("So talaga pa lang Seryoso si prince Denver sa babaeng yon!! Hahaha!") Hindi ko mapigilang hindi tumawa ng malakas.A/N: Thanks po sa pag basa ng Bloody moon.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon
Vampire(January 31 2018) started publish Bloody Moon COMPLETED Cristella ay anak ng President ng America, Sa pag sakop ng mga Vampira sa Bansa ano ang gagawin ng dalaga? Ang masama pa ay beloved siya ng anak ng pinuno ng mga Vampira. Ano Ang gagawin Niya...