"Hindi nya parin sinasabi kung ano ang passwork Ms. Vloom" sabi ni Jazze sa kausap nya sa telepono. Nakasilip ako sa maliit na butas dito sa kwarto at dinig na dinig ko ang pag uusap nila."Paaminin mo na yan Jazze! Kailangan na natin malaman agad ang password niyon!" Galit na sabi nito sa kabilang linya.
"Sinusubukan ko naman po kausapin ng maayos si Lucas pero mukang wala syang tiwala sa akin"
"Mas malakas ka sa kanya! Kung kinakailangang saktan mo sya mapaamin lang ay gawin mo! I'll be there in 22hours ako ang kakausap sa kanya!" Binaba nito ang telepono. Nakita kong nasapo niya ang kanyang noo halatang problemado.
Pumasok ako sa loob at lumapit sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong pa nya.
"Bakit minamadali nyang malaman ang password niyon?"
"Pano mo nalaman? Aish nakikinig kaba?" Ayan na naman ang maangas nyang boses.
Tsk!
"Kanina pa .."
"Pssh trabaho kong alamin yun kaya pakiusap lang Lucas sabihin mo na" parang iiyak nyang sabi.
Magtiwala ka sa kanya Lucas .
"Fine .. sasabihin ko na ang password nun----"
*Kringggg *Kringggg
Napahinto ako ng marinig kong tumunog ang cellphone nya.
JAZZE POV
Unknown Number? Sino naman to?! Tsk! Istorbo.
"Hello? Ano bang---"
"Jazze!!" Si Winter
"Bakit ngayon ka lang tumawag?! At bakit hindi ka---"
"Makinig ka sa sasabihin ko!" Hingal nyang sabi.
"What is it?"
"Sa drawer ko sa kabilang kwarto may green na USB doon kinopy ko ang laman ng USB na nakuha mo kay Valentine"
"Alam mo na pala bakit hindi mo agad sinabi?!" Inis na sigaw ko
"Makinig ka! Si Ms.Vloom isa sya sa myembro ng sindikatong Signoz! Narinig ko ang pag uusap nila ni Mrs.Fuente Jazze tumakas na kayo ni Lucas! Bilisan mo!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya!
Ano?! Si Ms.Vloom?! Bakit?
"Teka nasan ka ano ang laman ng USB?! WINTER?! WINTER?!"
"Tumakas na kayo! Papunta na dyan si Ms.Vloom lumayo na kayo bilisan mo---" agad naputol ang kabilang linya!
DAMN IT!!!
"Anong nangyare? Jazze??"
"Lucas makinig ka kunin mo ang lahat ng gamit na kaya nating dalhin aalis tayo sa lalong madaling panahon! Bilisan mo na!" Aligaga syang sumunod sa akin at kumuha ng bag.
Pag sisisihan mo ito! Kaya pala interesado ka agad na malaman ang password ng USB!
Mabilis akong pumunta sa kwarto ni Winter at inisa isa ang drawer nya. Agad ko naman iyong nakita. Binitbit ko ang laptop at agad isinilid sa bag.
"Ano bang nangyayare Jazze? Ipaliwanag mo?!"
"Wala ng panahon kailangan na natin umalis" nagmamadaling sabi ko. Ng pihitin ko ang door knob ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan. Pinatay ko ang lahat ng ilaw.
"Magtago ka" Sabi ko sa kanya.
"Wag kang maingay" Sabi ko pa.
Maya maya ay nakarinig ako ng mga yapak sa labas.
BINABASA MO ANG
Reach The Climax
RomanceBABALA: Ang Storyang ito ay kinakailangan ng patnubay at gabay. Ito'y may maseselang lenggwahe, Karahasan, Sekswal, Horror at droga sa mga INOSENTENG mambabasa! Charouth! :D Annyeong maniggazzx! Sana magustuhan nyo ang storyang ito kung hindi pwede...