WYN JAZZE

8.1K 186 9
                                    

JAZZE POV.

Mula sa balkunahe ay tanaw na tanaw ko ang maaliwalas na kapaligiran. Tahimik.. maganda.. at parang walang gulong nangyayari rito.

Pagkatapos ng misyon na ito ay lulubayan na kita.. hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sayo Lucas. Hindi ako kailanman mananalo sa puso mo dahil iba ang mahal mo.. at ang masakit pa roon. Kapatid ko pa. Ni hindi ko nga akalain na may kapatid ako. Siguro nga pinagtagpo lang tayo ng tadhana pero hindi tayo ang itinakda. Grabe ka tadhana napakalupit mo talagang maglaro. Puso ko ang taya at ang premyo ko sakit na hindi kayang gamutin.

"Mukang malalim ang iniisip mo ah" Biglang sulpot nya at inabutan ako ng isang tasang kape.

"Nasaan sina manang Hilda?"

"Nagpunta silang palengke." Hindi nakatinging sabi nya. "Anong iniisip mo?"

Sandali akong natigilan at tumingin sa langit.

"Iniisip ko kung paano ko maiaalis ang nararamdaman ko para sayo" Agad syang napatingin sa akin.

"Alam ko namang iba ang gusto mo.. naiintindihan kita hindi kasama sa trabaho ko ang mahulog sayo pero anong magagawa ko? Nagkagusto ako sayo. Nung una ang intensyon ko lang ay magpanggap na asawa mo pero.. hindi ko alam na mahuhulog ang loob ko sayo sa sandaling panahon.. Wag ka mag alala pagkatapos nito ay lulubayan na kita."

"Jazze hindi naman sa ganun pero--"

Ngumiti ako.

"Naiintindihan kita.. hindi mo kailangang gustuhin rin ako.. Ayokong magkagusto ka sakin dahil kamuka ako ng asawa mo. Hindi mo rin kailangang suklian ang lahat ng ginagawa ko manatili ka lang totoo sa harap ko."

Agad ko syang tinalikuran dahil hindi ko na kayang pigilan ang luhang gusto ng mahulog mula sa mata ko.

"Jazze.. sandali lang." Hindi ko na sya pinansin at nagderederetso ng lakad.

Damn.. Ngayon nga lang ako nagmahal sablay pa tss. Naiintindihan ko na kung bakit bitter si Winter .

Kinabukasan ay nakatanggap ako ng text galing kay Winter. Sinabi nyang magkita kaming dalawa malapit sa bayan. Hindi na ako nag atubiling magpaalam kay Lucas dahil mahimbing ang tulog nya. Sandali ko syang tinitigan ang hinalikan sa noo.



"Jazze! Dito" kasama nya si Valk

"Long time ah!" Tinapik nya ako sa balikat.

"Tsk anong nangyare sa muka mo? Bat basag basag yan?" Nakangising sabi ko.

"Nadapa hahaha!" Natatawang sabi ni Valk. Inirapan nya lang kamimg dalawa.

"Enough." Sabi ko. Sumeryoso ako at saka namin pinagplanuhan ang pagpasok sa bahay nina Ms.Fuente at Ms.Vloom.

"Napanuod ko na ang laman ng USB sinabi roon ni Cathy na doon nya iniwan ang tape sa bahay nila ni Lucas.. Jazze kailangan na nating kumilos agad sa mga oras na ito alam kong pinaghahanap na nila tayo."

"Alam ko yan pero kailangan na nating gumawa ng plano. Paano natin mapapasok ang bahay ni Lucas sinisiguro kong maraming tauhan doon." Kunot noong sabi ko.

"Naayos ko na ang tungkol dyan" ngising sabi ni Valk. Napangiti ako.

Nang matapos ang mag uusap ay dinala ko sila sa pansamantalang tinutuluyan namin.

"Manang Hilda nasan po si Lucas?" Tanong ko.

"Aba eh hindi pa ba bumabalik? Umalis sya pagkaalis mo kanina---"

"Saan daw ho pumunta?" Nag umpisa ng kumabog ang dibdib ko.

"Hindi niya sinasabi sa akin eh basta iniabot nalang nya ito."

Kinuha ko ang papel at binasa iyon.

Jazze.. I'm sorry kung hindi ako nag paalam sayo ayoko ng dumagdag sa problema mo at gusto kong ako mismo ang tatapos ng problema ko. I'm sorry kung nagalit ako at sinisisi kita sa nangyari hindi ko manlang nakita ang paghihirap mo maprotektahan lang ako. Im really sorry kasi dinamay pa kita.. sana magkita pa tayo--

Hindi ko na tinapos iyon at linukot ko ang papel.

"Nasaan daw sya? Jazze?"

Kinuha ko ang laptop at nakita kong nakaplay doon ang video ni Cathy.

*KRINGGG*

Dinukot ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag

"Agent Wyn Jazze Laeoundelle.. ang babaeng kasing tibay ng bakal ang dibdib.. kamusta kana?"

"Ms.Vloom."

"Ako nga. Are you looking for him?"

"Nasaan si Lucas bitch!!!"

"HAHAHAHAHA!! He's maybe.. dead??"

Naikuyukom ko ang palad ko at sinuntok ang pader. Nagtatangis ang bagang ko sa galit.

Mamamatay ka sa mga kamay ko Vloom! Isinusumpa ko!

"Jazze huminahon ka!" Si Winter. Pero hindi ko sila pinakinggan.

"Wag ka mag alala.. buhay pa ang pinakamamahal mong lalaki. gusto mo bang marinig ang boses nya? Heto"

"J-Jazze .."

"LUCAS?? Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba? Did they hurt you?! Damn it! Answer me?!"

"I'm sorry--"

"Lucas?!!"

"Narinig mo na ang boses nya. Dalhin mo dito ang hinihingi ko at mananatili syang buhay. Bibigyan kita ng apat na oras para pumunta rito at kapag hindi ka dumating .. tapos ang maliligayang araw ng pinakamamahal mo."

Ipinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim. Galit na galit ang loob ko gusto kong magwala!

"Jazze Huminahon ka.. maaayos rin natin ang lahat just please--"

"Paano ako kakalma?! Kinuha ng babaeng yun si Lucas !"

Napaupo ako sa kama at napatakip ng muka. Bumuhos ang luha ko sa sobrang pag aalala sa kanya.

Ako nalang.. please not him.. wag sya hindi ko kaya ..

"Kailangan mong tatagan ang loob mo Wyn.. Nandito kami tutulungan ka namin." Lumapit si Valk at pilit iniangat ang muka ko.

"Kumalma ka .. ganyan nga Jazze" huminga ako ng malalim ang pumikit ng mariin. Hindi niyon nabawasan ang matinding galit na nararamdaman ko.

"T-Tulungan nyo ko.. h-hindi ko kaya kapag may nangyaring masama sa kanya.." nagmamakaawang sabi ko.

"Yes .. We will help you but you need to fix yourself please. . Kailangan mo ng lakas Jazze iyong lakas ng loob para maiayos ang plano nating iligtas si Lucas.. Manalig lang tayo" Tumango ako sa sinabi ni Winter.


Ililigtas kita Lucas .. Hintayin mo lang ako pagbabayarin ko ang sino mang manakit sayo.






DONT FORGET TO VOTE ANG FOLLOW THANKS 😊




Reach The ClimaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon