Chapter 2

71.5K 1.1K 236
                                    

Addison's  POV

Nandito kami ngayon sa mall at naglilibot libot. Kakatapos lang nila akong bilhan ng mga libro. I know, sometimes I feel like inaabuso ko na ang pagiging mabait nila. They actually didn't have to do this for me. Madami na silang binigay sakin. I actually want to buy this books with my own money but they insist. Actually before that, gusto talaga sana nila akong dalhin sa isang sikat na clothing line pero nagpumilit ako sa kanila na huwag na dahil masyado na silang madaming naibigay sakin. Nandoon pa nga sa bahay yung mga pasalubong nila pero hindi sila pumayag at pambawi daw nila to sa ilang buwan na wala sila. Dahil di ko talaga sila mapilit ay sinabi ko na lang na bibili na lang ako ng mga books para may mabasa ako mamayang gabi.

Mahilig akong magbasa at the same time mangolekta ng mga libro. Kung yung iba bags or shoes and heels ang ginagawang collection ako naman mga libro. And so far sa sobrang pagkaadik ko sa pagbabasa ng mga stories malapit ko nang mapuno ang isang cabinet ko ng mga libro (nasa multimedia sa taas ang itsura ng kabinet niya). And ngayon nga binili naman nila ako ng limang books. Matagal na naman bago ako makabili ng bago dahil matagal bago ko matapos basahin ang isang story. Dahil na rin sa trabaho ko kapag may free time, sa gabi o kaya pag day off lang ako nakakapagbasa.

"---go next?" Napatigil ako sa pagde-daydream ko ng marinig ko ang boses ni kuya Marcus.
"I-im sorry Kuya Marcus. What did you say?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko nasundan ang tanong niya.

Napabuntung hininga naman si kuya Marcus. "I said where do you want go next? Kanina pa tayo palakad lakad. May gusto ka pa bang puntahan?" Tanong ulit sa akin ni Kuya Marcus.

Ngayong ko lang napansin na kanina pa nga kami palakad lakad lang. And ngayon ko lang din napansin na kami pala ang center of attraction. Well sino ba naman kasing hindi mapapatingin kung makakita ka ng grupo ng mga adonis. Di ko naman sila masisisi dahil gwapo talaga ang mga pinsan ko. May mga ilan pa nga akong nakitang pasimpleng kinukuhanan ng letrato ang mga pinsan ko.

"Let's just stop walking muna and eat. Nagugutom na din ako." Sabi ko. I almost forgot na hindi nga pala ako nakapag almusal sa sobrang excited na makapag bonding ulit kaming magpipinsan.

"Sure. Kain muna tayo. Di mo agad sinabi sa amin na nagugutom ka na pala." Sabi sakin ni Kuya Axel. Nginitian ko lang siya ng pagkatamis tamis.

----------

Nandito kami ngayon sa isang  Filipino restaurant. Dito ko napiling kumain dahil favorite ko talaga yung letche plan nila dito. Lahat ng sineserve nila dito ay talagang mga autentic Filipino dishes. Kaya ko din sila dinala dito is because I know they miss the Filipino foods dahil sa ilang buwan at taon din nilang nasa ibang bansa. Kaya dito ko sila dinala. May lumapit na waiter sa amin.

"Mabuhay Ma'am at Sirs. Eto po ang menu namin. Sabihin niyo lang po kapag may order na po kayo." Wika sa amin ng waiter sabay abot ng menu.

Kinuha naman namin ito at tumingin ng nais naming kainin. Nang makapili na kami ay agad namin itong sinabi sa waiter at inabot pabalik ang menu.

"Is that all po ba Ma'am and Sirs?" Paninigurado nito sa mga inorder namin na tinanguan naman namin.

"Ok po Ma'am, Sirs. Hintayin nyo na lang po ang mga order niyo. Have a good day." Sabi ng waiter sabay alis

Nang mawala na ang waiter ay ibinaling ko na ulit ang tingin ko sa kanila, "Oh by the way, kamusta naman kayo? How's your life there? Noong mga nakaraang linggo madalang ko na kayong nakakausap dahil naging busy tayong lahat." I said

My Cousins' Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon